ELLA'S POV BAKIT ba kasi sa lahat na napag-utusan ay ako pa? Madami namang iba na available na tao bakit ako pa? Tignan tuloy, para akong tanga dito sa tabi at nakatayo at pinagtitinginan na ako ng mga tao dito para akong isang penguin na may pakpak sa likod the way na kung makatingin sila sa akin. Tsk. Kung pagbaaarilin ko kaya ang mga ito ng matapos na. Sinamaan ko ng tingin ang babaeng ang sama kung makatingin sa akin. Hindi pa ako nilubayan ng tingin nito hanggang sa mawala na ito sa paningin ko. Bwisit! 8 Hours Earlier... Nakatanggap ako ng tawag mula sa head kaya nagmadali akong bumaba sa hagdan mula sa second floor ng apartment na tinutuluyan namin ni Gab. Nanh makababa ako ay nakasalubong ko pa si Gab na kaharap na naman ang laptop nito. Napalingon ito sa akin na nakakuno

