Ella's POV NABO-BORED na nilipat-lipat ko ang channel sa tv. Dahil sa wala akong misyon ngayon ay heto ako't tumatambay sa bahay na ito. Pero agad na napahinto ang palipat-lipat ko ng matuon ito sa balita. Dahil doon ay napaayos ako ng upo at tinuon ang sarili sa tv. "Mahigit dalawampung kababaihan ang na-rescue ng kapulisan kaninang madaling araw. Kasama ang mahigit limang milyong halaga ng mga druga. Hindi pa alam ng mga utoridad kung sino ang mga sangkot sa krimeng ito. At nasisiguro nila na hahanapin at masusugpo ang krimen na ito. Sa ibang balita naman." "Yan ba yung nangyare kaninang madaling araw?" Napabalikwas ako sa gulat ng may nagsalita sa gilid ko at napalingon sa pesteng taong ito. Pinasingkitan ko ito ng mga mata pero hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang ito sa

