ELLA'S POV KINAUMAGAHAN nagiis – scroll down ako isa sa social media para pangpalipas oras ng may magpop – out na notification. Habang sa isang window ay pinag – aaralan ko ang gagawin para mamayang gabi. Sumimsim ako ng kape habang binubuksan ito. Muntik ko ng maibuga ang iniinum kong kape sa monitor ng laptop ng makilala ko kung sino ito. What the hell? "Paano niya ako nahanap dito?" tanong ko sa sarili ko at mas inilapit ang mukha sa monitor kung totoo ba itong siya ito. Oo, siya nga dahil napakagandang mukha niya ang nasa profile niya. Pero potek, paano niya ito nahanap e – nakaprivate ito? At mukha pa ng poker face na emoji ang profile ko. Tahimik lang naman ako dito at walang kapost – post. Hindi ko na siya pinansin at nagtitingin sa mga post ng nagf – feeling rich kid. Pero i

