Andrew Pov.. Malaking danyos sa aming kompanya ang gagawin ko pero kailangan kung iligtas ang aking anak. Ang pera ay mahahanapa pa naming muli pero ang buhay ni Miggy ay hindi mapapalitan ng kahit anung halaga. Pikit mata at kagat labi kong iniutos ang paglabas ng pera sa iba't ibang banko ng aming kompanya. Ako ang CEO kaya ako ang boses sa pagdedesisyon. Wala akong kaalam - alam na may mga tumutulong na pala sa akin para mailigtas si Miggy. Hindi ko pa naiipon ang pera nung nagtext si Ingrid kung saan ko ilalagay ang mga pera. Kapag kompirmado na andun ang mga pera ay saka pa lamang daw niya sasabihin kung nasaan si Miggy. Sigurista ang hayop na walang pusong ina ni Miggy. Kinikilabutan ang aking katawan kapag naiisip ko na siya ang nagluwal sa bata ngunit ganito ang aknyang ginawa. I

