Andrew Pov.. Paalis na ako ng bahay noong may humarang sa aming gate na pick up at may kasunod pang mga sasakyan. Napakunot noo akong hinagilap agad ang aking baril. Inantay ko ang gwardiya kung anu ang sasabihin bago ako bumababang muli sa aking sasakyan. Lumabas ang pasahero sa kasunod na sasakyan. Kahit titigan ko pa siya ng paulit - ulit ay hindi ko mahagilap kung sino siya pero dominante ang kanyang awra. "Sir gusto daw po kayong makausap." Sabi ng gwardiya. Itinago ko sa aking likuran ang aking personal na baril bago lumabas sa aking sasakyan at hinarap siya. "Mike Santebanez!" Agad niyang bulalas na paglahad sa kanyang kamay. "Andrew Lastimoso!" Aking saad na pagtanggap sa kanyang kamay. "So you're the man!" Kanyang sagot. Kumunot ang noo ko sa kanyang sinambit. "What d

