Maya Pov... Hindi na ako nagkaroon pa ng oras na sabihin kay Andrew kung saan ako pupunta. Nakalimutan ko rin mag - iwan man lamang ng mensahe basta ang nasa isip ko ay ang makarating agad sa Bulacan. Pagkarating ko sa terminal ay agad akong sumakay sa sasakyan ni Anjo. Mabilis ang kanyang pagpapatakbo para maabutan pa nmain sila. Sabi ng kanyang informant ilikioat muli si Miggy dahil nagbago ang plano. Gusto ko talaga malaman ang tunay na pakay ni Ingrid para kailangan umabot pa rin sa ganito. Yung akala mong okay na pero biglang magugulo ng isang iglap. Alam kung walang tulog at pahinga si Nadrew. Simula nawala si Miggy ay bihira ko siya makatabing matulog. Madalas nakakatulog na siya sa kanyang study room. Kapag nagtagal pa ang ganitong sitwasyon ay paniguradong masisira ang aming pa

