Eda Pov.. Simula nalaman ni Titus na buntis ako hindi niya ako pinakawalan at binatayan ang bawat galaw ko. Dahil sa laki ng aking tiyan ay hindi ako basta basta makakatakas sa kanya. Bago pa ako makaalis ay nakabalik na siya. Nawalan siya ng tiwala sa akin at galit na galit siyang hindi ako binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag. Hindi ko ginustong umalis at magtago sa kanya. Hindi ko lang naman alam kung anu ang sasabihin ko sa kanya. Ayaw niya ng commitment at higit sa lahat obligasyon. Paanong hindi ako tatakas sa kanya. Paano kung ipapalaglag niya ang bata. Aminado akong may kasalanan at pagkakamali ako sa nangyari. Mahal ko siya kaya ako naging ganito. Dahil sa kanya nagbago ang pananaw ko sa buhay. Ang motto kong hindi pa isinisilang ang lalaking magpapaikot sa aking mundo ay hi

