Andrew Pov... Hindi ako pumunta sa bahay ni Maya ayon sa kagustuhan ko pero ang naganap nung gabing iyon ay hindi ko maitatanggi na nagustuhan ko. Hindi na ako magpapakamanhid pa na hinahanap talag ng katawan ko ang katawan ni Maya. Pero kung paano ako naihatid dito ni Dave ay isang malaking katanungan na kailangan kong mahanap ang kasagutan. Babalikan ko si Dave para ipaliwanag ang nangyari. Ang kalibugan ko din nung gabing iyon ay hindi kapani - paniwala. Ang nagpayanig ng aking pagkatao ay ang mga katotohan na biglang gumimbal sa akin, pagkakagising ko palang sa umaga. Hindi pa lang ako nakakapagtanggal ng muta o nasa tamang huwisyo sa pagkakabigla sa mga pasabog ng kanyang kapatid na hindi ko maintindahan ay may pasabog pang nagpatigil sa pag - inog ng aking mundo. Galit ako kay M

