Anjo Pov... Alam kung hindi matutuwa si Andrew kapag makita niya kami ni mommy sa kanilang bahay pero nagbakasakali pa rin ako na pumunta dahil baka ito na ang huling tapak ko saksnilang bahay. Niyaya ko rin si Titus na pumunta. Wala naman kasing nakakayang magpatigil kapag nagwala si Andrew kundi si Titus. Si Titus ang taong nanatili sa tabi niya kahit anung unos ang dumating sa buhay niya. Si Titus lang ang kayang isakripisyo ang mahahalagang okasyon sa buhay niya masamahan lang si Andrew, para sakanya ay kapatid ang turingan nila. Hindi kabado si Titus na malaman ni Andrew na siya ang salarin sa paghahatid kay Andrew sa bahay ni Maya at paglagay ng gamot sakanyang iniinom na alak sa bar. Panigurado kasing ngayon palang ay tinatawagan na ni Andrew si Dave o malamng andun na sa bar. Si

