Anjo Pov.. Nagyon ko lang napagtanto na totoo lahat ang hinala ni Andrew. Nagpanggap lang siyang maysakit sa akin para paikutin at gamitin. Kung hindi pa siguro ako nasakute ni Andrew baka ako pa ang sanhi ng pagkakidnap ni Miggy baka higit pa ang pwedeng mangyari. Lalong kakamuhian niya ako at kakasuklama. Hindi kaya nasa plano din talaga ni Ingrid na pag - awayin kami para makuha niya ang aking panig at gamitin? Napakawalanghiya niya talaga na nilalang! Bakit pa siya dumating sa buhay namin para saktan lang ng ganito? Kawawa naman si Miggy na ginamit niyang kasangkapan para sa pansarili niyang interes. Anu nga sabi niya? Akala niya hindi anak ni Andrew kaya niya ginawa iyon pero anak naman pala ni Andrew ibig sabihin may iba pa siyang lalaki bukod kay Andrew? Nagtayuan ang mga balahibo

