Maya Pov.. Ngayon ako kailangan ni Andrew kaya hindi ako pwedeng magpadala sa aking emosyon. Kailangan ng mabilis na pag - iisip at galaw. Kung si Ingrid man ang kumuha kay Miggy magagawan pa ng paraan na mahanap siya. Kabado kaming lahat na nag - aantay sa resulta ng CCTV footage. Iisa lang ang pwedeng lalabasan ng sinumang kumuha kay Miggy. Kung ako ang tatanungin mas gugustuhin kong nasa taas lang siya o nasa cafe. Huwag naman siyang kinuha ng ibang tao! Sabay -sabay naming sinalubong ang manager ng hotel sa kagustuhang malaman kung nasaan si Miggy. "Mr. Lastimoso!" Tawag nung manager kay Andrew. Agad na lumapit si Andrew sa kanila. Lumunok muna ng ilang beses ang manager bago nagpatuloy. "I'm sorry sir to say that your son already left the premises with a slender woman in the park

