Camilla’s POV Narinig ko ang pabagsak na pagbukas ng pinto ng silid ni Dion dahilan upang mapahawak ako ng mahigpit sa kumot na nakatakip sa aking buong pagkatao. “Oh my god! Talagang nagdala ka ng babae rito sa bahay mo, Dion?!” Lagot na talaga. “Ma! Bakit ka biglang nagpunta rito ng walang pasabi?!” Hindi ko nakikita sina Dion at nanay niya dahil talagang nakatago ako rito sa malaking kumot ni Dion. Gayunpaman, alam kong nakatingin na sa direksyon ko si Mrs. Dela Peña, at baka nanlilisik na ang mga mata nito. “Sino ‘yan, ha? Gawain ba ng isang desenteng lalake at anak ang mag-uwi ng babae rito sa bahay nang hindi man lang pinapakilala sa’min ng papa mo?” Napalunok ako. Lagot ka, Dion, lagot tayong dalawa! “Ma, just step out from my room, please? She’s… well, she’s not comfortab

