Camilla’s POV Nang maimulat ko ang aking mga mata, napagtanto kong nasa loob ng ako ng silid ni Dion. Kaagad naman akong napatingin sa katabi kong lalake na ngayon ay nakapalumbabang nakatingin sa akin. “Good morning.” He greeted me with a smile. “Natulog ka ba?” Tanong ko habang kinukusot ang aking mata. “Of course.” “Kailan ka nagising?” “Kaninang madaling araw, hindi na ako natulog ulit pagkatapos kitang ilipat dito sa kwarto ko. I decided to just stare at you until you wakes up. Baka kasi tatakas ka na naman.” Seryoso niyang wika dahilan upang mapatingin ako ng deretso sa kanyang mukha. Oo nga pala, muntikan ko nang makalimutan ang nangyari kagabi. Napasinghap ako sa gulat nang bigla niya akong hinila papalapit sa kanya sabay yakap sa akin ng mahigpit. I froze when I felt D

