-------- ***Elara’s POV*** - Dinala nga sa ospital si Inay dahil daw inatake siya ng high blood. Bilang anak, hindi ko pa rin magawang talikuran ang aking ina, lalo na ngayon na ako’y buntis at magiging ina na rin. Baka balang araw ay bumalik sa akin bilang karma kung pababayaan ko siya. Ngunit alam kong may hangganan din ang maitutulong ko sa kanya sa ngayon, dahil malaki na ang lamat sa relasyon naming mag-ina. “Nabayaran ko na po ang ospital, Inay. Iyan lang ang kaya kong maitulong sa inyo. Kayo na ang bahala sa iba,” mahinahon kong sabi sa kanya. Dumaan muna ako sa kwarto niya bago umalis ng ospital, dala ang mabigat na loob at pagod na pagod na puso. “At dahil ba binayaran mo ang ospital, ay ang yabang mo na? Akala mo ba talaga nabayaran mo na lahat ng ginastos ko sa pagpapalaki

