---------- ***Elara’s POV*** - Habang nakatingin ako kay Haidee na payapang natutulog sa crib niya, isang desisyon ang tuluyang nabuo sa isip ko. Umupo akong muli sa sofa, kinuha ko ang bag na nasa gilid ko, at mula roon ay dahan-dahan kong inilabas ang cellphone ko. Saglit akong humugot ng malalim na hininga, pilit kong pinatatag ang sarili ko bago ko ito buksan at hanapin ang numero ni Senyorito Hayden. Napagpasyahan kong tawagan siya upang ipaalam na nanganak na ako—isang linggo na ang nakalipas—ngunit kasabay niyon ay ang masakit na balita na nawala ang isa sa kambal namin, ang lalaki naming anak. Kahit nanginginig ang mga kamay ko at ramdam ko ang kaba sa dibdib ko, pinindot ko pa rin ang numero niya. Una, hindi niya sinagot. Pangalawa, ganoon pa rin. Hanggang sa pangatlong beses

