-=Lyal's Point of View=- Kanina pa ako tingin ng tingin sa relo na nakasabit sa dinding ng bahay ko, kanina pa sigurong alas sais ako gising dahil ayoko naman paghintayin si Lance kapag dumating na ito sa bahay para sa balak nito, at ngayon nga ay nakabihis na ako para sa pagdating ng boyfriend ko. Hindi ko mapigilang hindi mapabuntung hininga kapag naalala ko ang nangyari kagabi lang, imagine boyfriend ko na ang isa sa pinakamayamang tao Pilipinas well not just in the Philippines kung hindi sa buong Asya. Past nine am na ngunit wala pa din ito which is ok lang naman dahil usually naman nagbubukas ang mga mall ng ten am kaya maaga pa ngunit ng tuluyan nang mag alas dose ay naisip kong baka nawala na sa isip nito ang sinabi at hindi na din ako magtataka kung nakalimutan na nito na inaya

