-=Lyal's Point of View=- "Aray!" ang hindi ko maiwasang masabi ng bigla kong sinampal ang pisngi ko, kasi naman gusto kong malaman kung gising ba talaga ako, actually kanina pa ako nakatitig sa kisame ng kuwarto ko, hindi pa din kasi ako makapaniwala sa nangyari kagabi. Anong oras na akong nakauwi matapos ang pagshoshopping namin ni Lance sa mall na pinagmamay-ari nito at hindi pa din ako makapaniwala sa mga kayang gawin ng kayaman nito. Sa totoo lang gusto ko sanang lumiban sa trabaho dahil natatakot ako sa mangyayari sa opisina kapag nalaman na nila ang pagiging magnobyo namin ni Lance siguradong katakot takot na tsismis ang magagawa non kapag kumalat na sa kumpanya ang kung anong meron kami ni Lance and it scare the hell out of me dahil unang una simple lang akong tao at ni wala sa h

