-=Lyal's Point of View=-
Hindi ko na alam kung paano ko ba mabubuo ang halagang kailangan ko para mabili ko ang graduation gift ko para kay Brian nalalapit na ang graduation niya at hanggang ngayon ay kulang pa din ang pera ko, sinubukan ko na ngang utangan sila Roxie at Samantha ngunit katulad ni Mamu ay hindi din nila ako pinapautang dahil ayaw nilang gumastos ako para kay Brian at kahit anong paliwanag ko ay hindi talaga sila nakukumbinsi.
"Kumuha na kaya muna ako sa bumbay." isang tanghali habang sabay sabay kaming kumakain ng tanghalian, well sila lang naman.
"Ganyan ka na ba kadesperado Lyal, pati sa bumbay ay mangungutang ka?" hindi makapaniwalang tanong ni Roxie sa akin.
"Well wala na akong maisip na paraan para magkaroon ng pera ayaw niyo naman kasi akong pautangin eh, tapos hindi pa sapat kahit mag overtime pa ako sa parlor." nayayamot kong sinabi dito.
"Ang cute." nagulat na lang ng biglang magsalita si Samantha.
"Ano namang cute sa sitwasyon ko ngayon ha Samantha?" iritable kong tanong dito ngunit napansin kong sa iba ito nakatingin at nang sundan ko ang tinitignan nito ay napailang na lang ako ng malaman kong nakatingin pala ito sa guwapong nasa kabilang kalsada na para bang may hinihintay.
"Bading yan." ang sinabi ko dito at natawa naman ako sa naging reaksyon nito sa sinabi ko at agad itong napatingin sa akin.
"Excuse me lalaking lalaki kaya si Kuya, pustahan tayo oh." hamon nito sa akin at isang ideya ang pumasok sa isipan ko sa hamon nito.
"Sige pustahan tayo kapag tama ka, lalabhan ko ang mga damit mo ng isang buwan pero kapag ako naman ang tama ay papahiramin mo ako ng pera." hamon ko dito.
Sandali itong nag-atubili ngunit ng muling bumalik ang tingin sa naturang lalaki ay mukhang nakumbinsi na din ito.
"Sige game at ihanda mo na ang sarili mo sa mga damit ko." confident kong sinabi dito, medyo malakas ang loob ko dahil malakas ang pakiramdam ko sa mga katulad namin kahit gaanong kagaling magtago ng totoong pagkatao ay nararamdaman ko pa din sila.
Napapailing na lang si Roxie sa amin ni Samantha habang nagpapatuloy ito sa pagkain samantalang kami ni Samantha ay tutok ang mga mata sa naturang lalaki, ilang sandali nga lang ay may isa pang lalaking guwapo na dumaan sa harap nito at katulad ng inaasahan ay nagkatitigan ang dalawa ngunit bigla akong nanglumo at bigla naman lumapad ang ngiti sa mga labi ni Samantha ng lumagpas lang ang lalaking ito kahit na nga ba nagkatitigan sila at lumapit naman ang isang magandang babae sa naturang lalaki.
"Told you straight si kuya.... ano kayang pangalan niya...." ngunit naputol iyon ng may napansin akong papel na nalaglag sa naturang lalaki at nang makaalis na ang magnobyo ay saka naman lumapit ang guwapong lalaking nakatitigan nito, sakto naman na tumawid ang naturang lalaki sa karinderyang kinakainan namin.
"Ate pa load po." ang sinabi nito at nang maloadan iyon ay dali dali nitong tiningan ang naturang papel at nang masave ang number non ay basta na lang iyong tinapon nito kaya naman dali dali naming kinuha ang kapirasong papel and what I saw put a triumph smile on my face at kabaligtaran naman kay Samanthan.
"See told you kapederasyon natin siya kuya." natatawa kong sinabi dito.
"Pe...pero may girlfriend si kuya." naguguluhan pa din nitong sinabi, hindi pa din nito matanggap na natalo ito sa pustahan namin.
"Well malakas ang radar ko sa kanya at maliban pa doon, hindi mo ba napansin ng magtitigan sila ni kuya number two." paliwanag ko dito.
"Kasi naman Samantha kung noon ang dalawang lalaki kapag nagkatitigan nauuwi sa suntukan ngunit ngayon madalas sa madalas kapag ang dalawang lalaki nagkatitigan nauuwi sa romansa." ang natatawa naman na gatong ni Roxie.
Sambakol tuloy ang mukha nito nang bumalik kami sa parlor pero wala akong pakialam dahil sa bet na iyon ay mabibili ko na ng regalo si Brian sa graduation.
"Oh bakit parang natalo ka sa pustahan Samantha?" ang salubong sa amin ni Mamu hindi ko tuloy maiwasang hindi lihim na mapangiti samantalang si Roxie naman ay malakas na natawa, tinignan tuloy siya ng masama ni Samantha habang nagtataka ang itsura ni Mamu.
"Well Mamu natalo talaga siya kaya huwag niyo nang masyadong intindihin si Samanthat." paliwanag ni Roxie dito.
Bumalik na kami sa mga trabaho namin habang ako ay hindi mapalis palis ang ngiti sa mga labi dahil sa wakas may sagot na sa problema ko.
Sibukan kong kuhanin ang pera dito ngunit sinabi nitong next week Monday na daw niya maibibigay ang sampung libong kailangan ko na ayos lang naman kasi sakto naman dahil Tuesday pa naman ang graduation ni Brian at labis na saya ang nararamdaman ko dahil kahit paano ay nakatulong ako sa pag-aaral ng taong mahal ko para maabot nito ang pangarap nito.
Minabuti kong isikreto muna kay Brian ang magandang balita para talaga masurprise ito sa araw ng graduation nito.
"Magandang gabi mahal ko." ang masayang bati sa kin ni Brian pagkarating na pagkarating ko sa bahay, isang mainit na halik agad ang ginawad nito sa akin, lahat ng pagod ng araw na iyon ay parang magic na nawala dahil sa taong mahal ko.
"Magandang gabi din mahal ko kumain ka na ba?" nakangiti kong tanong dito nang maghiwalay na ang mga labi namin.
"Hindi pa hinihintay talaga kita, nagluto na din ako ng pagkain natin, magbihis ka muna para sabay na tayong kumain." masayang sinabi nito sa akin at natouch naman ako dahil ito ang unang beses na nagluto ito para sa hapunan namin.
"Alam mo ba sigurado na, magmamartsa ako ngayong Marso." masayang masayang balita nito sa akin, agad naman akong nakaramdam ng pagkaproud dahil sa naachieve nito, alam kong mataas ang pangarap nito at masaya ako dahil kahit paano ay naging parte ako sa pag-abot nito ng pangarap niya.
"Masaya ako para sayo Brian." nakangiti kong sinabi dito, sa totoo lang kating kati na ang dila kong sabihin dito ang good news ko ngunit talagang pinigilan ko ang sarili ko dahil gusto ko talagang masupresa ito kapag inabot ko na sa mismong graduation nila ang regalo ko dito, naiimagine ko na ang magiging itsura nito.
"Uhmmm Lyal." ang nag-aalangan nitong tawag sa akin kaya naman agad napadako ang tingin ko dito.
"Bakit?" tanong ko dito.
"Mabibigyan mo ba ako nung gusto kong relo?" nahihiya nitong tanong at muntik ko na ngang masabing oo mabuti na lang talaga at napigilan ko ang sarili ko.
"Sorry Brian, hindi kasi kaya ng sahod ko ang gusto mo kaya hindi kita mabibilhan ng lerong gusto mo." at para namang nadurog ang puso ko sa nakita kong pagkadismaya sa mukha nito, at konting konti na lang talaga at masasabi ko na ang totoo pero pinigilan ko talaga ang sarili ko.
"Ahhh ganoon ba, sayang naman." nakayuko nitong sinabi at nagpatuloy na sa pagkain nito, nanatili na itong tahimik at kapag tinatanong ko naman siya ay isang sagot lang ang ginagawa nito, mukhang talagang nalungkot siya sa pag-aakalang hindi ko mabibigay ang graduation gift na gusto nito.
Nang matulog na kami ay gumilid lang ito at ni hindi man lang ako niyakap, sobrang lungkot ko tuloy ng gabing iyon, pero inisip ko na lang na worth it kapag hinintay ko ang mismong graduation nito.
Kung puwede nga lang hilahin ang mga araw para dumating na ang araw ng graduation ay ginawa ko na ngunit hindi naman ako si Superman na kayang baguhin ang panahon o kaya wala naman akong remote control para ifast forward ang oras kaya naman kahit inip na inip na akong sabihin kay Brian ay sadya kong tinibayan ang loob ko kaya naman ng Lunes na ay sadya akong nagpaalam na maagang aalis kay Mamu.
"Mamu may eearly out po ako ha." paalam ko kay Mamu habang abalang abala ako sa pagrerebond sa customer ko.
"Ano ba naman yan Lyal nagrequest ka na nga ng leave bukas tapos hindi mo pa tatapusin ang araw na ito." paninita sa akin ni Mamu.
"Pagbigyan niyo na yan Mamu, may kailangan kasing gawin yan, ako nang bahalang magcover sa shift ni Lyal." ang nakangiting sinabi ni Roxie na labis ko namang naappreciate.
"Hay naku ikaw talaga Roxiew masyado mong kinukunsinti ang kaibigan mo bahala na nga kayong dalawa." ang sinabi na lang ni Mamu.
"Thank you Roxie ah." nakangiti kong sinabi dito at nang bandang mga alas tres na nga ay nagpaalam na akong aalis na at matapos ngang makuha ang perang hiniram ko kay Samantha ay dumiretso na ako sa mall para bilhin ang regalo ko kay Brian, bago dumiretso ay naglakad lakad na muna ako para na din makapamasyal na muna, lahat ng tao sa naturang mall na iyon ay abalang abala sa pamimili sa gagamitin nila sa graduation, hindi ko naman mapigilang hindi mainggit sa mga ito dahil dapat nakagraduate na ako kung hindi lang ako tumigil ng sumama ako kay Brian ngunit agad ko iyong pinalis sa isip ko at dumiretso na naturang store kung sila nagbebenta ng Fossil na relo.
"Good afternoon po Maam, may maitutulong po ba ako sa inyo?" ang nakangiting tanong sa akin ng babaeng nagbabantay sa store.
"Oo sana meron ba kayong Fossil na relo na mga around ten thousand?' nag-aalangan kong tanong dito at agad naman nitong kinuha ang naturang relo at napangiti naman ako dahil siguradong magugustuhan ni Brian ang relong ito, kulay brown ito na leather ang strap ng relo.
Agad kong binayaran iyon at pinalagay sa isang paper bag at bumili na din ako ng graduation card na nilagay ko sa paper bag.
Papauwi na sana ako ng mapadaan naman ako sa New York 101 at isang polo ang nakita kong sigurado akong bagay na bagay kay Brian kaya naman agad ko iyon binili dahil may naipon pa naman ako, dumaan na din ako sa grocery para naman makapaghanda ako sa graduation ni Brian, gusto kong maging sobrang saya nito sa araw ng graduation niya.
Matapos bilhin ang mga sangkap na kakailanganin ko ay agad na akong umuwi mag aalas siyete na ng makauwi ako at sakto naman na mukhang kakarating lang din ni Brian na galing sa pagpapractice sa graduation nito.
"Magandang gabi mahal ko." ang bati ko dito at sinagot lang ako nito ng walang kabuhay buhay na good night.
Simula kasi ng malaman nito na hindi ko kunwari mabibigay ang gusto nito ay naging malulungkutin ito at parang hindi ko na talaga kayang itago pa iyon kaya naman nagdecide na akong ibigay ito sa kanya pagkatapos namin kumain ng hapunan.
"Kamusta naman ang practice ninyo?" pilit kong pinapalively ang conversation namin.
"Ok lang." ang matabang nitong sinabi.
"Ahhh ganon ba excited ka na ba para bukas?" tanong ko dito at katulad kanina ok lang ang sinabi nito sa akin.
"Nga pala Brian, may binili pala ako sayong damit." abot ko dito.
"Salamat." ang maikli na naman nitong sinabi.
"At....." ngunit naputol ang numang sasabihin ko ng sinabi na nitong inaantok na daw ito kaya naman hindi ko na tuloy nabigay ang regalo ko dito.
"Sige na nga bukas na kita ibibigay sa kanya." ang bulong ko sa sarili habang nakatingin sa paper bag sa kamay ko.
Maaga akong natulog at kahit hindi uli ako niyakap ni Brian ay hinayaan ko na lang dahil siguradong worth it ang paghihintay.