-=Lyal's Point of View=-
Maaga akong gumising ng araw na iyon, this is the big day kaya naman agad kong hinanda ang susuoting panloob ni Brian pati na din ang toga nito, isang malapad na ngiti ang namutawi sa mga labi ko habang masayang masaya kong pinaplantsa iyon.
Napaproud talaga ako sa pagtatapos na ito ni Brian, kahit hindi man ako nakagraduate at least kahit paano ay maisasabuhay nito ang pangarap kong makagraduate na kahit isang simpleng parlorista lang ako ay may natulungan ako para makapagtapos ng kolehiyo, I felt so proud sa achievement nito.
"Good morning Brian, today is your big day." ang nakangiti kong bati dito ng matapos ako sa pag-aayos ng mga kakailanganin nito, nakapagluto na din ako ng ipanghahanda namin para makapagcelebrate kami mamaya.
"Oo nga eh, medyo kinakabahan ako." ang narinig kong sinabi dito, at isang pinong ngiti ang nanilay sa mga labi ko ng yakapin ko siya.
"Hindi mo kailangan kabahan Brian, you did it, nakagraduate ka at ngayon nga ay ikaw ang magiging pinakaguwapong gragraduate sa batch ninyo." pagpapalakas ko ng loob dito.
"Maraming salamat Lyal." ang sinabi nito na agad naligo para maghanda sa graduation nito.
Habang hinihintay itong matapos ay hinanda ko na din ang mga gamit ko para naman presentable naman ako sa pag-attend ko ng graduation nito, ayoko naman mapahiya ito kapag pinakilala ako nito sa mga classmate nito, actually wala pa akong nakikilalang mga classmate o mga kaibigan nito kaya medyo kinakabahan ako kung anong magiging reaksyon ng mga iyon kapag nakita ako.
"Ano ba naman yang mga pinag-iisip mo Lyal ang mahalaga ay tanggap ka ni Brian at mahal ka ni Brian, the hell kung hindi ka magustuhan ng iba." natatawa kong sawata sa sarili ko, kasi naman kung anu-anong pumapasok sa isip ko at hindi ko maiwasang hindi kabahan talaga.
Halos thirty minutes din naligo si Brian at hindi ko mapigilang hindi maglaway ng makita ko ang katawan nito, ngunit agad kong inalis ang agiw sa isip kong iyon dahil may panahon para doon ngunit ngayon ay graduation nito.
Papasok na sana ako sa banyo para makapaligo na din ng tawagin ako ni Brian, at pansin kong hindi ito makatingin sa akin ng diretso.
"Lyal sigurong huwag ka na lang pumunta ng graduation." ang mahina nitong sinabi ngunit para namang bombang sumabog sa pandinig ko ang sinabi nito.
"Pe....pero bakit, gusto ko pa naman na makita na tanggapin mo ang diploma mo?" naguguluhan kong tanong dito, hindi ko maiwasang hindi magdamdam sa sinabi nito lalo na't talaga namang excited na excited ako sa araw na ito.
"Kasi..... masyado pang matatagalan mas mabuting dito ka na lang sa bahay para maluto mo na iyong handa natin." ang sinabi nito, wala na akong nagawa ng basta na lang ito tumalikod at dumiretso sa kuwarto para magbihis.
Ang sakit ng nararamdaman ko ng mga oras na iyon ngunit minabuti ko nang sundin ang gusto nito, whatever Brian wants ay binibigay ko, kaya naman wala na akong nagawa kung hindi tanawin ito habang naglalakad papunta sa sakayan ng tricycle papunta sa pagdadausan ng graduation nito.
"Just think about it Lyal, at least makakapaghanda ka ng pangcelebration ninyo." pilit kong pinapasaya ang sarili ko, hinanda ko na ang mga handa nito para mamaya, naihanda ko na din ang buong bahay namin, nilagyan ko ng ilang mga decoration at sa gitna naman ay nakalagay ang malaking tarpaulin na ang nakalagay ay Congratulation Brian!
Mga bandang hapon nang matapos ako sa mga kailangan kong gawin ng araw na iyon, hindi ko pa din maalis ang kagustuhan na masaksihan ang pag-akyat nito sa stage kaya naman matapos masiguradong nakalock ang pinto ay agad akong sumakay ng tricycle papunta sa pinagdadausan ng graduation at kung tama ang hinala ko ay nagsisimula na ang event, pinangako ko na lang sa sarili ko na hindi na lang ako magpapakita kay Brian para hindi naman ito magalit sa akin at baka masira pa ang mood nito.
Nang makarating ako sa venue ay agad akong nakisiksik sa mga tao just in case na umiikot ang mga mata ni Brian at agad ko naman namataan ang binata na nakapila na sa gilid ng stage at naghihintay ng turn nito para tanggapin ang diploma at nang turn na nito ay hindi ko maiwasang hindi maiyak lalo na't nakikita ko ang kakaibang saya sa mukha nito na para bang hawak na nito ang susi sa mga pangarap nito.
"Mahal ko yan." sa loob loob ko, sa totoo lang gusto kong ipagsigawan iyon ngunit hindi naman puwede dahil ayokong malaman ni Brian na sinuway ko ang gusto niya at hindi na din ako nagtagal at agad akong bumalik sa bahay, habang nasa biyahe ay patuloy pa din ang pagtulo ng luha sa mga mata ko, hindi ako makapaniwala na worth it ang lahat ng paghihirap ko para tustusan ang pag-aaral nito.
Agad kong tinext ang mga kaibigan ko sa parlor, tinext ko din si Brian na magdala ng mga kaibigan nito para sa celebration na gaganapin sa bahay, talagang sinarapan ko ang mga niluto ko, halos mga paborito niya nga actually, may spaghetti, mechado, menudo, murkon, lumpiang shanghai at litson manok na gustong gusto talaga ni Brian.
Mga bandang alas singko ng hapon ng dumating ang mga kaibigan ko sa parlor sa pangunguna ng dalawang best friend ko na sina Roxie at Samantha.
"Mabuti naman dumating na kayo, nga pala nasaan na si Mamu?" tanong ko dito.
"Naku hindi daw puwede si Mamu ngayon may sakit ang hubbie niya kaya kailangan niyang bantayan kaya kaming dalawa lang." paliwanag ni Samantha habang tinitignan ang mga hinanda ko.
"In fairness Lyal bongga ang handa mo ah, siguradong matutuwa ang boylet mo, nasaan na nga ba si Brian?" nakakunot na noong tanong ni Samantha.
Actually iyon din mismo ang tanong ko dahil dapat tapos na ang graduation commencement nito kaya naman nagtataka ako kung bakit wala pa din ito.
"Naku alam mo na baka nagpicture taking pa kasama ng mga kaklase niya, antayin na lang natin, siguradong padating na din iyon." ang nakangiti kong sinabi sa mga ito, muli kong tinext si Brian ngunit hindi pa din ito nagrereply.
Lumipas ang mga minuto na naging oras hanggang mag-aalas ocho na ng gabi ngunit wala pa din ito, sinubukan ko nang tawagan ito ngunit hindi ko naman ito macontact.
"Padating na pala ah." ang nasusuyang sinabi ni Roxie at halata sa mga ito na gutom na gutom na ang mga ito kaya naman hinayaan ko na silang mauna samantalang ako ay patuloy na naghihintay kay Brian.
Bandang alas nueve ng gabi ng magpaalam na ang mga kaibigan ko, ako naman ay nanatili pa ding naghihintay kay Brian, sa paghihintay ko dito ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
"Brian?" ang napapaos kong tanong nang may marinig akong nagbukas ng pinto at tama nga ako si Brian nga ang bagong dating suot nito ang polo na binili ko dito kahapon.
"Bakit diyan ka natutulog?" tanong naman nito, agad akong tumayo para ipaghanda sana ito ng pagkain.
"Huwag ka nang mag-abala Lyal, nilibre kami ng classmate ko sa sofitel ang sarap pala ng pagkain don, mamahalin." ang masayang pagkukuwento nito sa akin, hindi ko maiwasang hindi tignan ang mga hinanda ko at medyo nahiya naman ako sa narinig ngunit pilit ko iyong nilalabanan.
"Ahh ganon ba sayang hindi mo tuloy naabutan sila Roxie at Samantha gusto ka pa naman nilang batiin." ang sinabi ko dito.
"Ah ok." ang tanging nasabi nito, bigla ko naman naisip ang surprise ko kaya naman dali dali akong pumasok sa kuwarto namin.
"Brian may gusto........." ngunit naputol ang kung anong sasabihin ko ng marinig ko ang mga sumunod na sinabi nito.
"Lyal, sorry pero kailangan na kitang iwan." seryoso nitong sinabi, para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa narinig mula dito.
"Ano..... ba namang.... joke yan Brian." ang sinabi ko dito pilit kong nilalabanan ang panginginig ng boses ko.
"Sorry Lyal kailangan kong gawin ito, I'm sorry....." ang sinabi nito at hindi na ito muling nagsalita at agad pumasok sa kuwarto namin at sandali lang ito nagtagal doon at lumabas na doon dala ang mga gamit nito na basta na lang sinaksak sa loob ng bag nito.
"Maraming salamat Lyal, sana ay makahanap ka ng taong totoong magmamahal sayo, paalam." ang sinabi nito at agad nang lumabas ng bahay.
Natutulala naman ako habang nakatingin sa papalayong imahe nito, hindi pa din nagreregister sa akin kung ano bang nangyari, one minute ang saya saya ko dahil graduation ng taong mahal ko, tapos ngayon ay basta na lang matatapos ang mahigit dalawang taon na relasyon namin.
"Brian...." ang namutawi sa mga labi ko kasabay ng pagdaloy ng mga luha sa magkabilang mga mata ko at nang matauhan ay agad akong lumabas ng bahay para sana habulin ito ngunit nakasakay na ito ng Taxi kaya naman hindi ko ito naabutan.
Gulong gulo ako kung anong nangyari bakit sa ganoon na lang natapos ang relasyon namin ng mahal ko, ng taong pinaglaban ko sa mga magulang ko, ng taong binigay ko ang lahat ng dahil sa pag-ibig.
Humagulgol lang ako ng humagulgol habang yakap ang paper bag kung saan nakalagay ang regalo ko sanang relo dito, ni hindi ko man lang naibigay ito sa kanya.