He was crazy. Hindi niya kayang ignorahin ang puso niya kapag nakikita na niya si Ligaya.
It all started nang maikwento ng lola niya ang tungkol sa una nitong pag-ibig. Noon pa man ay alam na niya ang kasunduan tungkol sa arranged marriage. Sa mga magulang palang nila ay nakaplano na iyon ngunit hindi natupad dahil parehong mga babae ang naging anak nila.
Kaya naman ay natuwa sila nang maisilang si Ligaya. Pero pati ba naman sa bunso nilang kapatid na babae ay ginawa na rin nilang ipagkasundo ito sa hindi nito mahal? At nauwi lang iyon sa disgrasya. Walang kinalaman iyon sa kasunduan ng dalawang matanda dahil mga magulang na nila ang nagdesisyon niyon kaya naman nagalit talaga siya sa mga ito noon. Lalo at sobrang bata pa noon ni Jarissa na kaedad lang ni Ligaya.
Siya ang totoong itinakdang ipakasal kay Ligaya. Walang siyang pakialam noon kahit hindi niya mahal ang mapapangasawa niya. Naniniwala siya na maari naman siguro nilang matutunan ng magiging asawa na mahalin ang isa't-isa. Pero dahil sa nangyari sa kapatid niya he called the engagement off. At doon ay si Enric ang siyang nagtake-over sa posisyon niyang magpapakasal kay Ligaya.
But before they'd intorduce to each other, nauna na niyang pinuntahan ang dalaga. Nakikita na niya ito noon sa mga gatherings ng kanilang mga pamilya. At ang unang encounter nila ay sa unang exhibit nito. College pa lamang ito noon. She wore a floral dress and she looks so innocent. Hindi tulad ng iba na ipagyayabang ang estado sa buhay. Ligaya was so down to earth. She was simple in every way. At an early age she had a foundation for children. That caught his heart. Nagsisi tuloy siyang inayawan ang nakatakdang pagpapakasal dito.
He knows that his twin brother just accept it because their family never accepts his friends. Bad influence daw ang mga ito. At dahil doon ay mas lalong nagpasaway si Enric. Pero alam niya na dati pa ay may espesyal ng pagtingin si Enric sa kaibigan nitong si Rixie. Bihira lamang niya itong makita pero halata naman kapag dinadala ni Enric ang barkada sa kanilang bahay na itinataon nitong wala ang kanilang mga magulang. Todo asikaso ito kay Rixie. But then he never said it to the girl. Na alam din niyang hinihintay lang ang kakambal niyang magtapat dito.
Ngayon heto siya. Alam niyang madaling nahuhulog ang mga babae sa kakambal niyang si Enric dahil likas itong masayahin at magaan itong kasama. At alam niya din na hindi malayong ma-inlove si Ligaya kay Enric. But then, he still offers help to run away. For what!? To take back what was once his?
He tried hard. To forget and ignore his feelings for her. Pero hindi umayon sa kaniya ang oras. Bawat araw na lumilipas mas lalo niyang hinahanap si Ligaya. And yes he is crazy about her na pati ang numero ng kaniyang kakambal ay na-hack niya at magpanggap na Enric para lang hindi niya ito mamiss at para lang makausap niya ito kahit pa akala ng dalagang siya si Enric.
It was a crazy move. But it is all worth it. He was true when he was talking to her. At mas lalo siyang na inlove sa dalaga dahil matiyaga siya nitong pinapakinggan at kinakausap siya nito kahit na minsan ay gabi na siyang tumatawag. He was just trying his luck. At natutuwa siya kapag sinasagot nito ang tawag niya.
Bigla siyang nagising mula sa panaginip nang mag-ring ang kaniyang cellphone. It was his brother.
"You are with her."
It's not a question. He was so sure. "Don't worry, I'll take care of her."
"You better. Hindi siya katulad---"
"I know." Pinutol niya agad ang sasabihin ng kapatid.
Ginagamit niya ang numero nito para makipag-usap siya kay Ligaya. At nalaman ni Enric iyon dahil may isang mensahe siyang hindi nabura.
"Don't hurt her please. She is precious, Eric."
Why his brother sound so concerned about her? Is he? No way!
"She is like a sister to me, Eric. She is pure and innocent." patuloy pa nito.
"I know. That is why I love her."
Natahimik ang nasa kabilang linya. Akala niya ay hindi na ito magsasalita pero naunahan siya nang sana ay mamamaalam na siya dito. "Babawiin ko siya sayo kapag sinaktan mo siya."
Hindi na siya nito hinintay pang makasagot dahil nawala na ito sa linya.
Ano ang ibig sabihin ni Enric? Is it possible? At ano ang gagawin niya? Paano kung pati si Ligaya ay ganoon na din ang nararamdaman para kay Enric? Pilit niyang hindi inintindi ang naiisip. He will never give up. Now that he had a chance.
Bago niya ibigay kay Ligaya ang mga damit nitong binili niya kanina ay nagtungo muna siya sa study sa lumang bahay at inayos ang lugar. Gusto niyang gamitin ni Ligaya ang lugar upang doon ito magpinta.
"After you change, sumama ka sa akin. May ipapakita ako sa iyo." aniya sa dalaga bago muling iniwan ito. Nagpasalamat ito sa kaniya at tumango.
Naghintay siya sa sala ng ilang sandali bago nakitang lumabas si Ligaya. Isinuot nito ang pinakasimpleng t-shirt na nabili niya.
Kiming ngumiti ito sa kaniya. "Masyadong magaganda ang mga damit na binili mo. Dito lang naman ako sa loob. Wala naman akong balak lumabas." anito sa kaniya.
He didn't speak a word. Lumapit siya sa dalaga at inipit ang takas na buhok nito sa tainga. Pumiksi ito at bahagyang umatras ngunit hinawakan niya ito sa mga kamay. Napatingin sa kaniya si Ligaya nang may nagtatakang mga mata.
"Eric..."
"Just this time. Let me feel you." aniya at hindi na niya hinintay pa itong makapagsalita. Idinampi niya ang kaniyang labi sa pisngi nito. It was a sweet and gentle kiss. Tiningnan niya ito sa mga mata nang hindi niya inilalayo ang mukha sa dalaga.
"I... Wh-what are you doing, Eric?"
"Telling you the truth."
"What truth?"
"That I should be..."
Biglang nag-ring ang telepono. Nilingon iyon ni Ligaya ngunit siya ay hindi. Alanganing bumaling muli si Ligaya sa kaniya at itinuro ang telepono na hindi pa rin tumitigil sa pagtunog.
"Ang telepono. Baka importante."
Napabuntong-hininga na lamang si Eric at tinungo ang nag-iingay na aparato. Sino ang istorbong nilalang ang tumatawag?
"Ongpico Residence..." bungad niya.
"I know you're there. What are you doing there without my permission? Have you heard about your brother's supposed marriage?"
It was her Mom. At hindi kailanman siya ipinahamak ng kakambal dito. Kahit na ang akala ng lahat na si Enric ang loko-loko sa kanilang dalawa ay hindi pa siya nito ipinahamak sa mga magulang. Kakampi niya ito. At siya naman, kay Jarissa.
"I know. And I don't think we should talk about this over the phone."
"Please, help Enric. He's not in his condo or yours. Hindi din siya nagpupunta pa sa La Vista para makibalita kay Ligaya kung saan siya nagpunta. I have a hint that, they were together at..."
"Mom!" he cut her off. Ayaw niyang marinig ang susunod na sasabihin nito. It's obvious. Umalis din si Enric para hindi siya paghinalaan ng kung sinuman. Enric. What happened to Rixie?
"Fine. When he called you, please tell him I'm worried." anito at tinapos na ang tawag. Mabuti naman.
"Your mom."
Napalingon siya kay Ligaya. Nasa likod na pala niya ito. Nilapitan niya ito at niyakap. Hindi ito nagprotesta and he's happy with it.
"Matatapos din ito."
Kumalas siya at tinitigan ito. Nakangiti si Ligaya pero hindi iyon abot sa mga mata. He then smiled at her. "Come with me, I have to show you something." hinila na niya ang dalaga patungong study room.
Pagkabukas ni Eric ng silid ay nakita niya ang pagkamangha sa itsura ng dalaga. Muli niyang nakita ang totoong ngiti sa mga labi nito. Naroon kasi ang mga kinolekta niyang mga obra nito. Dito niya itinatago ang mga ito dahil tiyak na mabubuko siya ng mga magulang kung sa condo niya idi-display ang mga paintings.
Manghang napatingin sa kaniya si Ligaya. "You have all these?" hindi makapaniwalang tanong nito sa kaniya. Iyon ang mga paintings na napag-pilian na. Mga paintings na hindi pinansin ng mga um-attend ng exhibit at tanging mga makukulay lang ang binili.
"Sort of. Kaya naka-display ang mga 'yan diyan." pabirong sambit niya. Nagulat na lamang siya nang biglang yumakap sa kaniya ang dalaga. Ramdam niya ang init ng katawan nito. And the sudden electricity that hit his nerves make him feel hotter.
Gumanti siya dito ng mas mahigpit. Kung ilang taon niyang tiniis na maikulong ito sa mga bisig niya. Ngayon ay heto na. Nasa mga bisig na niya ang babaeng iniibig. Oo, he loved her. Walang nakakaalam niyon maliban kay Enric. Recently lang din nalaman ni Enric dahil sa paggamit niya sa cellphone number nito.
Hindi pa sana niya pakakawalan ang dalaga nang ito na mismo ang kumawala sa mga bisig niya.
"I- I was just carried away. Natutuwa lang ako that you're keeping my works safe here." nagbaba ito ng tingin na tila nahiya sa naging galaw nito. "H-how come that youu have all this. Have you been my..." hindi nito maituloy ang nais itanong sa kaniya. Halatang nahihiya ito and she looks so lovely when she was blushing.
He cupped her face. Making her face him again. "I want to keep it. Because I want to keep you too. If that is possible." nakita niya ang kalituhan sa mukha ng dalaga.
"A-anong ibig mong sabihin? Hindi ko maintindihan at...ki-kinakabahan ako." she said without hesitation. At least she is telling what she really feel.
Bumuntong-hininga siya. Is this really the right time to tell her the truth? What if magalit ito sa kaniya at tuluyan ng lumayo ang loob nito sa kaniya?
"Eric, what is it? Huwag mo akong bitinin. Because I have a feeling that you still have feelings for me. Na hindi nawala ang damdaming dati mo ng nabanggit sa akin noon, na..."
"Yes!" pinutol na niya ang kung ano pang sasabihin pa ng dalaga dahil obvious naman ang nararamdaman niya para dito.
"Eric..."
"Dati pa. Bago pa kayo magkakilala ni Enric. Ako dapat 'yon. Ako dapat ang pakakasalan mo."
"What!?" kitang-kita ang gulat sa mukha ni Ligaya. Dahan-dahan itong lumayo sa kaniya.
Ito ang ikinakatakot niya. Ang tuluyang malayo sa kaniya si Ligaya. He tried! Alright! Pero ang puso at isip niya ay ang dalaga pa rin ang itinatangi. Masama ba iyon? Marahil nga ay hindi tama. At lalong mali dahil ngayon pa niya talaga inamin sa dalaga ang totoo.
"I-I need to rest." anito at saka ito tuloy-tuloy na lumabas ng silid.
Gusto man niyang sundan ang dalaga ngunit mas mainam na ma-absorb muna nito ang rebelasyon niya. Hindi pa nito naririnig ang buong kwento. He assumed she was just shocked. At mayamaya lang ay kakausapin na siya nito.
Pero hindi rin maalis sa kaniya ang pangamba. Paano kung bigla nalang umalis si Ligaya ngayon at iwan siya? Masisisi ba niya ito? Wala ba siyang gagawin para pigilan ito?
He then went out of the room at sinundan ang dalaga. Nasabi na rin lang niya ang totoo ay lulubus-lubusin na niya.