Chapter 9

2001 Words
What happened? Totoo ba ang mga sinabi ni Eric? Dapat ba siyang maniwala? Napakaraming tanong ang gumugulo sa isip ni Ligaya. Napahawak siya sa kaniyang puso. Kinapa niya sa kaniyang sarili kung galit ba siya sa lalaki o hindi. She will never get mad at him. At kahit sa simula palang ay napaglaruan na siya ay hindi niya makapa sa puso niya ang galit. Oo, nakakatampo. Pero hindi niyon kayang higitan ang damdaming nabuo na sa puso niya para sa binata. Dati pa. Ang boses pa lamang nito ang naririnig niya at hindi niya pa ito personal na nakakasama ngunit nagkapuwang na ito sa puso niya. But that doesn't mean she will let it just pass. Kailangang patunayan sa kaniya ni Eric na totoo ang nararamdaman nito para sa kaniya. "Ligaya..." Napalingon siya dito. Nakatayo na pala ito sa may pintuan. Nakikita niya sa mga mata nito ang pagsusumamo. The sincerity in his eyes was an evidence. "Please. Pakinggan mo muna lahat ng sasabihin ko." "Ano pa'ng mga sekreto ang hindi ko alam, Eric?" pilit niyang pinatitigas ang kaniyang boses kahit na ngali-ngali na niyang yakapin ito ng mahigpit. "I tried...I tried to take the place again on the day of your wedding..." nanlaki ang mga mata niya sa narinig pero hindi siya nagsalita. "...I called Enric. Pero hindi siya pumayag. Ang sabi niya ay kailangang ikaw daw mismo ang magdesisyon. That you have feelings for me too. Then he locked me in my room para hindi ko magawang itakas ka. Ang alam ng mga magulang ko ay hindi ako umuwi kaya akala nila ay hindi ako aattend sa kasal. "Then I scaped. Paglabas ko ng bahay ay wala pati ang kotse ko. I cursed my brother for it. Alam kong siya ang may kagagawan ng lahat. Then, I called my friend and asked for his help to at least let me borrow his one unit of taxi. And luckily, may isang kakahatid lang malapit sa subdivision. That's why you saw me with the taxi. Kadarating ko lang n'on and I thought your wedding was done." Lumapit ito sa kaniya. Itinaas nito ang kanang kamay at hinawakan ang kaniyang pisngi. He caressed it gently. "I was very happy you chose to run." bago pa siya makapagsalita ay nailapat na nito ang labi nito sa kaniyang labi. It was gentle and sweet. Her first kiss. Para siyang magkakalagnat sa pakiramdam niya. Parang may kuryenteng nanulay sa katawan niya na nagpahina ng husto sa kaniya. "Eric..." tanging nasabi niya matapos ang halik na iginawad nito sa kaniya, "I love you, Ligaya. I am willing to take all the curses from our parents just to prove to you that I really love you. Alam ko hindi madaling paniwalaan ang sinasabi ko pero hayaan mo akong patunayan sayo iyon." "You think ganoon lang kadali ang porblemang ito? Kasalanan ko ito sa una palang dahil pumayag pa ako sa ganitong set-up. Pero hindi na mababago pa ang tapos na. Eric, you love me, alright? But that doesn't change the fact that this was because of my decision. Lahat sila ako ang sisisihin sa kahihiyan ng mga pamilya natin. And I want it to do it alone. Ayaw kong idamay ka pa ulit." "Sa ayaw at sa gusto mo, damay na ako sa sitwasyon mo dahil ako ang nagdala sayo dito. I'm selfish, alright? I took advantage of the situation and grab the opportunity to let this happen. Ginawa ko ito dahil ito rin ang gusto kong mangyari. Ang hindi matuloy ang kasal niyo ni Enric because I am in love with you." "But this love is toxic." Naguguluhan na siya. Ano ba dapat ang tamang gawin? He was in love with her. Pero siya? Ano ba talaga ang totoong nararamdaman niya? Her feelings for him was not an ordinary feeling. It was dangerous that she can break all the rules just to be with him. Pero hindi niya gagawin iyon dahil alam niyang pareho lang silang masasaktan. Maging ang mga taong nasa paligid nila ay madadamay. "Magpahinga muna tayo?" biglang sabi niya. She's tired. Ang isip niya ay pagod na sa kakaisip ng mga nangyayari. Kung pwede lang hindi na mag-isip. Bumuntong-hininga si Eric. Nais man nitong kontrahin ang kaniyang sinabi ay hindi na lamang ito nag-komento pa. Bagkus ay lumapit ito sa kaniya. "Rest. Don't think too much. Everything will be alright." anito bago muling idinampi ang labi nito sa kaniyang labi. Naestatwa siya. It wasn't the first yet it's still have the same effect on her system. Akala niya ay sandali lang iyon katulad ng nauna ngunit nang idiin pa nito ay kusa na siyang napapikit upang damhin ang sensasyong pumapaloob sa kaniyang katawan. Imbes na magpahinga ay tulala lang si Ligaya sa kaniyang silid. Hinaplos niya ang labing kanina lang ay angkin ng mga labi ni Eric. Tumayo siya mula sa kama at tinungo ang library na kinaroroonan ng kaniyang canvas. At dahil sa mga rebelasyon ni Eric ay hindi tuloy niya nagawa ang dapat niyang gawin doon. She had an inspiration. Her imagination was in the mood right now, na kung hindi niya pa gagawin ngayon ay baka mawala na naman siya sa konsentrasyon. The man without a face. Bakit ngayon lang niya naisip? It was him all along. Ayaw niyang aminin dati sa kaniyang sarili. Ipininta niya ito simula nang una niyang marinig ang boses nito. Sa unang pagkakataong marinig pa lamang niya ang boses ni Eric ay humanga na agad siya dito at nagawa niyang mag-imagine. Nakakahiya man pero una niyang ipininta ang katawan nito nang walang kahit na ano maliban sa maliit na telang tumatakip sa maselang bahagi ng katawan nito. Naiisip pa lang niyang makikita ito ng binata ay namumula na siya. Even if she's not sure of the body built, kung makikita nito iyon ay aakalain nitong nasa harap lang niya ang binata nang ipinta niya ito. All its body features are perfectly captured. It was a picture of him minus the face. Ngayon, habang iginuguhit niya ang bawat kurba ng mukha nito ay naiisip niya ang halik na pinagsaluhan nila. The way he kissed her was full of love. Ingat na ingat ito. Ramdam niya ang suyo sa bawat dampi ng labi nito sa labi niya. Hindi niya tuloy namamalayan na papatapos na ang kaniyang ipinipinta. Ang mga mata nito ay punong-puno ng pagmamahal na tila nangungusap. It was full of sincerity that she feels okay even if they were in the middle of a difficult situation. Iyon ang nakikita niya sa mga mata ni Eric. Alam niya na mahirap ang sitwasyon nito dahil sa simula palang ay ninais na nitong takasan ang kasal pero heto ngayon at kasama pa niya itong tumakas. "Alam na ni Dad." hindi na nagtaka si Eric sa sinabing iyon ng kakambal. Ito mismo ang tumawag sa kaniya. Umuwi na rin pala ito at tinawagan na nito ang kanilang ina. "Any advice?" pilit niyang pinapakalma ang kaniyang sarili. Kailangan siya ni Ligaya kaya kailangan niyang maging mahinahon. Mahirap ang sitwasyon pero alam niya sa sarili niyang maaayos din nila ito. "Tell them the truth. Doon lang kayo mapapanatag ni Joy." Napangiti siya. Yeah right. Iyon naman talaga ang gagawin nila ni Ligaya. Wagas ang sayang nararamdaman ni Ligaya nang matapos niya ang kaniyang obra. This is the first time she paint a man. And not just a man. It was Eric. Hindi niya ma-imagine ang magiging reaksyon ng lalaki kapag nakita nito ang kaniyang ipininta. Kahit siya ay hindi makapaniwala sa kaniyang gawa. It was beyond her circle. Magugulat din marahil ang kaibigan niyang si Ilaya. Speaking of her friend, heto at tumatawag na sa kaniya. Binuksan na naman niya kasi ang kaniyang cellphone. "Mygosh! I am going crazy. Saang lupalop ka na ng mundo naroon?" OA na sambit ng kaibigan hindi pa man siya nakakapagsalita. Natawa na lamang siya. "Relax. I'm fine. Nasa Pilipinas pa rin naman ako." "Ligaya, hindi ito biro. Your parents, especially your Dad is freaking out. Pati ako ay kinukulit na niya. Imposible daw na hindi ko alam. Damn, kung alam ko lang...hindi ko din sasabihin, 'no. For all I know, pipilitin ka nila sa gusto nilang mangyari. And that is toxic. Mabuti nalang hindi ganoon si Mommy." mahabang litanya sa kaniya ng kaibigan. "I know you'll keep my secret. Kaya mabuti nalang tumawag ka. I have a surprise for you." Natahimik ito. Sandaling walang nagsalita dahil pinakiramdaman niya muna ang kaibigan. Alam niyang excited na ito sa sasabihin niya. "I'll send you the details in Messenger." Aniya at in-end na niya ang tawag. Kinunan niya ng picture ang kaniyang obra maestra at isi-nend niya kay Ilaya. Matagal ng na-seen ni Ilaya pero hindi pa rin ito nagre-reply sa kaniya. Online pa rin naman ito. Nagta-type na siya ng message dito nang bigla itong mag-video call. "Damn, damn, damn. Ikaw ang gumawa niyan? Holy Sh**. Sure ka bang isasali mo 'yan sa exhibit? That's so hot." Tili nito. OA pero dahil sa reaksyon nito ay nawala ang mga agam-agam sa isip niya. Isasali nga ba niya sa exhibit ang painting niyang si Eric? "I don't know." walang halong pagkukunwaring aniya sa kaibigan. "Loka! Now that you are inspired. Gumawa ka pa ng marami. Alam kong in love ka dahil nakabuo ka ng ganyan kagandang obra. And, my gosh. I don't know that you are obsessed with him!" hindi pa rin nawawala ang excitement sa boses nito. "Hey! I'm not obsessed. I just like him." depensa niya. Pero sino ba ang niloko niya? Paano niya maipipinta nang ganoon kaganda ang pigura ni Eric nang hindi niya pa ito lubusang napagmamasdan kung gusto lang niya ito? "Sino ang kinukumbinse mo? Ako o sarili mo? Girl, okay, you are not obsessed, but you are in love." Nagbuntong-hininga na lamang siya. "Fine. Oo na. In love na kung in love. But..." Pinutol ni Ilaya ang kung ano pa sanang idudugtong niya. "Wala ng but. Basta in love ka. Sige na, mag-concentrate ka na sa pagpipinta mo. Alam kong inspired ka ngayon. Ciao!" anito at pinatay na nito ang video call. "You're packing." nagulat pa si Ligaya nang marinig niya ang boses ni Eric. Lahat ng gamit na binili nito para sa kaniya kasama ang kaniyang mga canvas ay inaayos na niya. Sa bigat ng damdamin niya kahapon ay bigla siyang nagkaroon ng will sa pagpipinta. Hindi tuloy niya inasahan na makakatapos siya ng tatlong obra. Madaling araw na siyang natapos. Hindi na dapat pang patagalin ang pagtatago niya sa kaniyang mga magulang. Mas lalala lang kapag pinatagal pa niya. Nilingon niya ang binata at nginitian. "There's no need to run, anyway. Sana tumuloy nalang ako noon at sinabi kong hindi na matutuloy ang kasal, hindi iyong tinakbuhan ko pa silang lahat." Mataman siya nitong tiningnan. "Did I already said that you're beautiful?" Napangiti siya ng matamis. Hindi niya inasahan na iyon ang itutugon nito sa sinabi niya. Akala niya ay pipigilan pa siya nito. "Thank you for the compliment. Ikaw, may ipa-pack ka ba sa mga gamit mo? Sorry, hindi ka nakapag-bakasyon. We only have an overnight. Sapat na siguro iyon para matauhan ako sa lahat." Lumapit ito sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. Dinama niya ang init na dulot ng katawan nito. It feels comfortable when she's in his arms. She feels safe and loved. Naramdaman niya ang pagdampi ng labi nito sa kaniyang ulo. "I'm glad you choose to be brave." bulong nito saka mas hinigpitan ang yakap nito sa kaniya. Tumingala siya dito. Kitang-kita niya ang saya sa mga mata nito. "I have to. Because I love you." Sandaling natigilan ito. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Eric ngayon. Halo-halong emosyon ang nakikita niya sa mga mata nito. "Damn! I love you more." pagkasabi nito ay sinakop na nito ang kaniyang mga labi. Dama niya ang pagmamahal nito. The way he brushed his lips on hers was overwhelming. Para siyang nasa alapaap. Oh, how she wished it happened before the planned wedding.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD