Chapter 10

2886 Words
"I thought we're going home?" Nagtataka ngunit nakangiting tanong ni Eric sa kaniya nang hapon. Naabutan siya nitong umiinom ng tsaa sa may komedor. Gumanti siya ng ngiti dito. "Naisip ko lang, sayang talaga ang lugar kung hindi din masusulit. Magpapasaway ulit ako kahit ilang araw pa, lets say a week more or two? Ilaya will understand. Sabi pa nga niya kahit matagal basta madami akong ie-exhibit." Lumapit ito sa kaniya saka siya niyakap. "I'd love to stay here with you. Kahit matagal. Pero ikaw ang masusunod kung hanggang kailan mo gusto." "Gusto ko lang muna bumawi sa tulong na ibinigay mo sa akin." "Hindi ako kailanman humingi ng kapalit, Ligaya. Sapat ng makita kitang masaya at payapa na ang kalooban." natawa siya sa sinabi nito. Kahit naman pakiramdam niya ay ayos na ang lahat ay alam niya sa sarili niya na hindi pa rin totoong ayos dahil hindi pa rin niya hinaharap ang kanilang mga magulang. "Si Ilaya palang ang nakakausap ko at nakakaintindi sa akin. Hindi pa payapa ang kalooban ko, aaminin ko sayo. But at least, may isang naniniwala sa akin." Kumalas ito sa kaniya mula sa pagkakayakap ngunit hindi ito lumayo sa kaniya. Tinitigan siya nito. "So, ano ang gagawin natin ngayong araw?" anito sa masiglang tinig. Nakikita niya ang sincerity nito na gusto siya nitong maging masaya kahit paano na kasama nito. "Gusto kong pumunta sa Monasterio." aniya. She wants to pray. To thank Him. Sa bigat ng nagawa niyang kasalanan sa kaniyang mga magulang ay heto ang isang lalaking handang dumamay sa kaniya ng hindi iniisip ang sarili kundi ang matulungan lang siya. Matamis na ngumiti ang binata. "We'll do that tomorrow. For now, ipagluluto muna kita. What do you want for dinner?" Masayang sambit nito at hinagkan siya nito sa pisngi bago tuluyang kumalas sa kaniya. Lihim siyang napangiti. How she wish ay ganito pa rin sila pag-uwi nila ng Manila. That everything will be fine. Katulad ng sinabi ni Eric. Taimtim na nanalangin si Ligaya sa Panginoon. Tahimik niyang hiniling sa Diyos na sana ay maging maayos na ang lahat. Na sana ay mapatawad siya ng kaniyang mga magulang at ng mga magulang nina Enric at Eric. Ang huling hiniling niya ay sana hanggang sa huli ay nariyan si Eric sa tabi niya. Hindi naman masamang umasa. Ramdam naman niya ang pagmamahal ni Eric sa kaniya ngunit hindi pa rin niya pwedeng pangunahan ang mga mangyayari sa hinaharap. She'll just enjoy being with him and treasure every moment. "Let's go. Tapos ka na?" aniya nang matapos siya. Tumayo na siya. Tumayo na din ito. "Tara." inakbayan siya nito. Hindi pa sila. Oo at sinabi nilang mahal nila ang isa't-isa pero walang opisyal na relasyon. Habang palabas ng simbahan ay hindi niya napigilang magtanong dito. "Ano'ng ipinagdasal mo?" "Na sana pumayag kang magpakasal sa akin." walang gatol na sagot nito. Napatigil siya sa paglalakad. Nasa may pintuan na sila ng simbahan. "What?!" Napangiti ito sa reaksyon niya. "Masama ba ang humiling?" Napalunok siya ng kaniyang laway. Kakasabi lang niyang wala pa silang opisyal na relasyon ay kasal na agad ang nasa isip nito? "H-hindi naman p-pero. Eric we don't have any label yet. You know our situation." Niyakap siya nito. Napatingin pa siya sa paligid. Napapatingin na sa kanila ang mga taong nagdadaan. 'Tapos ay nasa gitna pa sila ng pinto. "I know. But I can say to the world now that you are my girlfriend." Heto na naman ang puso niyang nao-overwhelm sa mga salita nito. Niyakap na lamang niya ito ng mahigpit. Hindi na inalintana ang mga taong nakatingin sa kanila. "One day. Masasabi ko rin at hindi ako matatakot sa sasabihin ng tao na ikaw ang mahal ko. Now, I know you understand my situation and I'm thankful for that." Gumanti ito ng yakap sa kaniya. "We love each other, iyon ang mahalaga." Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap dito. She enjoyed being with Eric. All the feelings was light and sincere. Now, she is right with her feelings. Mahal niya si Enric pero hindi katulad ng pagmamahal na nararamdaman niya para kay Eric. She love Enric as a friend or a brother. And she love Eric in a romantic way. Mas intense ang feelings niya para kay Eric that she felt like when she stop, hindi na ulit titibok ang puso niya ng katulad ng para kay Eric. She feels safe when she was with him but feels scared at the same time. Dahil habang nagkakasama sila ni Eric, mas lalong lumalalim ang damdamin niya para sa binata na pakiramdam niya ay hindi na siya makakaahon kapag nalunod siya. But she was happy. At hindi niya iyon ipagpapalit ngayon sa ibang bagay. At least for now, magiging Malaya muna sila ni Eric sa problema. And they did. Nakapag-ATV pa sila at inakyat nila ang imahe ng Christ the redeemer na katulad ng nasa Rio de janeiro. Pagod man ay masaya pa rin. Lalo na ang kaniyang puso. Sa sumunod na araw ay sinulit muli nila ang buong araw na magkasama. Nagpunta sila ng Nambalan River sa bayan ng Mayantoc. The place was so peaceful. And because she is an artist, she appreciate the scenery of the place. The river was so calm and clear. Hindi niya napigilan ang sariling magpinta. Mabuti nalang at nahikayat siya ni Eric na dalhin ang kaniyang mga gamit. Napakaganda ng lugar. Bagay ito sa mga taong nais na sandaling kalimutan ang problema at mag-relax. That's what she love about Eric. Nakasuporta ito sa mga hilig niya. Nalaman din niya na tinutulungan nito ang mga Aeta sa naturang lalawigan. At isa iyon sa susunod nilang pupuntahan. She wants to know how beauty his heart is. "Ma'am, ang ganda-ganda niyo po. Kayo po ba ang asawa ni Sir Eric?" bigla siyang nahiya sa tanong ng isang batang katutubo kinabukasan nang magpunta nga sila sa Capas. Matamis siyang ngumiti dito. "Naku, hindi pa niya ako asawa. Girlfriend palang niya ako." Ang paliwanag niya sa bata. "Magiging asawa palang niya. Naku, Ella. Huwag mong kulitin sina Sir Eric at Ma'am Joy." Napabaling siya sa nagsalita. Naipakilala na ito sa kaniya ni Eric nang dumating sila. Ito ang anak ng pinakamatanda sa mga katutubo. Si Kuya Alan. Ngumiti ito sa kanila ni Eric na ginantihan din naman nila. Inakbayan nito ang batang si Ella at may ibinulong bago umalis ang bata. "Nagpapasalamat talaga kami sa tulong ninyo, Sir Eric. Alam ko pong kahit saan kayo makarating ay pagpapalain kayo ng ating Maykapal." Sambit nito. "Wala pong anuman, Kuya Alan. Masaya ako na nakakatulong ako at nakikita ko ang saya ng bawat isa rito. Huwag po kayong mahihiyang tawagan ako kapag may kailangan kayo. Bukas po lagi ang foundation para sa inyo." Then she look up to Eric. She didn't know he had this foundation. Baka maaaring tumulong ang kanilang foundation? Mas lalo tuloy niyang minahal ang binata. "Ah, I can help too." Sabat niya. She also had a foundation and she's willing to offer help. Nagulat siya nang bigla nalang siyang yakapin ni Eric sa harap ni Kuya Alan. "I know you'll say that. I already asked help from your foundation." Napamata siya dito. Really? "And you haven't told me about it? I am..." idinampi nito ang labi nito sa labi niya. Labis na namula ang kaniyang mukha dahil hindi niya nakakalimutan na may kasama silang ibang tao. Narinig pa niya ang tikhim nito. "Maiiwan ko muna kayo, may aasikasuhin lang ako sandali. Mag-enjoy muna kayo dito. May salu-salo mamaya." Ani Kuya Alan at nakangiting iniwan sila ni Eric. Ni hindi siya nakapagsalita sa hiya. "Eric! Why did you do that?" pinanlakihan niya ito ng mga mata. Ngumiti lang ito at tila natutuwa pa sa reaksyon niya. "I can't help it. I love kissing your lips. I love holding you like this." Naramdaman niya ang paghigpit ng hapit nito sa kaniyang baywang. "I didn't know you have your own foundation? Si Enric..." he cut her again. "Si Enric lang ba ang pwedeng magkaroon ng foundation?" may nakita siyang iritasyon sa mukha nito kaya naman ngumiti siya dito ng matamis. "I am not going to compare you to him because you're different, you're you, Eric. And I love you for that, okay?" Muli siyang mahigpit na niyakap nito. At matamis ng napangiti. "And I love you more." Papadilim na nang maisipan nilang umuwi na. Pero kinabahan siya nang makita nilang may isang sasakyang nakaparada sa harapan ng bahay. Sabay silang bumaba ni Eric ng sasakyan at agad na tinungo ang pintuan. Malapit na sila sa may pinto nang bumukas ito. Napasinghap siya nang makita niya ang mga magulang ni Eric. Mataman na nakatingin ang mga ito sa kanila. "So, you did all this. Ang dalawang anak ko pa talaga? Kung alam ko lang na ganito ang gagawin mo sa pamilya ko, sana ay hindi na ako pumayag na ipakasal ang isa sa mga anak ko sa apo..." "Ma!" pinutol agad ni Eric ang sinasabi ng Mama nito. "Lets get inside first." anito at hinila na siya nito papasok sa loob ng kabahayan. Pakiramdam ni Ligaya ay nasa interrogation room siya kahit na napakaluwag ng sala. Napaka-sopistikada talaga ng mama nito kahit pa noong una niya itong makilala nang pormal na mamanhikan ito sa kanilang bahay. Hindi siya komportable sa tingin nito na animo ay kinikilatis pa rin siya nito kahit na kilala na nito ang kaniyang pamilya. Tila siya isang bagay na kailangang pasado sa standard nito bago nito iyon bilhin. "Now, talk!" Halos magulat pa siya sa uri ng awtoridad ng salita nito. Tahimik lang sa tabi ang Papa ni Eric ngunit mababakas ang awtoridad sa mukha nito. "Mom, I love her." walang gatol na sambit ni Eric. Nanlaki ang mga mata ng mag-asawa. As if hindi kapani-paniwala ang narinig ng mga ito. Paanong pagtanggi ba ang ginawa nito noon para maging ganito ang reaksyon nila? "That's ridiculous! Your brother did all this for you. Para hindi ka maikasal sa kaniya because you said so. Na hinding-hindi ka pakakasal sa isang Mora dahil Mora ang nanakit sa Lola mo. Even if she wished that someday, one of us will end the war between our families." Siya naman ang nagulat. Wala siyang alam sa hidwaan ng dalawang pamilya. All she knows that her lolo was fixed to marry other woman rather than to marry the one he loved. And that was Eric's grandmother. But the truth between that wish was beyond her knowledge. Wala siyang alam. And now! How can she handle it? Ano ba ang dapat niyang maramdaman? Akala niya ay nasabi na lahat ni Eric sa kaniya. Ano ito ngayong sinasabi ng Mama nito? Kusang tumulo ang kaniyang mga luha. What is really happening? Akala niya ay maayos na nilang haharapin ang problema pag-uwi nila ng Maynila. Pero ngayon ay may lihim pa siyang nalaman tungkol sa kanilang pamilya. "What happened, Eric?" Soft but with authority na tanong ng Papa ni Eric. Ni hindi na siya makapagsalita. "I don't know. I just fell in love with her. I don't know when, but believe me, I tried to stop it. I tried not to love her. Pero hindi magawa ng puso ko na basta nalang balewalain ang nararamdaman ko para sa kaniya. Lumayo ako, pero halos mabaliw ako isang araw ko palang na hindi naririnig ang boses niya. Hindi---" Her mother cut him off. "Damn it! That's not love, you're just mad. Gusto mo lang gantihan sila dahil sa ginawa ng lolo niya sa lola mo. Tell me, son. That you're just using her." doon siya napaangat ng tingin. Nagalit siya. Ano siya? Pambayad utang? Hindi naman ginusto ng lolo niya na iwan ang lola ni Eric. It was a fixed marriage. Hindi naman niya maikakaila na minahal din di kalaunan ng Lolo niya ang kaniyang Lola kahit na produkto lamang ang mga ito ng pangmamanipula ng kanilang mga pamilya. "Ma'am!" matigas na sambit niya. Mariin na tumitig sa kaniya ang Ina ni Eric. Nagsusumamo naman ang mga mata ni Eric sa kaniya. Seryoso pa rin ang mukha ng Ama ni Eric. "I don't think you have the right to question your son's feelings. Oo, nasaktan po ng lolo ko ang lola niya, pero nalalaman niyo po ba ang totoong dahilan kung bakit piniling ituloy ng lolo ko ang kasal na ginawa ng mga magulang nito? Kung bakit pinili niyang saktan ang babaeng pinakamamahal niya? My grandfather sacrificed his happiness. Wala tayong alam sa totoong kwento nila. Na kung bakit ang kanilang huling habilin ay may isa sa bawat pamilya natin ang dapat na tumapos sa hidwaan na nagsimula lang din dahil sa kanilang dalawa. "Gumawa sila ng habilin na ganoon upang matapos na ang gulo ng dalawang pamilya na kailanman ay hindi ko nalaman na mayroon pala. Kung talagang may hidwaan na ang mga pamilya natin, why am I clueless about it? Bakit kayo lang? Hindi ko alam kung ano ang rason ng mga magulang ko at hindi nila ipinaalam sa akin pero nararamdaman ko na para sa ikabubuti ko iyon. I admit, I made a mistake when I agreed to the arrangement but in the end, I still chose to run. But please, huwag niyong husgahan ang nararamdaman ng anak niyo. It was his choice. I never forced him to love me. Ngayon kung ito lang ang dahilan na masisira ang relasyon niyo sa kaniya, pipiliin ko pong palayain siya." "No!" marahas na sambit ni Eric. "Hindi ito basta-basta lang, hija. Kinaladkad mo ang pangalan ng pamilya ko sa kahihiyan. Hindi man ito katulad ng nangyari sa nakaraan, ay pamilya mo pa rin ang may kinalaman sa lahat ng ito. Well, kung hindi maayos na nakipag-usap sa amin ang mga magulang mo ay hindi naman kami papayag. But their bargain was very tempting. Hindi ko naman inakala na pasaway pala ang anak nilang babae." Muling sabat ng ina ni Eric. Mukhang hindi siya mananalo sa Ina nito. Sarado ang utak nito. Sarkastiko pa rin nga ang pananalita nito sa kaniya. "Mom!" ang tanging nasabi ni Eric sa ina nito. "Hija," sa wakas ay nagsalita din ang Papa ni Eric. Binalingan nila ito. Kung kanina ay bakas sa mukha nito ang pagiging seryoso, ngayon ay simpatya ang nakikita niya dito. "I know it's hard on you. Sa iyo tuluyang nakaatang ngayon ang ikakaayos ng dalawang pamilya. But please, stop hiding here. Harapin mo ang problema. This is not the solution. Walang maaayos kung patuloy kayong mananatili dito ni Eric. And Eric," bumaling ito sa anak. "Please forgive your Mom for being like this. Nag-aalala lang siya sa inyo dahil mahal niya kayo." Masuyo itong tumingin sa asawa. Ngayon at nagsalita ang Papa ni Eric ay natahimik na lamang ang Mama nito. Tama ang mga sinabi nito. Hindi maaayos ang problema kung mananatili sila ni Eric dito. "Uuwi po kami. May tinatapos lamang po ako para po sa kaibigan ko." Aniya sa mahinahon ng tinig. Tumango naman ang ama ni Eric sa kaniya. "We'll fix this. I promise." ani Eric sa mga ito. Magsasalita pa sana ang Mama ni Eric pero nakita niya ang pagpigil ng Papa nito. "We'll go ahead. We're counting on you, hija." sabi ng Mama ni Eric na hindi na napigilan ng asawa nito. Hindi niya ito sinagot. Sariwa pa sa kaniya ang sinabi nito kanina. Kahit na wala siyang alam sa totoong kwento ay masakit pa rin na sinisisi pa rin nila hanggang ngayon ang kaniyang lolo sa kabiguan ng Matandang Ongpico. Unfair naman sa asawa nito. Nang maiwan sila ni Eric ay hindi niya ito kinibo. May iba pa ba siyang hindi alam tungkol sa dalawang pamilya? Hindi nga naman basta-basta lang ang fixed marriage. May malalim na dahilan ang bawat pamilya kung bakit humahantong ang mga ito sa ganoong arrangement. "I'm sorry." tumingin siya kay Eric nang magsalita ito ngunit hindi siya nagsalita. "Kakausapin ko sila ng maayos pag-uwi natin ng Manila." pagpapatuloy nito. "Eric, I don't know why my parents, even my lolo, didn't told me about our family but I know, it's for my sake. Pero walang karapatan ang kahit na sino na husgahan ang naging desisyon ng matatanda. May sarili naman tayong desisyon. Maaari nating hindi sundin ang gusto nila at magkasundo nalang. Bakit natin ipagpapatuloy ang nakaraan? Nakaraan na iyon, hindi ba? And you were the one who didn't accept the marriage because of the past?" "No, hindi ganoon. Pumayag naman ako, eh. Alam mo ang kwento kung bakit ako umayaw. My Mom is just upset of the situation kaya niya nasabi iyon. And I'm sorry. I'm sorry if I loved you. I'm sorry if my heart chose to love you. God knows I tried to stop. But my heart is stronger than my will. And thank you because you believed me." Nakita niya ang pagmamakaawa sa mga mata nito. Parang may kung anong pinong kumurot sa puso niya. Yes, she believed him. Bakit hindi? She loved him too. At walang ibang dahilan para hindi niya ito paniwalaan. Nilapitan niya ito at mahigpit na niyakap. Sinuklian nito ng mas mahigpit na yakap na halos hindi na siya makahinga. But it felt great being in his arms. Parang walang dumaan na problema. Gusto niyang maging katulad nito, na maging positibo sa bawat desisyon sa buhay. Pero halo-halong emosyon ngayon ang nararamdaman niya. Ano'ng gagawin niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD