Chapter 11

2052 Words
Isang malutong na sampal sa pisngi ni Ligaya ang kaniyang natanggap pagtapak palang niya ng paa sa pinto ng kanilang bahay. Hahalik pa sana siya sa kaniyang ina ngunit iyon agad ang salubong nito sa kaniya. Mahigpit siyang hinawakan ni Eric. Sumama ito sa kaniya kahit na pilit niyang sinabi dito na siya na lang muna ang haharap sa kaniyang mga magulang. Naroon din ang kaniyang mga kapatid na halatang naaawa sa kaniya. So, siya lang ba ang walang alam? Hindi ba dapat ay siya ang magalit? Wala siyang kamalay-malay sa mga nangyayari sa paligid. Ginawa siyang tanga ng sarili niyang pamilya. "You're a disgrace to this family, Ligaya." Halos maluha-luhang sambit ng kaniyang Mommy. Pinipigilan lang ito ng kaniyang Daddy na alam niyang nagpipigil lang din. "Hindi namin alam na ganito ka lumaki. All your life, you've been doing what you want. Kinukunsinte ka ng Lolo mo pero ang hiling niyang ito ay hindi mo napagbigyan. Bakit?" Hindi na siya nakapagpigil. "Hiling ng Lolo? Hindi kailanman humiling ang lolo sa akin. Wala akong alam sa kung ano'ng mayroon sa pamilyang ito at nang pamilya ng Ongpico. Tanging ang pagsuporta sa pangarap ko ang ginawa ni Lolo na dapat ay sa inyo kop o naramdaman. Hindi ba at dapat ay kayo ang nagsabi sa akin ng totoong dahilan kung bakit niyo ako gustong ipakasal sa lalaking hindi ko naman gusto?!" Nakita niya ang panlalaki ng mga mata ng mga ito. Tila gulat na gulat ang mga ito sa sainabi niya. So, akala nila alam niya? What on earth is happening? "H-hindi sinabi ng lolo mo?" Manghang tanong ng Daddy niya. Nagkatinginan ang mga ito. "Then his last will...?" ang realisasyon ng kaniyang Mommy. "Hindi ko kayo maintindihan. Bakit hindi ko alam ang nasa last will ni Lolo? Bakit hindi ako kasama nang basahin ang last will niya? Hindi po ba ako parte ng pamilya? Hindi niyo po ba ako tunay na anak?" Gulong-gulong sambit niya dahil wala na siyang maintindihan sa mga pinagsasabi ng mga ito. Biglang umalis ang kaniyang daddy at iniwan sila. Ano ba talaga ang nangyayari? Hindi naman gumalaw kung saan naroon ang kaniyang mga kapatid maging ang mommy nila. Lahat ay tahimik imbes na sagutin ang mga tanong niya. Hinahagod lang naman ni Eric ang likod niya. Mayamaya ay dumating ang Daddy niyang may bitbit ng nakatuping papel. Tahimik nitong iniabot sa kaniya ang papel. Nagtataka man ay inabot niya ito at binuklat. It was written by her Lolo and it's for her parents. Immanuel, Ivanna, I know you're against to fixed marriage. But I ask you this time, for the last time to please make sure that our family would be friends to the Ongpico's. Gusto ko na maayos ang gusot ng dalawang pamilya. Kami ang dahilan nito kaya kami din ang mag-aayos nito. Pero kung umabot man sa ganitong sitwasyon, na ako'y wala na sa mundo, gusto kong hilingin sa inyong mag-asawa na sana ay hindi na umabot sa susunod pang henerasyon ang hidwaan ng dalawang pamilya. Matagal na panahon na ang nangyari at alam kong nadadamay lamang kayo sa problema, but I want this to end. Wala ng dapat pang madamay. Lalo na ang apo kong si Ligaya. Alam ninyong dalawa kung gaano siya kaespesyal. Siya ang kauna-unahan kong apong babae at ayaw kong mangyari sa kaniya ang nangyari kay Adela. Ayaw kong iwan siya ng lalaking mahal niya at masaktan ng labis. She's a precious to this family and I can't bear seeing her miserable because of a man. Make a move. Do something to end the war of the two families. I love you both. I know you'll do the right thing for your daughter. ___ Papa Napaluha siya. Hindi sinabi ng lolo niya na ipakasal siya sa isang Ongpico. Mga magulang niya ang mali ang pagkakaintindi. Inakala nilang gusto ng lolo niyang gumawa ng arranged marriage para matapos na ang away ng dalawang pamilya. Nanghina siya. Hindi niya mapaniwalaan ang kaniyang mga magulang. Matatalinong tao ang mga ito pero hindi muna nag-isip ang mga ito bago nagdesisyon. They just assumed that her lolo is requesting for a fixed marriage. Ano ba dapat ang mararamdaman niya? Dapat ba siyang magalit talaga? "Mom, Dad." nanghihinang sambit niya. "Ah, actually. Lola did the request of a fixed marriage." biglang singit ni Eric. Nilingon niya ito. Na naman. Napatingin siya sa mga magulang niya maging sa kaniyang mga kapatid. Mukhang alam din ng mga ito ang sinasabi ni Eric. "Actually, before she died. She asked me to marry you. Matagal ka na niyang gusto para sa akin. I promised her I'll grant her wish but the accident happened. And you know the story of it already. But, Ligaya..." "I need a break please?" tanging nasambit niya. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya. Nakakapagod malaman ang katotohanan. "Anak..." nagulat siya. Nilingon niya ang mga magulang. Hindi tuloy siya sigurado kung sino ang tumawag sa kaniya ng anak. Parang napakatagal na panahon na hinintay niyang marinig muli ang salitang "anak" mula sa kaniyang mga magulang. "Patawarin mo kami, anak." sambit ng kaniyang Mommy. So ito ang narinig niyang tumawag sa kaniya na "anak". "Mom, I love you. Always. I love you all. Pero napapagod din po ako. Gusto ko po sanang magpahinga muna." totoo, pagod ang puso at isip niya. Pero kailangan ba niyang magalit ng husto sa pamilya niya? Sa una palang ay may kasalanan na din siya. Hindi siya nag-isip ng ilang beses bago siya pumayag na magpakasal at sa bandang huli ay aatras din siya. "We love you too, Ligaya." anang mommy niya at mabilis itong yumakap sa kaniya. Para siyang nangulila sa ina dahil sa yakap nito. Ilang taon niyang hindi naramdaman ang yakap nito. Tama, walang dahilan para magalit. Lahat sila ay may kaniya-kaniyang pagkakamali. Mga desisyon na may karampatang aral. Nakakatawa nalang kung iisiping mabuti na agad pumayag ang kaniyang mga magulang sa kagustuhan ng pamilya Ongpico ngunit mas nakakatawa na wala siyang kaalam-alam sa kwento ng dalawang pamilya samantalang naikwento na ng lolo niya ang una nitong pag-ibig na siyang ipininta niya. It was a happy feeling. Ang magmahal ay hindi kailanman naging mali. Tao lang ang nakakagawa ng pagkakamali. Minsan, ang akala mong tama ay mali pala sa paningin ng iba. Iba-iba ang pananaw ng bawat tao sa mundo. Marahil ay naisip ng lola ni Eric na iyon nalang ang solusyon, na iyon ang tamang solusyon para sa simpleng hindi pagkakaintindihan ng dalawang pamilya. Pero mas pinili ng kanilang mga puso na magmahalan. Mas pinili ng Diyos na umibig sila ni Eric sa isa't-isa. At iyon ang magiging dahilan para matapos na ang problema sa dalawang pamilya. Marahil ay iniisip lamang nilang may problema ngunit ang totoo ay wala naman. Dahil pareho namang gusto ng kanilang mga pamilya na magkasundo. Kailangan lang nilang magmove-on mula sa nakaraan. At iyon ang gagawin nila ni Eric. Nangyari lang ito sa maling pagkakataon, dahil sa mga maling desisyon. Mabuti nalang at mutual ang damdamin nila ni Eric. Problema kung isa lang ang siyang nagmamahal sa kanila. Paano nga kung kay Enric talaga siya umibig? May pag-asa kayang matugunan ang pag-ibig niya? Bakit pa ba niya pino-problema iyon? Wala ng puwang ang ibang problema ngayon. Ang tanging magagawa na lamang niya ay payapain ang kaniyang isipan at puso. Kailangan pa nilang harapin ang mga magulang ni Eric. They deserved their approval. Alam niyang may kasalanan siya dahil sa basta nalang niyang pagtakbo sa kasal. Isang kahihiyan iyon at kailangan niyang tanggapin ang galit ng mga ito. Sinamahan siya ni Eric hanggang sa kaniyang silid. Nais daw nitong masiguro na maayos siya bago ito umalis. "Don't worry too much. Just rest." anito. Halata ang concern sa mga mata nito. Parang ayaw nga siya nitong iwan. Niyakap niya ito. "Ikaw ang huwag mag-alala. Ayos lang ako. Nabigla lang ako sa mga nalaman ko. Nagtatampo pa ako sayo pero pagod pa ako ngayon." pagak siyang natawa. Eric also chuckles. "I am ready for the punishment. Just don't ask me to runaway. Because I'd ask you again to runaway with me." Lumayo siya ng bahagya dito at tinitigan ang mga mata nito. Kitang kita niya ang pagmamahal dito. Hindi tuloy niya napigilan ang kaniyang luhang kusa ng pumatak. Natatawa tuloy siyang pinahid agad iyon. "Deserve ko ba talaga ito? Masyado mong pinapataba ang puso ko. Nawawala tuloy ang tampo ko. Na hindi dapat dahil pag-uusapan pa natin 'yon." sambit niyang hindi na maampat sa pagpatak ang kaniyang luha. Eric dried her tears through his kiss. "You deserve to be loved. And I deserve you. Mahal na mahal kita, Ligaya Mora." pagkasabi nito niyon ay sinakop nito ang kaniyang mga labi. Nagpaubaya siya. Ramdam niya ang pagmamahal ni Eric. His kiss was gentle and soft. Napupukaw nito ang kaniyang damdamin kaya naman ay kusa siyang tumugon dito. Ipinaramdam din niya kung gaano niya ito kamahal. They shared sweet kisses. Ayaw pa nga sana niyang matapos ngunit ito na ang pumutol sa umiinit ng tagpo sa kanila. "Magpahinga ka. Huwag ng mag-isip ng mag-isip." "Ikaw din." matamis siyang ngumiti. "Damn, don't smile like that." Napahagalpak siya ng tawa. "We've been alone in your rest house in Tarlac. Hindi mo sinabi iyan sa akin. Tapos kung kailan nasa bahay ka namin, magre-react ka ng ganyan?" "Kung alam mo lang kung gaano ako nagpigil. But seriously, I am always tempted. Simpleng ngiti mo lang na ganyan. Actually kahit hindi ka ngumiti. Kahit pa nakasimangot ka, nagtataray ka, malungkot ka, nate-tempt pa rin ako." walang pakundangang pag-amin nito sa kaniya. Ramdam niyang namula ang kaniyang mukha dahil nakaramdam siya ng init. Nakagat tuloy niya ang kaniyang ibabang labi. "Why now?" Nangunot ang noo nito sa tanong niya. "Why now, what?" takang tanong nito. "Bakit ngayon mo lang sinabi?" halos pangapusan siya ng hininga. Hindi na niya kontrolado ang isip niya. Kung ano-ano pa ang tumatakbo sa isip niya. Kailangan pa niyang magpahinga. He chuckles. "Huwag kang ganyan. Nandiyan ang mga magulang at kapatid mo. Baka hindi na ako makauwi ng buhay kapag itinuloy ko ang nararamdaman ko. Though the feeling is mutual I think, hindi pa rin tama." Nahiya na siya ng tuluyan sa kaniyang sarili at itinulak na niya ito palabas ng silid niya. "You should go. Just call me when you're home." Analang niya at mabilis na niyang isinara ng kaniyang pinto. "I love you." pahabol nito bago niya naisara ang pinto. Napangiti na lamang siya. Yes, she deserved to be loved. Matagal na siyang blessed. Kahit hindi tanggap ng mga magulang niya ang kaniyang tinahak na daan sa kaniyang buhay ay hinayaan lang din naman siya ng mga ito. Oo, nagtampo siya sa mga ito dahil ni minsan ay hindi ipinaramdam sa kaniya ang suporta ng mga ito dahil madalas niyang marinig ang mga negatibong komento mula sa mga ito kapag nadadatnan siyang may kung anong kinakalikot na canvas sa bahay nila. Pero hindi niyon kayang tanggalin ang katotohanan na pamilya pa rin sila. And she always love her family. Kakahiga palang ni Ligaya upang sana ay makapagpahinga nang saktong tumunog ang kaniyang cellphone. Nang tingnan niya kung sino ang caller ay napangiti siya. "You're finally home." bungad niya. "Actually, yes. Kanina pa siya nandito." Nanigas siya. Hindi si Eric ang kausap niya. Isang babae ang may hawak ng cellphone nito at, nasa condo ni Eric mismo? "I just called to let you know. By the way, I'm Michele, his manager. In case you don't know, you've been a distraction to him. I don't care if you both love each other but my concern is his image. Hindi siya kagaya ng ibang celebrity but still, he's famous. I know you know that. Sana naiintindihan mo ang ibig kong sabihin." Halos hindi siya makahinga sa mga naririnig niya. How can she forget the real situation of Eric? Palaging sarili niya ang iniisip niya. Ni hindi niya inisip ang kalagayan nito. Napaka-makasarili niya. "I hope you'll do what's good for everyone. Thank you in advance." patuloy pa rin nito dahil wala pa rin siyang maapuhap na salita. "I need to talk to Eric. Tell him I'll be in their Mansion tomorrow. Thank you." lakas-loob niyang sinabi at agad na niya in-off ang kaniyang cellphone. Pinutol niya rin ang wire ng kaniyang telepono. She needs rest. Kailan ba mapapahinga ang isipan niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD