"Thanks for the concern, Michele but really I am okay. How's the station going?" Tanong ni Eric sa kaniyang kaibigan na si Michele. Michele became her manager when he entered modeling. Ito ang kumumbinsi sa kaniya na magmodelo. She is his friend since college. Dati pa ay malaki na ang tiwala nito sa kaniya sa larangan ng modeling but he refuse to do it. Until one day, when he realize that maybe, Ligaya will see him and try to draw him. Now, hindi niya alam kung paano nito nalaman ang tungkol sa kanila ni Ligaya pero dati pa man ay alam na nito ang tunay na nararamdaman niya sa dalaga. Kung may nakakakilala man sa kaniya maliban sa kapatid niyang si Jarissa ay si Michele iyon.
Umismid ito. Ibinigay niya ang inumin dito na kinuha naman nito. Alam na niya kapag ganoon ang mood nito. "I called your girlfriend. I told her to at least consider your situation." walang pag-aalinlangang anito.
Kumunot ang kaniyang noo. Iniwan nga pala niya ang kaniyang cellphone sa kaniyang sofa dahil pagkadating niya kanina, hindi pa man siya nakakapagbihis ay dumating na si Michele. Hindi siya mahilig maglagay ng password sa cellphone dahil wala naman siyang itinatago. "Why did you do that? I can manage my time. I had my vacation leave. I thought you understand me."
"Look, Eric. I'm just concerned with your image. That girl caused a scene. Then malalaman ng mga tao na ikaw ang ipinalit niya sa kakambal mo? How scandalous is that? Masisira ka. Sa tingin mo matutuwa ang mga tao doon? Sa tingin mo makakapag-concentrate ka sa trabaho kung ang girlfriend mo ay pinuputakte ng intriga? Better leave it alone to her."
Nagagalit siya pero hindi niya magawang ipagsa-walang bahala nalang ang mga sinabi nito. "I don't care what other people say. I don't care if they would hate me for loving Ligaya. Hindi mo ako mapipilit na iwan siya lalo at mas kailangan niya ako sa mga panahong ito. Now, leave."
Sandali itong natahimik bago muling nagsalita. "She said she'll be in your mansion tomorrow." iyon lang at iniwan na siya nito.
"What the heck!" agad niyang idi-nial ang numero ni Ligaya pero hindi niya ito ma-contact. Mukhang pinatay nito ang cellphone nito. What was she thinking? No! Hindi ngayon. She was his everything now. When his sister died, he also died. Marami ang natutuwa sa malamig niyang boses sa radyo but that's how he live his life before. When he tried to know more about Ligaya, his perceptions in life changed. Pero hindi na niya binago pa ang nauna niyang desisyon. Baka sa una lang niya ito gusto. At ang gusto niya ay magpakasal sa taong mahal niya.
But, he never stop there. Dahil sa tuwing may exhibit si Ligaya ay naroon siya. Pilit niyang sinasabi sa sarili na gusto niyang makasiguro para sa kapatid pero sino ang niloloko niya? Mukhang yumabong na ang nararamdaman niyang pagkagusto sa dalaga. Ligaya has a soft heart. Patuloy pa rin ang charity nito. Ang mga kinikita nito sa mga gawa nito ay napupunta sa charity. He even saw her at the park, may isang batang namamalimos at kinausap ng dalaga. Mayamaya pa ay isinama na ni Ligaya ang bata sa isang fast food at doon ay pinakain. Kitang-kita niya ang kasiyahan sa mga mata ng dalaga habang pinagmamasdan nitong maganang kumakain ang bata.
Mas lalong lumalim ang damdamin niya kay Ligaya sa paglipas ng mga araw. Sa tagal ng panahon na palagi lang siyang nakatanaw dito, minsan lamang silang nagtagpo nito at ni hindi pa yata siya nito nakilala.
"The Mora's will be there too?" tanong ni Eric sa ina. Ayaw niyang pumunta dahil pulos mga payabangan lang ang mangyayari doon. Kamustahan ng mga narating na ng mga negosyo nila. Kung gaano na ito kalawak. Paulit-ulit lang na kamayan.
"I think so. And I don't care." Walang malay na sambit ng kaniyang ina.
"Okay." Aniya at iniwan na ang ina. Hindi niya malaman kung dadalo ba siya o hindi. Nabanggit kasi sa kaniya ng kapatid na pupunta daw ang mga Mora. Bigla tuloy siyang nagka-interes na dumalo. Gusto niya muling makita si Ligaya. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit sa paglipas ng mga araw ay gustong-gusto niyang nakikita ang dalaga.
Nagulat pa ang mama niya nang makita siyang nakabihis din. "You're coming?" takang tanong nito sa kaniya. Lumabas galing naman sa silid nito ang kapatid na si Enric. Ngumisi lang ito sa kaniya.
"Wala po akong gagawin."
Napangiti na ang kaniyang mama. "Finally. Maybe you'll meet one of the daughters of our business associates. Para naman hindi na palaging si Michele ang kasama mo." Napaismid ang kaniyang mama sa huling tinuran nito. Hindi sa ayaw nito kay Michele, ayaw lang nito na kinukumbinsi siyang mag-artista. Mas may future daw kasi siya sa business at hindi sa entertainment.
"Mom, hindi ako pupunta doon para humanap ng babae."
"Well, even if. You're a head turner, son. Lahat sila lalapit sayo kahit hindi mo sila pansinin." Sabi pa ng ina na ikinatawa ng kakambal. Naiiling na lamang siya.
"Mom, magkamukha kaya kami." Sabat ni Enric. Umirap ito.
"I know right!" sabi naman nito at nauna ng lumabas. Nauna na kasi ang kanilang Papa sa venue. Dumiretso na kasi ito galing ng trabaho.
Ngingiti-ngiting inakbayan siya ni Enric. "Really? Bakit ka nga ba pupunta ngayon?" kuryosong tanong ni Enric.
"I'm bored." Sabi lang niya at iniwan na ito. He's not going to tell his brother. Baka tawanan pa siya nito.
Nag-umpisa na ang party nang makarating sila. Hinanap agad ng kanilang Mama ang kanilang Papa. They were introduced to some businessmen. Maging sa mga anak ng mga ito. Lalo na sa mga babae. He don't care. May hinahanap ang kaniyang mga mata. Nang mahagip ng mga mata niya ang babaeng mukhang balak tumakas sa kasiyahan ay agad siyang nagpaalam sa mga magulang.
Hindi niya hiniwalayan ng tingin ang dalaga. Nakita niya itong lumiko sa may kaliwang pasilyo. Papunta iyon sa isang function hall. Pumasok si Ligaya sa loob. Mabilis siyang naglakad at pumasok din doon. Then he saw what's inside. Exhibit pala ito ng mga iba-ibang pintor.
"Oh, Eric? What brings you here?" agad na may nakakilala sa kaniya. Hindi niya ito matandaan pero familiar ang mukha nito. "I'm Carlo, sa station 4, remember? Ipinakilala ka sa akin ni Michele." Mukhang nakuha naman nito ang reaksyon ng kaniyang mukha. Tumango siya. Now he remembers. Madaming ipinakilalang mga handler sa kaniya si Michele. Halos hindi na niya matandaan ang mga ito.
"Ah, napadaan lang ako. May in-attendan akong party sa kabilang hall." Aniya. Pilit siyang umiiwas. Nasaan na si Ligaya?
"Really? Ah, nakapag-decide ka na ba?" sabi pa nito na ang tinutukoy ay ang iniaalok ng matagal ni Michele sa kanyang pagmomodelo.
"May kakausapin lang akong importante. Maiwan ko muna kayo." Aniya na hindi sinasagot ang tanong nito. Hahaba pa ang usapan kung sasagutin niya ang mga tanong nito.
Dumiretso na siya sa kinaroroonan ni Ligaya. Nakatayo ito sa isang particular na painting. Isang malaking painting.
"What's the story of this painting?" nagulat ang dalaga sa tanong niya. Isang nude paiting ito. Kung mahilig ka sa art, hindi mo makikita ang bagay na ito sa malaswang aspeto. It's an art, and every art has its meaning. A feeling. What's inside of it?
"Being transparent? Being true to yourself. Nagpapakita lang ang painting na ito na kahit gaano man ang pagkakaiba ng katayuan ng tao sa buhay, pare-pareho pa rin tayo. Sa iisang hugis lamang tayo hinango ng Diyos. We're all the same."
Namangha siya sa sinabi nito. Alam niyang alangan ito sa kaniya dahil nagulat ito sa bigla-bigla nalang niyang pagsulpot pero naipaliwanag pa rin nito ng maayos ang kung ano ang pagkakainitindi nito sa painting. "Nakakahanga talaga ang mga artist. They feel what other artist feel. They can explain the feeling of this kind of painting. Ang tingin ko lang diyan, nude painting." Natawa siya sa sarili. Napatingin naman sa kaniya si Ligaya.
"You'll eventually understand. Dalasan mo lang ang pag-visit sa mga ganitong event." Nakangiti na ito sa kaniya. Hindi yata siya nito kilala.
"Sure I will."
And he did. Lahat ng exhibit ni Ligaya ay dinaluhan niya. Kahit nga ibang pintor ang may exhibit ay dinadaluhan na din niya.
Then his lola died. She made him promised something his family didn't know. Nagulat siya na alam ng kaniyang abuela ang totoong nararamdaman niya para kay Ligaya.
"Take her with you. Hindi importante ang sasabihin ng ibang tao. If you love her, make a move." iyon ang huling sinabi ng lola niya sa kaniya.
But now, what's going on? Akala niya ay maayos na ang lahat. Oo, may mga matang mapanghusga pero kaya na nilang lampasan iyon. Ngunit kung ang isa ang bibitaw, kailangan ba niyang bumitaw din? Mababaw na pagmamahal lamang ang ganoong relasyon. There should be at least one holding on. To at least make the relationship going.
Mabilis siyang lumabas ng kaniyang unit. He needs to talk to her immediately. Hindi pwedeng ganito. Dahil lang kay Michele ay masisira ang relasyon nila.
"Naku, Sir. Pasensiya na po. Hindi ko po alam na umalis po pala si Ma'am Joy. Hindi ko po kasi nakita. Ang sabi po ni Alfie nakita niyang umalis po si Ma'am kanina." pupungas-pungas pang sambit ng kasambahay.
Where is she? Her phone was dead.
"It's a surprise you came alone. Where's my son?" sarkastikong tanong ni Jane Ongpico-ang mama ni Eric. Nang una pa man niya itong makilala ay nakaka-intimidate na talaga. But this is now or never.
"I am alone, Ma'am. And I want to talk to you both alone." aniya at tiningnan si Enrico Ongpico. Tumango lamang ito.
"So, why are you here alone?" tanong muli ng ina ni Eric.
Nais nga sana niyang kasama si Eric kapag kinausap na niya ang mga magulang nito pero nakapag desisyon siyang kaya naman niya ng mag-isa.
"First, I am here to say sorry..." tahimik lang na nakinig ang mag-asawa. "... Sorry for giving you such a scandalous scene. Sorry for loving your son, Eric and not Enric. Sorry because my family name is a Mora. Hindi ko po pinili ang buhay na ito. Baka kung naging iba ang apelyido ko at ako ang minahal ng anak niyo ay baka sakaling magustuhan ninyo ako, pero ito po ako. Isa po akong Mora na nagmamahal ng isang Ongpico. Sorry. And thank you because I met and loved your son. Dahil kung hindi dahil sa inyo, hindi ko po makikilala at mamahalin ang isang tulad ni Eric.
Noong una, akala ko baliw lang siya. Kasi niyaya niya akong tumakbo kasama niya. After what I did to his brother nagawa niya pa akong yayain ng ganoon. But eventually, I realized something. Dati pa, noong boses pa lang niya ang naririnig ko at hindi ko pa lubusang kilala, minahal ko na si Eric. Crazy but that's the truth. And I even love him more when he pretend to be Enric. I also tried to forget my feelings for him, but I failed.
Sorry again for loving your son. Please, forgive our family. I will never forget this." she smiled at them. Sinamantala niya ang pagiging speechless ng mga ito. Nilisan niya ang mansion ng tahimik.
Forever is real. Ang pagmamahal ng kaniyang lolo at ng lola ni Eric sa isa't-isa ay hindi nawala. Maaaring mangyari iyon sa kaniya dahil hindi niya alam kung magmamahal pa siya ng iba maliban kay Eric.
Bago niya pinaharurot ang kaniyang kotse ay kinuha niya ang kaniyang cellphone. Kanina pa naka-open iyon. Naka airplane mode lang siya kaya walang pumapasok na mga messages at tawag. She recorded a video. She ask for forgiveness to the people who's involved with the wedding. Especially her friends and Enric's friends.
Hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang kaniyang luha. Ngayon lang niya na-realize na kanina pa pala siya nagpipigil ng iyak. And before she started the engine of her car, pi-nost na niya sa social media ang video. Social media dahil alam niyang ang sinasabi sa kaniya ng manager ni Eric tungkol sa image nito ay dahil sa pangyayari. How come it came out to the public when there is only one person who knows who she was with? Ganoon ba ka-sikat si Eric para makunan sila ng mga paparazzi? Well, social media has everything. Wala ka na nga yatang maitatago once you're a public figure or a celebrity. And Eric was one of them.
She was hoping that Eric will understand her decision. She love him. Walang duda doon. She love him that's why she's letting him go. Hindi tama sa paningin ng iba ang gagawin niya, pero kailan nga ba naging tama ang mali? They should solve their problem together. Pero sa una palang ay siya na ang may kasalanan ng lahat ng kahihiyan ng kanilang pamilya. Hindi na niya hahayaan na madamay pang muli ang lalaking mahal niya.
On her way, she called Ilaya. "Don't rant. I just want your connection. Get me a flight to US right now! I have your paintings for the exhibit so no need to talk. I'm on my way now. Bye and thank you." iyon lang at pinatay na niya agad ang tawag. Ilaya knows her more. At kilala niya rin ang kaibigan, magagawan nito ng paraan ang hinihingi niya.