"Ligaya, I already book your flight. And I saw your post. Bakit? Tatakbo ka na naman? Iiwasan mo na naman?" litanya ni Ilaya sa kaniya. Hindi pa nga niya napupunasan ang mga luhang naglandas sa kaniyang mukha pero sinagot na niya agad ang tawag ng kaibigan. She's on her way now to the airport.
"Thanks, Ilaya." Iyon lang ang nasabi niya dahil napahikbi na naman siya.
"Ligaya? Hindi mo kailangang umalis." Mahinahon na ang pagkakasabi ni Ilaya.
Napabuntong-hininga siya. Tatakbo na naman siya. At para saan na naman ang pagtakbo niya? Para ano? Worth it ba ang pag-alis niya? Maitatama ba ng simpleng post lang ang lahat ng pagkakamali niya? Napa-preno siya bigla. Kasabay ng pagpreno niya ay ang malakas na impact ng pagbangga ng kotseng sumusunod sa kaniya. Biglang lahat ay nag-slomo. Hindi niya na alam ang nangyayari. Parang lumilipad ang isip niya at wala ng pumapasok sa isip niya. Then it all went black.
Hirap niyang naimulat ang kaniyang mga mata. Ang pakiramdam na hindi maigalaw ang katawan ang unang rumehistro sa kaniya. Ano'ng nangyari? Then she saw her hand with brace. Both her hands? What? Inilibot niya ang kaniyang paningin at napagtanto niya kung nasaan siya. She was in a hospital.
"Ligaya? Anak?" nagtatanong na tiningnan niya ang kaniyang mommy.
"Mom, w-what... H-happened?"
Nakita niya ang pagtulo ng luha ng mommy niya. Ang daddy niya ay tumawag na ng nurse para tingnan siya.
Her brothers just came in at kita ang magkahalong saya at lungkot sa mga mata ng mga ito.
Pilit niyang iginalaw ang mga kamay. Wala siyang maramdaman. Napaiyak nalang siya. Naalala niya ang nangyari. Kung gaano siya naging pabaya. Hindi sana nangyari iyon kung maayos ang pag-iisip niya nang araw na iyon. Pinunasan ng Kuya Juri niya ang kaniyang luha.
"You'll be okay. Walang may alam ng nangyari. Para hindi ka na pag-usapan. I already talked to your doctor and he said puwede kang bumiyahe for your therapy para mapabilis ang paggaling. Ilaya said your exhibit is next month." Ang kuya Juri niya. Medyo kumalma na siya.
"I'm sorry." Bigla niyang nasabi. Andami niyang na-realize. Hindi vocal ang kaniyang pamilya sa mga nararamdaman nila para sa kaniya. Ngayon, nakikita niya ang pag-aalala ng mga ito sa kaniya sa nangyari sa kamay niya. Now that it happens, she realize they appreciate her passion in painting. Nag-aalala sila na hindi na niya magamit pa ang mga kamay sa pagpipinta.
"Anak hindi mo kasalanan. Wala kang kasalanan. It is an accident. Your cousin will take care of you." Naintindihan niya ang sinasabi ng kaniyang mommy. Her cousin was based in New York City. Magaling na therapist ang pinsan niyang si Aljean.
Right. Magpapagaling siya. Everything will be okay. Hindi siya dapat panghinaan ng loob dahil sa aksidenteng nangyari. Kung kailan handa na siyang harapin ang lahat ay tsaka naman siya naaksidente. Nahihiya tuloy siyang humarap ngayon kay Eric. She's broken.
"Does he know?" tanong niya na agad naintindihan ng kuya Juri niya at agad itong umiling.
"Wala silang alam maliban kay Ilaya na siyang kausap mo bago ka naaksidente." Anito.
It's better for him not to know what happened to her. Alam niya kasing hindi nito matitiis na puntahan siya. Kakalimutan na naman nito ang sarili nito. Hindi na niya hahayaan na magsakripisyo na naman ito para sa kaniya. Kung ang una niyang plano ay ang harapin ang mga taong nanghuhusga sa kaniya, ngayon ay itutuloy na niya ang naunang plano. Pero aalis siya ngayon hindi para tumakas kundi para lang gamutin ang pagkakabasag ng kaniyang damdamin.
Her hands are very important for her. Ito ang puhunan niya at gamit ang kaniyang mga kamay, naipapakita niya ang mga emosyon niya. Sa bawat painting na ini-exhibit niya ay may kaakibat iyong mga kwento. Lahat ng iyon ay may puso. Paano niya iyon gagawin kung ang mismong kamay niya ang napinsala sa aksidente?
"Eric, come on. This is not the best solution." Pinuntahan siya ni Michele sa kaniyang condo. It's been month. Isang buwan na niyang hindi nakikita si Ligaya.
Tiningnan ni Eric ng masama si Michele. May gana pa ito ngayong magsabi ng ganoon. "My decision is final. I quit!" aniya. Para saan ang kasikatan? Para muling panghimasukan ng mga tao ang personal niyang buhay? Ligaya disappeared because of the scandalous runaway bride turned out to be the two timer bride of the year. Wow! Does she deserved all that? For Pete's sake Ligaya just did what she thinks was right for her. Pero dahil sa sikat daw siya? Of course they were celebrity. Ligaya is an artist and he is a DJ turned to be a model.
Bakit ba napaka-unfair ng tadhana? Hindi naman sila ang pinakamalaking pangalan sa industriya pero bakit sila pinag-uusapan ngayon? Ligaya was a sweet girl. Paanong ito ang tumanggap ng lahat ng bash? He saw the video of her asking for forgiveness. She doesn't have to do that. She doesn't owe those people na walang ibang gusto kundi ang manira ng ibang tao. Wala silang karapatan. Pero ginawa pa rin ni Ligaya ang gusto nila. Ngayon, heto siya. Ayaw sabihin ng pamilya ni Ligaya kung nasaan ito. Kahit ang kaibigan nitong si Ilaya ay ayaw magsalita.
"Kaibigan kita, Michele. Pero dahil sa sinabi mo kay Ligaya ginawa niya ang gusto mong mangyari. Sinunod niya ang gusto niyo. Alam ko desisyon niya iyon pero malaking bagay ang sinabi mo sa kaniya. Damn it! Wala akong magawa." napaupo siya. Nagduda tuloy siya sa damdamin ni Ligaya para sa kaniya. Minahal ba talaga siya ni Ligaya? Those kisses they shared, it felt wonderful. Paano kung...? umiling siya. Ramdam niya ang pagmamahal ni Ligaya sa kaniya. O baka naman pakiramdam mo lang dahil iyon ang gusto mong paniwalaan? Pinuntahan pa niya ang kanilang rest house sa Tarlac at baka naroon ito ngunit iba ang nakita niya. Nagulat pa siya. Marahil ay hindi talaga iyon dinala ni Ligaya sa Maynila at hindi isinama sa exhibit nito. Binitbit niya ito pauwi ng Maynila at dinala sa kaniyang condo. Ibabalik niya kay Ligaya iyon sa tamang panahon. Kapag ayos na sila. Kapag ayos na ang lahat.
"I'm sorry." iyon nalang ang nasabi ni Michele at umalis na ito. Napatingin na lamang siya sa pinto pagkalabas nito.
Muli niyang sinubukang i-dial ang numero ni Ligaya pero wala pa rin. He tried to see her f*******: account at muntik na siyang mapatalon sa saya nang makitang online ito. Wala na siyang sinayang na oras. Tinawagan niya agad ito. It's ringing. Matagal. Ayaw sagutin. Pero bago pa man iyon maputol ay ku-monek na ito and he heard her say hello.
"I missed you." tangi niyang nasabi.
Natahimik ang nasa kabilang linya. Tiningnan niya pa ang kaniyang cellphone baka naputol na ang tawag pero naroon pa rin naman.
"Ligaya, where are you? Please, come home. I missed you so much. I need you. I love you." walang gatol na sambit niya. Sandali niyang pinakinggan ang nasa kabilang linya. Wala siyang marinig. What is happening? May nasabi ba siyang masama?
"Eric..." garalgal ang boses nito. Is she crying?
Bumilis ang pintig ng kaniyang puso. "Baby, please. Come home. Don't do this to me. Don't do this to us."
"I can't come home now."
Nabahala siya sa sinabi nito. "B-bakit? May n-nangyari ba? Ako...ako ang pupunta diyan. Nasaan ka ba?"
Narinig niya ang paghikbi nito sa kabilang linya. It breaks his heart. Ano ang problema? "Eric, I'm sorry. I just..."
"Damn it! Don't say you don't love me anymore. It's a lame reason to just push me away from you and to stop me from chasing you. I love you and I want you here with me."
"I am not worth it, Eric. You don't deserve someone like me. A coward. Ni hindi ko kayang panindigan at ipaglaban ang damdamin ko sayo. Lahat nalang tinakbuhan ko. Hindi ako nararapat sa isang tulad mo, Eric."
"Then let me do the battle."
GUSTONG batukan ni Ligaya ang sarili niya. Kung ano ano na ang lumalabas sa bibig niya. Ang akala niyang mababaw na pagmamahalan nila ni Eric ay nagkamali siya. Does she deserve his love? Paanong minahal siya ng ganito katindi ni Eric? Ano ang nagawa niya para makaramdam ng ganitong pagmamahal mula sa lalaking halos perpekto na? Yes there is no perfect human. Everyone has an imperfections. But Eric? How can she deserve someone like him?
"Eric..."
"Baby, please. Stop running away from me."
"Bakit ka ba ganyan?"
"Huh?"
"Bakit parang hindi mo kayang magalit sa akin? Kahit mainis man lang? Kasi ako naiinis ako sayo dahil sa ugali mo."
"I'm sorry." tuluyan na siyang napaiyak. Noong una akala niya talaga ay napaka-cold nito. Sa uri kasi ng tingin nito ay mai-intimidate kang kausapin ito o i-approach ito pero hindi pala. Ngayon niya mas lalong nakita ang ugali ni Eric. Paano niya ito hindi mamahalin? Paano niya sasabihin ditong hindi na niya ito mahal?
"Mahal kita, Eric. It hurts to see you that way. And I'm sorry for hurting you. Ayaw ko lang idamay ka pa muli sa nangyari sa akin kaya ako umalis. Para magpagaling. I am too broken, Eric. Pag-uwi ko, sasabihin ko sayo ang lahat. Lahat-lahat." Aniya. Nagtataka man si Eric pero hindi na nito pinansin ang kaniyang mga sinabi.
"Then come home and explain everything to me. Talk to me. We don't need to run again. Trust me please. This time, let me handle everything. Please, baby." Napatango siya na animo ay nakikita nito ang kaniyang reaksyon.
"I will. I'm sorry again. Please, huwag mo akong pagsasawaan na intindihin." para na siyang bata sa pakiusap niya.
"Just come home, Ligaya Mora. I missed you so much alam mo ba 'yon?" Halos pumiyok siya dahil sa sinabi nito.
"How can't I say I'm sorry if you keep on telling me those words? Ugh, I hate myself more." Nasabi na lamang niya. Totoo namang siya ang dapat na kinagagalitan dahil sa mga maling desisyon niya.
"I love you, Ligaya."
"Damn, fine. Wait for me. But, can we meet in your rest house in Tarlac? May nakalimutan ako doon, eh. My masterpiece, actually. Nahihiya naman ako na ako lang ang mag-isang pupunta doon."
Natahimik ang nasa kabilang linya. Akala tuloy niya ay nawala na ito.
"Uh, E-Eric? Are you still there?" Napatingin siya sa kaniyang cellphone. Biglang kinonvert ni Eric into video call ang kanina'y voice call lang. Nag-alangan pa siya kung ia-accept niya ang video call. But in the end, she accept it.
"Ligaya."
Tumulo na naman ang kaniyang luha. Hindi na ba titigil? "I'm sor..." he cut her.
"Stop saying sorry. I just want to hear you say you missed me."
Napahikbi siya at pilit kinalma ang sarili. "I miss you, I miss you, I miss you. Gosh, I'm really selfish."
Biglang napatawa si Eric. "Damn. You're so beautiful when you're like that."
Napalabi siya. Alam niyang namula ang kaniyang mukha dahil sa sinabi nito. "Nasaan ka?" analang niya para i-divert ang usapan.
Itinutok nito ang camera sa silid kung nasaan ito. Habang pinapaikot nito ay may isang bagay na nahagip ang kaniyang mata sa loob. Pero nawala iyon sa isip niya nang matanto kung nasaan ito. Nasa loob ito ng silid nito. "My room here is waiting for you..." parang nang-aakit na sambit nito. Ganitong boses ang naririnig niya kapag nasa radio station ito. "Especially this bed." sabay noon ay ang pagbaling muli ng camera sa mukha nito. Nakahiga na ito sa kama. Ngayon lang niya napansin na nakasando lang pala ito na hapit sa katawan. Those muscles. Ugh! Bigla siyang na-excite na umuwi.
"I'm going home this morning." nasabi na lamang niya. And yes! She really missed him so much. Kung pwede nga lang na yakapin niya na ito ng mahigpit ngayon ay ginawa na niya. May clearance naman na siya sa pinsan niya na okay na ang kaniyang mga kamay. Huwag lang niyang gagamitin ng puwersahan ito. Kung pagpipinta lang din naman ay magagamit na niya ng maayos ang kaniyang mga kamay.