Papasikat pa lamang ang araw ay may sunod-sunod na maliliit na halik ang nagpagising kay Aurora habang may mahinang hagikhik naman siyang naririnig. Bagamat nakapikit pa ang kaniyang mga mata hindi na niya kailangan mag-isip kung sino ang malambing na nanggigising sa kaniya. Kasunod naman nito ang dahan-dahang pagmulat ng kaniyang mata at kaagad niyang nabungaran ang maamong mukha ng batang si Callum. Sa paraan pa lamang ng pagngiti ng bata mahahalata mo kaagad ang labis na kasiyahan rito, sapagkat hindi nakaligtas sa paningin ng dalaga ang kakaibang kislap sa mata ng bata. Para bang nakikita niya sa bata ang labis na kagalakan dahil sa may tinatawag na itong mama. Dahil dito, hindi maiwasan ni Aurora na magalak sapagkat hindi niya akalain na may makikilala siya na panibagong tao sa buhay

