Sa paggising ni Aurora walang paglagyan ang tuwa na nararamadam ng batang si Callum sapagkat ligtas na sa kapahamakan ang mama Aurora nito. Kung kaya’t hindi maiwasan ng bata na maglambing sa mama Aurora nito na siya namang sinuklian ng dalaga. Samantalang kaagad namang natauhan si Wayne sa pagyakap sa dalagang si Aurora. Hindi nito alam kung ano ba ang nagtulak dito para yakapin ang dalaga nang malaman nitong nagising na si Aurora. Hindi naman maitanggi ni Wayne sa sarili pero nakikita nito sa dalaga ang asawa nitong namayapa matagal nang panahon ang nakalipas. Dahil hindi maitatanggi ni Wayne sa sarili na kapag nakikita nito ang mukha ng dalaga kaagad na sumasagi rito ay ang mukha ng asawa nito. Para bang kahit matagal ng wala ang asawa ni Wayne hindi pa rin nito maiwasan ang hindi mangu

