Nangangahoy sa kagubatan ang matandang si Miguel ng makarinig siya ng tila may bumagsak sa may bangin. Dahil sa kagustuhan ng matanda na malaman kung ano ang nangyari hindi kalayuan sa pwesto niya, mabilis na tinungo ni Miguel ang lugar kung saan siya may narinig na parang may bumagsak. Ganoon na lamang ang takot ng matanda ng makita niya ang isang binata na puno ng dugo ang mukha at tila nawalan ng malay. Sa takot na may mangyaring masama sa binata kaagad na binuhat ng matanda ang binatang walang malay papalabas sa kotse nito. Bagamat nahihirapan ang matanda na ilabas ang binatang walang malay sa sasakyan nito pinilit pa rin niya itong buhatin upang mailigtas ang binata. Sapagkat, batay sa nakikita ng matanda na lagay ng sasakyan nito hindi magtatagal ay hindi malabong sumabog ang kotseng

