Isang mabilis na sasakyan ang tumatakbo nang bigla na lamang itong may makasalubong na pagewang-gewang na truck. Sa hindi malamang dahilan bigla na lamang nakaramdam ng takot ang binata na nagmamaneho ng kotse. Dala ng takot na mabangga siya ng truck kaagad niyang kinabig ang manubela at tila isang pagkakamali ang ginawa niya, sapagkat bigla na lamang siyang bumulusok paibaba ng bangin. Kung kaya’t ang takot na nararamdaman ng binata ay mas na-doble pa dahil sa naiisip niya na maaari niyang sapitin. Isama mo pa rito ay ang mukha ng dalaga na bigla na lamang sumagi sa kaniyang isip. Kasabay ang pagkakatama ng ulo niya sa isang matigas na bagay dahilan para makaramdam siya ng hilo. Hanggang sa unti-unti na lamang namalayan ng binata na nilalamon na siya ng kadiliman. Isang linggo ang nak

