Kabanata XII - Luha't Pighati

3042 Words

Isang ihip ng hangin ang siyang dumampi sa maputing balat ng dalagang si Aurora habang tahimik na lumuluhang nakamasid sa binatang papalayo sa kaniya. Bagamat napakaganda ng tanawin sa lugar na ‘yon para bang hindi na ‘yon napagtuunan pa ng pansin ng dalaga. Ang magagandang pulang rosas hindi kalayuan sa kaniya ang nahagip ng kaniyang paningin habang wala pa ring tigil ang pag-agos ng luha niya. Ubod man ng ganda ang kapaligirang namamasdan ng dalaga tila hindi niya ‘to napagtuusan ng pansin. Sapagkat para bang unti-unting bumabaon ang milyon-milyong kutsilyo sa kaniyang dibdib dahil sa labis na kirot na nararamdaman niya sa pagsuko ng kasintahan niyang si Ismael sa relasyon nilang dalawa. Hindi niya malaman kung ano nga ba ang gagawin niya, kung mahihiya ba siya o hindi, sa mga taong naka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD