Bagamat tirik na tirik ang araw para bang hindi ito gaanong napapansin ng dalaga dahil sa labis na pag-aalala niya para sa binatang si Xenon. Kung kaya’t isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Aurora habang iba’t ibang senaryo ang pumapasok sa kaniyang isipan. Sapagkat hindi niya maitatanggi sa kaniyang sarili na nangangamba siya sa pag-alis ni Xenon. Gusto man niya itong pigilan ngunit tila mahalaga talaga ang pupuntahan nito kasama ang kaibigan nitong si Silver. Hanggang sa napukaw ang atensyon niya sa isang malamig na bagay sa kaniyang leeg. Kaagad naman niya itong pinagmasdan at hindi niya maiwasan na mamangha sapagkat napakaganda ng disenyo nito. Isa itong gintong kwintas at tila isang hugis ng susi ang palawit nito. Dahil dito, kaagad na sumilay ang matamis na ngiti sa k

