Kabanata VII - Loraine Chan

3003 Words
Tirik na tirik ang araw sa katanghalian ng masayang kumakain ang pamilyang Asuncion ng makarinig sila nang sunod-sunod na pagkatok. Sa paraan ng pagkatok nito ay tila ba nagmamadali ito na pawang may tinatakasan o tinataguan itong tao. Kaya naman ang masayang salo-salo ng pamilyang Asuncion ay nabalot ng pagtataka dahil sa hindi kilalang bisita na kumakatok sa pinto nila. Hanggang sa binuksan ito ng isa sa mga katulong nila at iniluwa nito ay si Aleng Maria na tila nagmamadali papalapit sa gawi ng pamilyang Asuncion. Sa hitsura pa lamang ni Aleng Maria, mababakas muna sa mukha nito ang takot na tila ba may tinataguan ito. Isama mo pa ang pamumutla nito na lalong nagpakunot ng noo sa mag-asawang Asuncion. Bagamat may ideya na ang mag-asawa sa nais na sabihin ng matanda mas pinili pa rin nila na pakinggan ang nais pahiwatig ng matandang nasa harapan nila.   “Donya Isabel, Don Diego nandiyan na sila,” saad ng katiwala nilang si Aleng Maria.   Sa narining pa lamang ng mag-asawang Donya Isabel at Don Diego labis-labis na ang kaba na nararamdaman ng mag-asawa para sa kaligtasan ng buo nilang pamilya. Bukod dito, hindi nila malaman kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ng mga ito tinitigilan ang pamilya nila.   “Aurora, maaari bang pumanhik ka muna sa iyong silid,” mahinahon namang sambitla ni Donya Isabel sa anak nitong si Aurora.   “P-Pero ina, bakit kailangan kong mamalagi sa aking silid? Sino ba ang paparating at tila kinakabahan kayo?” pagpupumilit namang pahayag ng dalaga sa kaniyang inang si Donya Isabel.   Muli sanang mangangatwiran ang dalaga sa kaniyang ina ng sumabat na sa usapan ang ama niyang si Don Diego. Sa halip na magpumilit pa ang dalaga mas pinili na lamang niyang manahimik bilang paggalang sa kaniyang ama. Samantalang ang kuya naman niya ay sinenyasan siya na sumunod na lamang sa kanilang magulang habang nababakas sa mukha nito ang matinding kaseryosohan.   “Pakiusap anak, pumanhik ka muna sa iyong silid,” sabat naman ng kaniyang amang si Don Diego.   Kaya’t walang nagawa si Aurora kung ‘di ang pumanhik sa kaniyang silid habang napupuno ng katanungan ang kaniyang isipan. Bagamat naguguluhan wala siyang nagawa kung ‘di ang sundin ang utos ng kaniyang mga magulang, sapagkat batay pa lamang sa hitsura ng mga ito tila ba ayaw nilang ipaalam sa dalaga ang nais nilang pag-usapan. Hindi pa man siya tuluyang nakakapasok ng kaniyang silid kaagad siyang nakarinig na tila may nagtatalo sa may salas nila. Dahil sa gusto niyang malaman kung ano ang nangyayari sa baba ng kaniyang silid. Marahan siyang bumaba mula sa itaas at patagong sumilip sa may hagdanan nila.   “Hanggang kailan ba kayo manggugulo sa pamilya namin?” mahinang pahayag ni Don Diego ngunit may diin sa pananalita nito. “Hanggang sa pumayag kayo na kunin namin ang anak ninyong babae,” saad naman ng isang lalake na nakasuot ng salamin sa kanan nitong mata.   Dahil sa narinig ng dalaga tila nilukob siya ng matinding takot sapagkat hindi niya alam kung bakit gusto siyang kunin ng mga ito. Bukod dito, kaagad niyang napansin ang hitsura ng lalaking kausap ng ina’t ama niya. Sa hitsura pa lamang nito kaagad na napagtanto ng dalaga na wala itong gagawing mabuti sa kaniya lalo na sa pamilya nila. Samantalang ang dalawa naman nitong kasama ay tahimik lamang na nakikinig sa usapan. Ngunit, ang labis na tumatak sa isipan ng dalaga ay ang pagnanais ng mga ito na kuhanin siya. Bagamat alam niyang may nagtataka sa buhay niya pero malaki pa ring palaisipan sa kaniya ay ang motibo ng mga ito. Doon pa lamang ay hindi na maiwasan ng dalaga na mangamba para sa kaligtasan ng buong pamilya niya.   “Magkakamatayan muna tayo bago ninyo makuha ang anak namin! Maaari na kayong umalis,” malamig at seryosong pahayag ni Donya Isabel sa kanilang mga panauhin.   Nang tuluyan ng makaalis ang mga ito tila isang kisapmatang nagkagulo sa kanilang tahanan. Sapagkat bigla na lamang nahimatay ang kaniyang ina. Mabilis pa sa kidlat ang ginawang pagkilos ng dalaga upang daluhan ang inang nawalan ng malay dulot ng pakikipag-usap nito sa lalakeng hindi niya kilala.   “Diyos ko! Anong nangyari kay ina?” Lumuluhang tanong ni Aurora sa kaniyang kapatid at ama.   Ngunit sa halip na sagutin siya ng mga ito isang malungkot na titig lamang ang ibinigay sa kaniya ng mga ito. Wala siyang nagawa kung ‘di ang tahimik na lumuha, habang pinagmamasdang buhatin ng kaniyang ama ang ina niyang nawalan ng malay. Sa senaryo pa lamang ‘yon, kaagad na kumirot ang dibdib ng dalaga nang makita niya ang lungkot sa mata ng ama habang marahan nitong binuhat ang pinakamamahal niyang ina.   “I-Ina, p-pakiusap gumising ka na.”    “Hey! Aurora wake up, come on open your eyes baby,” malambing na saad ni Xenon sa dalaga habang marahang tinatapik-tapik ang mukha ni Aurora.   “X-Xenon, si ina.” Lumuluhang sambitla naman ni Aurora sa harapan ng nag-aalalang si Xenon.   “Hush baby, panaginip lang iyon. Are you okay now? You want some water?” malambing namang tanong ng binata sa dalagang si Aurora.   “I’m fine, naalala ko lang ang pamilya ko.”   Tila ba isang bangungot na unti-unting bumabalik sa alaala ng dalaga ang nangyari sa pamilya niya. Nais man niyang kalimutan ang mapait na nakaraan tila ba hindi siya nais pagbigyan ng panginoon sa gusto niyang mangyari. Hanggang sa bigla niyang naalala ang nangyari sa kaniya kung paano siya saktan ni Veronica. Gusto man niyang itanong kay Xenon kung anong nangyari sa babae pero mas pinili na lamang niyang manahimik. Sapagkat pakiramdam niya tila may galit na nararamdaman si Xenon, pero hindi naman niya alam kung bakit o kanino ito galit. Laking pasasalamat na rin niya kay Xenon sapagkat kung hindi dahil dito baka mas malala pa ang sinapit niya sa kamay ng dalagang si Veronica.   Dalawang araw ang nakalipas ngunit hanggang ngayon hindi pa rin siya mapakali, sapagkat hanggang ngayon hindi pa niya nakikitang muli ang binata. Kapag nagtatanong naman siya sa mga tauhan nito ay palaging sabi sa kaniya na may inaayos lamang na mahalaga ang boss nila. Para bang pakiramdam niya ay unti-unting lumalayo sa kaniya ang binatang si Xenon.   Hindi niya rin maintindihan ang sarili pero pakiramdam niya ay may hindi magandang mangyayari ngayong araw. Hanggang sa naalala niya ang talaarawan na nakuha nila sa lugar na parang isang laboratoryo. Dahil sa wala naman siyang ginagawa naisip niyang basahin na lamang muli ito. Sapagkat tila ba may nagtutulak sa kaniya na muli itong basahin.   Enero 20, 1917   Hirap na hirap na ako, hanggang kailan ba akong madudusa sa lugar na ito? Hindi ko alam kung anong ginagawa nila sa akin, ngunit isa lamang ang alam ko. Masahol pa sila sa hayop, hindi ko alam kung bakit nagagawa nila ang bagay na iyon? Minsan nga nagtangka akong tumakas pero mali yatang desisyon na ginawa ko iyon. Sapagkat hindi ko na mabilang kung ilang hagupit ng latigo ang ginawa nila sa akin.   Nakatatawa mang isipin ngunit dito na yata ako mamatay. Tila ba wala silang kapaguran sa pagturok ng kung ano-anong gamot sa aking katawan. Hanggang sa isang araw unti-unti kong namamalayan na tila may nagbabago na sa akin.   Kung ano man ang kahahantungan ko rito sa lugar na ito, buong puso kong tatanggapin. Marahil ito ang itinakda ng Panginoon na mangyari sa aking buhay. Masakit ngunit kailangan kong tanggapin na kahit kailan hindi ko na makikita ang aking pamilya.   Si ina, ama at kuya kumusta na kaya sila?   Sa hindi malamang dahilan natagpuan na lamang ng dalaga ang sarili na lumuluha dahil sa nabasa niya sa talaarawan. Pakiramdam niya tila ba may milyon-milyong karayom ang tumutusok sa dibdib niya dahil sa nasasaktan siya sa kaniyang nabasa. Bagamat may kirot na nararamdaman ang dalaga pinili pa rin niyang ipagpatuloy ang pagbabasa sa talaarawang hawak-hawak niya.   Pebrero 05, 1917   Buwan at araw na ang lumipas ngunit hanggang ngayon nandito pa rin ako sa impyernong lugar na ito. Hindi ko alam pero bawat araw na lumilipas pakiramdam ko ay unti-unting may nagbabago sa aking katawan. Ang buhok ko na dati ay kulay itim ngayon ay unti-unting nagiging kulay abo. Isama mo pa ang mata ko na kulay itim ngayon ay tila nag-iiba na rin ang kulay. Bukod dito, sa halip na papakaunti kami rito para bang mas lalo lamang kaming nadadagdagan. Para bang kada pumapalpak sila ay kaagad silang humahanap ng bagong kapalit. Hindi ko maiwasan mangamba sapagkat tila nagiging iba ang hitsura ko. Tila ba nagiging ibang tao na ako ngayon. Punong-puno ng katanungan ang aking isipan, kung bakit nila ginagawa sa amin ito? Noong una akala ko, ako lamang ang bihag nila ngunit nagkamali ako sapagkat marami pala kaming bihag nila.   Ngayon pa lamang ay natatakot na ako sa mangyayari sa akin. Igagaya ba nila ako sa ibang babae na kinukuha nila ang iba’t ibang parte ng katawan ng mga ito? Isa na rin ba ako sa mawawalan ng buhay sa impyernong lugar na ito kagaya na lamang ng mga babaeng kasama ko rito.   Sana ay mali ang aking hinuha sapagkat pakiramdam ko ay mawawala ang aking katinuan kapag sa akin nangyari ang bagay na iyon. Ang bagay na siyang labis kong kinatatakutan sa buong buhay ko. May tulong pa bang darating para sa amin o mananatili na lamang kami sa lugar na ito? Tila ba wala silang kapaguran sa pagpapahirap sa amin sa lugar na ‘to. Kung minsan pa nga ay hindi man lang nila kami pinapakain kapag may nagagawa kaming mali. Ganoon na lamang ba silang kawalang puso para pahirapan kami ng ganito.   Dahil sa hindi pa matanggap ng kaniyang isipan ang nabasa niya minabuti na muna niya na itigil ang pagbabasa. Sapagkat pakiramdam niya ay hindi na niya kakayanin kapag muli na naman siyang nagbasa ng talaarawang natagpuan nila sa abandonadong laboratoryo.   Sa hindi malamang dahilan natagpuan na lamang niya ang sarili na binubuksan ang tv sa kwarto nila ni Xenon. Hanggang sa nagulat na lamang siya nang makita niya ang larawan ni Xenon na binabalita sa tv. Dahilan naman para mapatitig siya sa binatang kasalukuyang nasa balita.   “Nakita umano ng mga fans ni Miss Loraine Chan na magkasama sila ni Mr. Xenon Caasi, na masayang kumakain sa isang restaurant. May nakapagsabi rin na matapos nilang kumain ay hinatid ng binata ang babae sa bahay mismo nito. Ngayon ay ating tunghayan ang maikling panayam tungkol sa kung ano nga ba ang estado nilang dalawa,” malinaw na pahayag naman ng isang mambabalita na sikat na sikat sa bansa nila na si Mr. Daisuke na siyang kapareho ni Miss Solaine sa pagbabalita.   “Totoo bang kumakalat na larawan na magkasama kayo ni Mr. Caasi?” napupuno naman ng pagtatakang tanong ni Miss Solaine, ang baguhang magbabalita sa kanilang estasyon.   Isang nakalolokong ngiti naman ang pinakawalan ng dalawa bago sagutin ang katanungan sa kanila. “Yes, totoo po iyon.” Nakangiti at sabay namang sagot nina Xenon at Loraine kay Miss Solaine.   “Totoo rin bang nagbabalak manligaw sa ‘yo ang bin--”   Dahil sa may kung anong namumuo sa dibdib ng dalaga minabuti na lamang niyang patayin ang tv. Sapagkat tila ba ngayon lamang siya nalinawan kung bakit ilang araw na niyang hindi nakikita ang binata. Natagpuan na lamang niya na muli na namang umaagos ang luha sa kaniyang mga mata. Para bang hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nasasaktan siya sa napanood niyang balita sa tv. Ganoon na lamang ang gulat niya ng bigla na lamang bumukas ang pinto ng unit ni Xenon, kaagad namang bumungad sa kaniya ang nakangiting binata. “Aurora, I’m here come on let’s eat,” saad ng binata na tila kararating lamang.   Kaya’t mabilis na pinahid ng dalaga ang luha na dumaloy sa kaniyang pisngi. Akmang sasalubungin niya ng yakap ang binata ng makita niya na hindi lamang ito nag-iisa. Sapagkat kasama niya ang babaeng kanina lang ay nakita niya sa tv na kasa-kasama ang binatang si Xenon. Kung kaya’t ang akmang pagyakap niya sa binata ay naudlot at sa hindi malamang dahilan kaagad siyang nakaramdam ng hiya sa sarili. Para bang bigla na lamang siyang nanliit ng makita niya ang hitsura ng babaeng kasama ni Xenon sa balita.   “M-May kasama ka pala, m-mamaya na lamang siguro ako kakai---”   “No! Kakain ka ngayon din!” Mariing saad sa kaniya ni Xenon.   Dahil sa pagkapahiya na naramdaman nakayukong tinungo niya ang lamesa na ngayon ay punong-puno ng pagkain. Kaya naman tahimik lamang siyang kumakain habang palihim na sumusulyap sa dalawang tao na tila ba sila lamang ang kumakain. Sapagkat tila ba alagang-alaga ito ni Xenon habang pinaghahanda ito ng pagkain. Sa kaniyang nakikita sa dalawa hindi niya maitatanggi na bagay na bagay ang mga ito. Nang matapos siyang kumain tahimik siyang tumayo at mahinang nagpaalam sa dalawang tao na abala sa pag-uusap. Hindi niya alam kung narinig ba siya nang mga ito kaya’t mabilis siyang nagtungo sa kanilang silid.   Ang kaninang luha niyang pinipigilan ay isa-isang pumapatak nang makapasok siya sa silid nila ni Xenon. Nang mga oras na ‘yon para bang pakiramdam niya ay wala ng pakialam sa kaniya ang binata. Sapagkat nakikita niya kung paano asikasuhin ni Xenon ang dalaga nitong kasama. Para bang ingat na ingat ito sa lahat ng gagawing kilos ni Loraine na siyang labis na ikinalungkot ni Aurora. Sapagkat para bang pakiramdam niya ay nakikigulo lamang siya sa buhay ng dalawa. Bukod dito, pakiramdam niya ay para siyang isang hangin kung ituring ni Xenon dahil kahit isang sulyap ay hindi na muli ito tumingin man lang sa kaniya.   “Hahaha! Ano ka ba naman si Xenon busog na busog na kaya ako.” Natatawang saad ni Loraine kay Xenon.   “Tsk! Ubusin mo ‘yang pagkain mo, tingnan mo nga ‘yang katawan mo sobrang payat muna.” Masungit namang sambitla ni Xenon sa kausap nitong si Loraine.   “What! Sexy ang tawag dito hindi payat at saka busog na talaga ako.” Nakasimangot namang pahayag ni Loraine habang nakanguso ito sa harapan ni Xenon.   Kung pagmamasdan ang hitsura ni Loraine, kaagad mong mapapansin dito ay ang maganda nitong mukha na siyang kinahahangan ng nakararami. Bukod dito, kapansin-pansin din ang labis nitong kaputian na tila ba pinaglihi ito sa nyebe. Isama mo pa ang mamula-mula nitong labi na siyang bumagay sa matangos nitong ilong. Habang ang tangkad naman nito ay maihahanay na sa mga nagsisikatang modelo sa iba’t ibang panig ng bansa.   “Fine! Basta pagkatapos mong kumain aayusin na natin ang gamit mo dahil simula sa araw na ito sa bahay ko na ikaw titira.” “Oo na Mr. Sungit pasalamat ka mabait ako.”   Tila isang bombang sumabog para kay Aurora ang narinig niyang usapan ng dalawa. Wala siyang nagawa kung ‘di ang tahimik na lumuha sa mga nalaman niya ngayong araw. Para bang ang masayang sandali na nararanasan niya sa piling ng binata ay matatapos na dahil lamang sa dalagang si Loraine. Gusto man niyang magalit sa binata ay pinili na lamang niyang sarilihin ‘yon sapagkat alam ng dalaga na walang magbabago kahit magalit pa siya sa binata. Sapagkat sa una pa lamang alam na niya sa kaniyang sarili na pabigat lamang siya para kay Xenon. Doon din niya napagtanto kung bakit tila ba may itinatago ang empleyado nito sa kaniya. Marahil sinabihan ang mga ito ni Xenon na huwag sabihin sa kaniya kung nasaan at kung sino ang kasama nito.   “Mukhang kailangan ko na yatang umalis sa bahay na ito,” piping pahayag ni Aurora sa kaniyang sarili.   Tila ba sinisisi niya ang sarili niya na bakit nga ba hindi niya naisip na may ibang babae na mahal si Xenon. Ngayon din napagtanto ni Aurora na tila ba may kung anong nararamdaman na siya para kay Xenon, kaya ganoon na lamang ang sakit na labis niyang nararamdaman. Dahil alam niyang makakaabala lamang siya sa dalawa pinili na lamang niyang huwag ng lumabas ng silid sapagkat alam niya sa sarili na masasaktan na naman siya kapag nakita niya sina Xenon at Loraine. Para bang sa isang iglap lamang ay nagbago na ang pakikitungo sa kaniya ni Xenon ng dahil lamang kay Loraine. Bukod dito, nararamdaman niya rin ang malamig na pakikitungo sa kaniya ng binata.   Pagak na lamang na napatawa sa sarili ang dalaga ng may mapagtanto siya. Para bang saka lamang naging malinaw sa kaniya kung bakit ilang araw ng hindi umuuwi si Xenon. Ngayon ay nalaman na niya ang dahilan pakiramdam niya ay pinagtaksilan siya ng binata kahit alam naman ni Aurora na wala silang relasyon ni Xenon. Pagak na naman siyang napatawa nang muli niyang marinig ang usapan nina Xenon at Loraine.   “Gosh! Xenon, bakit hindi mo sinabi na may kasama ka na pala rito sa unit mo?” Gulat na gulat namang pagtatanong ni Loraine sa binata.   Tila ba ngayon lamang napagtanto ni Loraine na may ibang kina-kasama si Xenon at ang matindi pa ay babae ang kasama nito. Kung kaya naman ay hindi maiwasan ni Loraine na mapanguso ng mapagtanto nito na may iba pa palang babae sa buhay ni Xenon. Para bang may inis na nararamdaman si Loraine para sa dalagang si Aurora. Tila ba pakiramdam ni Loraine ay si Aurora ang hadlang sa pagsasama nila ni Xenon.   “What do you mean?’ Nakakunot naman ang noo na pagtatanong ni Xenon kay Loraine.   “Sino pa ba e ‘di si Aurora. Akala ko ba ako lang ang babae sa buhay mo?” Nakasimangot namang pahayag ni Loraine sa binatang si Xenon.   Bahagya namang nagulat ang dalagang si Loraine ng bigla na lamang humagalpak ng tawa si Xenon. Sa paraan pa lamang ng pagtawa nito tila ba may katawa-tawang sinabi sa harapan nito ang dalagang si Loraine. Kung kaya’t hindi naman maiwasan ni Loraine na mapakunot ang noo dahil sa naging reaksyon ni Xenon sa harapan nito. Hindi naman nakaligtas sa paningin ni Loraine ang nakalolokong ngiti ni Xenon, roon pa lang alam na ni Loraine na nang-aasar na naman ang binata. “Hahaha! That girl! Don’t mind her she’s nothing to me.” Tatawa-tawa pa ring sambitla ni Xenon kay Loraine.   Dahil sa narinig ni Loraine sa binata tila ba nawala ang lahat ng pangamba nito. Samantalang halos mabiyak sa sakit ang dibdib ni Aurora dahil sa narinig niya sa binata. Sapagkat ang buong akala niya ay mahalaga siya para rito ngunit niloloko lamang pala niya ang kaniyang sarili. Sa hindi malamang dahilan natagpuan na lamang niya ang sarili na yakap-yakap ang talaarawan na nakita nila sa abandonadong laboratoryo habang patuloy pa rin sa pag-agos ang kaniyang mga luha.  Sa halip na pakinggan pa niya ang pag-uusap nina Loraine at Xenon mas pinili na lamang niyang itulog ang lungkot na kaniyang nararamdaman. Hanggang sa hindi niya namamalayan na unti-unti na pala siyang nilalamon ng kadiliman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD