Nang makarating sina Aurora at Xenon sa lugar na sadya nila mga basag na bubog ang siyang bumungad sa kanilang harapan ng makapasok sila sa istraktura na tila isang lumang Laboratoryo. Mga puting damit ang nagkalat na tila isang uri ng damit ng isang pasyente. Bukod dito, makikita rin dito ang mga kagamitang nagkalat na siyang ginagamit sa isang Laboratoryo. At ang labis na nagpagimbal sa kanila ay ang isang malaking lalagyan na tila kasya ang isang tao. Tila ba ginawa talaga ito para sa isang tao sapagkat mayroon pa itong laman na isang kakaibang likido na tila ba nahahaluan ito ng iba’t ibang kemikal. Sa muling pagbalik ni Aurora sa lugar na pinagmulan nito muli na namang nabuhay ang takot sa puso ng dalaga ng muli nitong makita ang ayos ng lugar.
Sa hindi malamang dahilan bigla na lamang napakapit nang mahigpit si Aurora sa braso ni Xenon ng makita nito ang sariling larawan na nakadikit sa isang lalagyan na kasya ang isang tao. Ngunit ang kakaiba lamang nito ay itim na itim pa ang buhok ng dalaga sa larawan pati na rin ang kulay ng mata nito. Ang mas lalong nagpagising ng takot sa dalaga ay ng makita at mabasa nito ang nakasulat dito.
“Immortal Number 1-Aurora Asuncion (First Succesful Experiment)”
Dala siguro ng takot ng dalaga noong una itong nagising sa abandonadong lugar hindi nito napansin na may isa pa palang kwarto na hindi ito napupuntahan na ngayon ay siyang kinatatayuan nila ngayon ng binata. Sa hindi malamang dahilan bigla na lamang napaluhod ang dalaga sa mga natuklasan nito. Pakiramdam ng dalaga ay tila isang hayop ang sarili na pinagluruan lamang ng mga Scientist na tila yata walang konsensiya ang mga ito. Ngunit ang pinagtataka ng dalaga, bakit ito pa ang napili ng mga walang pusong Scientist? Tila ba isa-isang nagbabalikan ang mapait na sinapit ng dalaga sa nakaraan nito. Kagaya na lamang kung paano ito nawalay sa minamahal at iniingatan nitong pamilya.
“H-Hindi ito maaari, b-bakit nila nagawa sa akin ito?” tila nawawalang pag-asa na pahayag ni Aurora.
Lihim na lamang na napamura si Xenon ng malaman niya na tama ang nabuong ideya sa kaniyang isipan. Hanggang sa makarinig sila ng kaluskos na tila papalapit sa gawi nilang dalawa ng dalaga. Sa takot na baka mapahamak ang dalaga kaagad niyang binuhat ang dalaga para makapagtago sila sa mga yabag na papalapit sa gawi nilang dalawa ng dalaga. Pero bago pa sila tuluyang magtago mabilis niyang kinuha ang file na naglalaman tungkol sa dalaga. Sapagkat nangangamba siya na baka ito ang pakay ng mga taong hindi nila kilala. Bukod dito, hindi niya rin mawari kung sino ba ang pakay ng mga ito kung siya ba o ang dalagang si Aurora.
“Mga hangal! Ano bang babagal ninyo, para kayong hindi mga lalake kung kumilos!” Asik ng isang lalaki na tila nakakaramdam ng iyamot sa kasamahan nito.
“Pasensiya na boss, ito kasing si Berto ang bagal-bagal kumilos.” Paghinging paumanhin naman ni Tonyo sa boss nila.
“Huwag na kayong maraming satsat hanapin ninyo ang file ni Aurora Asuncion!” galit na asik ng boss nina Berto at Tonyo.
Dahil sa narinig niya kung ano ang pakay ng mga ito gustong-gusto nang lumabas ni Xenon sa pinagtataguan nila para mabigyang leksyon ang mga kumag na naghahanap ng file ng dalaga, kaya lang naisip niya na baka mapahamak lamang ang dalaga kapag nagpadalos-dalos siya ng kilos. Kaagad namang nakahinga si Xenon nang maluwag sapagkat nakuha niya ang file na hinahanap ng mga kumag na hindi niya kilala.
“Matanong ko lang boss, bakit ba natin hahanapin ang file na iyon? Akala ko ba si Mr. Caasi ang pakay natin,” may pagtataka namang tanong ni Berto sa boss nila.
“Pagbibiyan muna natin siya, sa ngayon kailangan natin mahanap ang file ni Aurora Asuncion para kumita tayo ng malaki,” seryoso namang pahayag ng boss nina Berto at Tonyo.
Kung pagmamasdang mabuti ang tatlong taong nag-uusap-usap kaagad na nahalata ni Xenon na pipitsugin lamang ang mga ito. Hindi kagaya ng iba niyang nakakalaban na mapapansin mo pa lang sa kilos ng mga ito na para bang sanay na sanay ang mga ito sa ganitong trabaho. Kung tutuusin ay kayang-kaya niyang labanan ang tatlong taong tinataguan nila ni Aurora kaya lang nangangamba siya na baka masaktan ang dalaga lalo na’t may dala-dala pa ang mga itong baril.
“Ano bang mayroon sa babaeng iyon, boss?” pagsingit namang pagtatanong ni Tonyo sa boss nila.
“Huwag ka nang maraming tanong at maghanap ka na lang diyan!”
Nang makita nilang papalapit sa gawi nila ang mga armadong lalaki dahan-dahang umatras si Xenon, habang buhat-buhat pa rin ang dalaga. Hanggang sa naramdaman na lang niyang nabangga na siya sa isang pader. Dahil dito kaagad na nakaramdam ng takot si Xenon para sa kaligtasan ng dalaga kaya naman hindi niya mapigilan ang lihim na mapamura dahil sa sitwasyon nila ngayon ng dalaga. Sa halip na mataranta kaagad na nag-isip ng paraan si Xenon kung paano niya lalabanan ang tatlong armadong lalake na hindi masasaktan o madadamay man lang ang dalaga.
“s**t! Wala na tayong maaatrasan pa.” Pabulong namang sambitla ni Xenon sa buhat-buhat pa ring dalaga.
“P-Paano na tayo ngayon? Baka kunin na naman nila ako kapag nakita nila tayo ngayon,” nangangamba namang saad ng dalaga kay Xenon.
Hindi naman nakaligtas sa paningin ni Xenon ang kakaibang takot na namumutawi sa magandang mata ng dalaga. Hanggang sa nagulat na lang sila nang biglang masagi ng paa ni Aurora ang malaking painting na nakasabit sa may dingding. Dahil sa pagkakasagi ng dalaga sa painting isang malakas na kalabog ang namayani sa dibdib ng dalaga sa pag-aakalang papatak ito. Ngunit nagulat na lamang sila nang bigla nagbukas ng paitaas ang pader na kanina lamang ay sinasandalan ni Xenon. At halos magimbal sila sa takot ng makita nila kung saan silang kwarto napadpad. Kung pagmamasdang mabuti ang kwarto kaagad na nabuo ang konklusyon sa utak ng binata na marahil ang kwartong kinatatayuan nila ngayon ng dalaga ay isang sikreto. Sapagkat ang kwartong kinatatayuan nila ngayon ay punong-puno ito ng iba’t ibang parte ng katawan ng tao. Kagaya ng una nilang nakita nakalagay rin ito sa isang lalagyan na kasya ang isang tao, bukod dito napansin din nila ang isang kakaibang makina. Tila ba isang uri ng time machine na sa paglipas ng panahon ay kinain na ito ng mga kalawang.
Bukod doon may iba’t ibang kemikal din na nagkalat sa isang lamesang nababalot ng pulang likido na tila natuyo na dahil sa matagal nang lumipas ang panahon. Mayroon din silang napansin na isang bagay na natatakpan ng isang malaking tela. At nagulat na lamang sila ng matanggal nila ang telang nakatakip dito. Isa itong lalagyan ng isang tao habang nasa loob nito ay isang kalansay na nakasuot ng puting damit na parang sa isang doktor. Sa halip na pansinin pa nila ito ipinagsawalang-bahala na lamang nila ito sapagkat hindi nila alam ang dahilan kung bakit nga ba may kalansay sa loob nito.
Ngunit ang higit na nakapukaw sa atensyon ni Aurora ay ang isang pinto na nakasiwang hindi kalayuan sa pwesto nila ni Xenon. Dahil sa kuryosidad binagtas ito ni Aurora at nakita nito ang loob na tila isang kwarto. Sa tabi ng kama ay may isang lamesa na may nakapatong na isang kwaderno at isang panulat. Tila ba pagmamay-ari ito ng isang tao na sumusulat sa taong mahalaga para rito. Kaagad namang binuhat ito ni Aurora habang matiim lamang na nakamasid dito si Xenon. Nalaman ng dalaga na isang pala itong talaarawan ng taong nagmamay-ari ng kwartong kanilang pinasukan. Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa labi ni Aurora bago nito basahin ang unang pahina ng talaarawan. Habang walang imik naman si Xenon na nakatitig lamang sa dalagang si Aurora. Doon pa lang alam kaagad ni Xenon na malungkot na naman ang dalaga sapagkat hindi nakaligtas sa kaniyang paningin ang lungkot sa mata ni Aurora.
Enero 11, 1917
Tila isang bangungot para sa akin ang mapunta sa lugar na ito. Mga wala silang puso, paano nila nagagawa ang ganitong bagay? Naging mabait naman akong anak at kapatid saka kasintahan ngunit, bakit tila pinarurusahan yata ako ng panginoon? Wala naman akong kasalanan ngunit, bakit tila pinahihirapan ako ngayon ng panginoon? Hindi ko nais magtagal sa lugar na ito, tila masisiraan ako nang bait kapag nagtagal pa ako rito.
Hanggang kailan pa ba ako rito? Gustong-gusto ko na silang makita at mayakap. Wala naman akong kasalan na ginawa sa kanila para maranasan ko ang mga ito. Sino nga ba sila? Bakit nila ako pinahihirapan ng ganito? Kailan ba matatapos ang pasakit na nararanasan ko ngayon?
Ang pamilya ko kaya? Hinahanap kaya nila ako?
Sa hindi malamang dahilan tila kumalabog ang puso ni Aurora sapagkat pamilyar sa dalaga ang sulat kamay ng may-ari. Akmang babasahin na nitong muli ang sunod na pahina nang marahang hinigit ni Xenon ang dalaga, papalabas sa kwartong tila pamilyar din sa dalaga.
“Are you okay, Aurora?” mahinahong tanong ni Xenon sa dalaga.
“I’m fine, marahil ay napagod lamang ako.” Isang tipid na ngiti lamang ang isinukli ng dalaga kay Xenon.
Kahit hindi sabihin ni Aurora ang totoo alam ni Xenon na tila mayroong bumabagabag sa dibdib ng dalaga. Naalala niya rin ang file na kinuha niya patungkol sa dalaga. Bakas man ang pangamba ngunit naisip ng binata na maaring may koneksyon ito sa bagay na matagal na niyang iniingatan. Dahil sa nalaman nila kaagad na nagdesisyon si Xenon na kahit anong mangyari gagawin niya ang lahat masiguro lamang na ligtas sa kapahamakan ang dalaga kahit na ang kapalit pa ay ang buhay niya.
Hanggang sa pabalik na sila ay walang umiimik sa kanilang dalawa ng dalaga. Tila ba parehas silang may iniisip na malalim dahil sa mga natuklasan nila sa abandonadong laboratoryo. Hindi pa sana sila aalis sa lugar na iyon ng bigla na lang makatanggap ng tawag si Xenon mula kay Silver. Sapagkat nalaman na nito kung sino ang taong naglakas ng loob na magnakaw sa kompaniya niya.
Bago sila magtungo sa unit niya dumaan muna sila sa secret hideout nila ni Silver, upang parusahan ang daga sa kompanya niya. Dahil sa ayaw niyang makita ni Aurora ang gagawin niyang kademonyohan, inihatid niya ito sa opisina niya sa secret hideout nila. Sa halip na ihatid niya muna ang dalaga sa unit niya mas pinili na lamang niya itong isama sapagkat nangangamba siya na baka mapahamak lamang mag-isa si Aurora sa unit niya.
“Mabuti naman dumating ka na, kanina pa akong kating-kating patayin silang dalawa!” May diin ang nakakatakot na tonong pahayag ni Silver sa kaibigang si Xenon na ngayon ay nanlilisik na ang mga mata sa galit.
Sa paraan pa lamang ng panlilisik ng mata ni Xenon kaagad na nabuo ang konklusyon sa utak ni Silver. Para bang alam na nito na magiging madugo ang gagawin nila sa taong parurusahan nila ngayon. Bukod dito, alam din ni Silver na hindi magdadalawang-isip si Xenon na patayin ang mga ito.
“May dinaanan pa kasi kami ni Aurora, simulan na natin ang pagpapahirap,” seryoso namang saad ni Xenon sa kaibigan niyang si Silver.
Dahil sa sinabi niyang iyon bigla na lamang namutla ang dalawang lalaki na nakatali sa may upuang bakal sa loob ng torture room ni Xenon. Kung pagmamasdang mabuti ang dalawang lalaki na bihag nila, kaagad na napansin ni Xenon na hindi pa gaanong kahusay ang mga ito sa ganitong larangan ng trabaho. Hanggang sa nagulat na lamang ang mga ito ng bigla silang buhusan ng sobrang lamig na tubig. Dahilan para manginig sila sa sobrang lamig ng tubig na ibinuhos sa kanila na may iilang yelo pa na nakasama rito.
“Sinong nag-utos sa inyo na nakawan ang kompanya ko?” Seryosong tanong ni Xenon sa bihag nila habang nanlilisik sa galit ang kaniyang mga mata.
“W-Wala kang malalaman sa amin!” Lakas loob na saad naman ng isang lalake habang nanginginig ang katawan nito dahil sa ginaw na nararamdaman buhat ng pagkakabuhos dito ng malamig na tubig ni Xenon.
Sa galit ni Xenon bigla na lamang niyang sinaksak ang binti ng lalaking bihag nila. Dahilan upang umagos ang dugo pababa sa may hita nito. Hindi pa siya nakuntento at kaagad niya itong binuhusan ng matamis na syrup na kaagad namang bumalot sa buong katawang ng lalaking bihag niya. At halos magimbal sa takot ang lalaki nang makita niya kung anong laman ng garapon na hawak ni Xenon. Bukod dito, mas lalo pang diniinan ni Xenon ang punyal na nakasaksak sa binti ng bihag nila na kulang na lamang ay mahalit ang laman ng binti nito.
“Ngayon tatanungin ulit kita, sino ang nag-utos sa inyong nakawan ng malaking halaga ang kompanya ko?”
“S-Si V-Vero---”
“Gago ka ba pare, huwag mong sasasabihin kung sino ang nag-utos sa atin. Tiyak na malilintikan tayo sa kaniya,” sabat naman ng isang lalaking kasama nito.
Isang malakas na suntok sa tiyan ang natamo nito mula kay Silver dahilan para mapasuka ito ng dugo. Dahil sa naubos na ang pasensiya nilang dalawang magkaibigan kaagad na ibinubo ni Xenon ang malalaking pulang langgam sa katawan ng lalaking bihag nila. Habang ang pinahihirapan naman ni Silver ay binuhusan niya ng gasolina at pagkatapos ay sinunog niya ito ng buhay. Tanging malalakas na sigaw ang pumuno sa kwarto na tila wala man lang pakialam ang magkaibigan, kahit nakikita na nila na nahihirapan ang dalawang taong naglakas loob na nakawan ng malaking pera ang kompanya niya. Hanggang sa bawian ng buhay ang dalawang lalaki na bihag nila tanging pagtitig lamang sa mga ito ang isinukli ng magkaibigang Xenon at Silver.
“Halimaw ka pa rin talaga sa pagpapahirap sa mga taong nagkasala sa ‘yo.” Natatawang saad ni Silver sa kaibigang si Xenon.
“Tsk! Simple nga lang ang ginawa ko sa kanila, kilala mo ako wala talaga akong sinasanto sa mga taong nagkasala sa akin.” Saad ni Xenon sa kaibigan niyang si Silver na ngayon ay umiinom ng alak habang nakatingin sa dalawang taong ngayon ay binawiaan na nang buhay.
Samantala, habang abala ang magkaibigang Xenon at Silver sa kanilang pinag-uusapan. Mag-isa naman si Aurora sa opisina ng binata, akmang magbabasa na muli ito ng talaarawan nang marahas na bumukas ang pinto ng opisina ng binata. Kaagad na iniluwa noon si Veronica na may nanlilisik na mata at tila manunugod na kaagad ito. Dahilan para mapapitlag si Aurora sa inuupan nito at napatingin sa gawi ni Veronica.
“Sino ka namang babae ka? Anong ginagawa mo sa opisina ng boyfriend ko?” nagmamataas na tono ni Veronica kay Aurora.
“Hinihintay ko lamang si Xenon, ako nga pala si Aurora Asuncion. Maaari ko bang malaman ang pangalan mo bin--”
Hindi na naituloy ni Aurora ang balak nitong sabihin ng bigla na lang itong sinugod ni Veronica at sinampal ng ubod nang lakas. Hindi pa ito nasiyahan sa ginawa nang muling sampalin ni Veronica si Aurora dahilan para mapaigik sa sakit ang dalaga. Dahil sa sakit na nararamdaman ni Aurora sa ginawang pagkakasampal ni Veronica hindi nito mapigilan na mangilid ang luha habang hawak-hawak nito ang pisnging namumula.
“Ang kapal naman ng mukha mong landiin ang boyfriend ko! Baka ngayon pa lang gusto mo ng patayin kita!” Galit na galit na pahayag ni Veronica habang marahas na sinasabunutan ang kaawa-awang si Aurora.
“Pakiusap itigil muna ito sapagkat nasasaktan ako sa paraan ng paghawak mo sa aking buhok,” nakikiusap na tugon ni Aurora kay Veronica habang tila kaunti na lang ay papatak na ang luhang kanina pa nitong pinipigilan.
Ngunit tila isang bingi si Veronica at pinagpatuloy pa rin nito ang pagsabunot kay Aurora. Hanggang sa maglabas ito ng gunting at akmang gugupitin ang buhok ni Aurora ng sa isang iglap ay tumalsik si Veronica nang ubod ng pagkakalakas. Dahilan upang tumama si Veronica sa may pader at mapaigik sa sakit ng pagkakatalsik nito. Mabilis pa naman sa kidlat ang ginawang pagkilos ni Xenon at kaagad niyang dinaluhan ang kaawa-awang si Aurora.
“s**t! Are you okay, baby?” Punong-puno ng pag-aalalang tanong ni Xenon kay Aurora na ngayon ay kasalukuyang lumuluha na.
“S-She hurt me, t-tapos sabi niya boyfriend ka raw niya at nilalandi lamang kita.” Lumuluhang sagot ni Aurora kay Xenon.
Kahit hindi sabihin ng dalaga alam ni Xenon na lubha itong nasaktan sapagkat putok ang mamula-mulang labi ni Aurora. Habang ang makinis naman nitong pisngi ay daig pa ang nilagyan ng kolorete dahil sa namumula ito dulot ng pagkakasampal dito ni Veronica. Isama mo pa ang buhok nito na tila nagulo dahil sa tindi ng pagkakasabunot dito ni Veronica na kulang na lamang ay mabunot ang magandang buhok ng dalagang si Aurora. At mas lalong naghimutok ang damdamin ng binata sapagkat kung hindi siya nakarating kaagad malamang ay nagupit na ni Veronica, ang mahaba at kulay abong buhok ni Aurora. Dahil sa sinapit ni Aurora hindi mapigilan ni Xenon na hindi maawa para rito sapagkat hindi niya akalain na masasaktan ang dalaga dahil lamang sa kapabayaan niya.
“How dare you to hurt her! Sino ka sa inaakala mo? Isang hamak ka lang naman na mukhang pera!” Galit na pahayag ni Xenon kay Veronica na ngayon ay namimilipit sa sakit habang madiin nitong pinipisil ang bagang ng dalaga.
“O-Ouch! Xenon nasasaktan ako. Bakit ba pinagtatanggol mo ang malan--”
Hindi na naituloy ni Veronica ang sasabihin nito ng bigla itong sampalin ng ubod nang lakas ni Xenon. Dahilan para mapaiyak si Veronica sa sobrang sakit ng pagkakasampal ni Xenon sa pisngi nito. Hindi pa nakuntento si Xenon at sinabunutan niya rin si Veronica, sa paraan pa lamang ng pagkakasabunot niya kay Veronica kaunti na lamang ay para bang mabubunot na ang buhok nito. Habang wala namang nagawa si Veronica kung ‘di ang magsumamo sa harapan ng galit na galit na si Xenon. Ngunit kahit anong pagsusumamo ang gawin ni Veronica kay Xenon tila ba balewala lamang ito sa binata.
“Talagang masasaktan kang babae ka! Ang kapal ng mukha mong saktan si Aurora, hamak na mas mababa ka sa kaniya!” Galit na asik ni Xenon kay Veronica habang mariin pa ring nakasabunot sa buhok ng dalagang si Veronica.
Sa sobrang galit ni Xenon inutusan niya ang mga tauhan niya na dalhin si Veronica sa may torture room. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang nagalit ng makita niya ang lumuluhang mata ni Aurora. Dahil sa kagagawan ng walang kwentang si Veronica. Ngunit hindi niya maitatanggi sa kaniyang sarili na mayroon ng puwang ang dalagang si Aurora sa puso niyang tila unti-unting lumalambot dahil sa dalaga.