Bagamat malalim na ang gabi tahimik na naglalakad sa madilim na pasilyo ang matandang babae patungo sa silid ng dalaga upang itakas nito ang kaawa-awang babae. Dahil sa hirap na sinasapit ng dalaga sa kamay ng mga walang konsensiyang tao nagdesisyon ang matanda na palihim niyang itakas ang dalaga. Habang palinga-linga naman ang matanda upang masiguro na walang tao ang sumusunod o nakakita rito. Nang marating ng matanda ang silid ng dalaga ay tahimik nitong binuksan ang pinto para makapasok na tila ba ingat na ingat na huwag makagawa ng kahit anong ingay. Sapagkat nangangamba ang matandang babae na baka may makaalam na may balak itong itakas ang kaawa-awang dalaga. Laking pasasalamat na nga lang ng matanda na may mahalagang gagawin ang taong nagpadukot sa dalaga. Dahil dito sinulit na n

