Panay naman ang hithit at buga ni Xenon sa kaniyang sigarilyo habang tinatanaw ang gusaling unti-unting bumabagsak dala nang malakas na pagsabog. Kaagad na sumilay ang mala-demonyong ngisi sa kaniyang labi, habang pinupunasan ang baril na siya mismong ginamit niya sa pagpapahirap sa taksil niyang ninong. Bagamat nasaktan siya sa kaniyang natuklasan wala na siyang magagawa sapagkat ang ayaw niya sa lahat ay ‘yong pinagtataksilan siyang ng taong labis na pinagkakatiwalaan niya. Bukod dito, hindi porket ninong niya ang may pakana ng lahat ng kaguluhang nararanasan nila ay hahayaan na lamang niya ito sa hindi makatao nitong gawain. Kung kaya’t binigyan niya ng leksyon ang taksil niyang ninong kasama ang pamilya nitong itinuring na rin niyang parang isang pamilya ngunit ganoon na lamang kadali

