Isang buwan na ang nakalilipas ngunit hanggang ngayon ay tila sariwa pa rin sa alaala ni Aurora ang pagkawala ng lalaking labis niyang minahal. Tila ba sa pangalawang pagkakataon muli na naman siyang nasaktan ng dahil sa lalake. Kagaya ng apoy, mabilis na kumalat ang balita tungkol sa pagpanaw ni Xenon. Sa ngayon ang kaibigan nitong si Silver ang namamahala sa lahat ng ari-ariang naiwan ni Xenon. Habang hinihintay nila ang ibang kamag-anak ni Xenon na siyang mamamahala sa lahat ng pagmamay-ari nito. Bagamat isang buwan na ang nakalilipas mula nang mawala sa piling ni Aurora si Xenon, para bang hanggang ngayon ay nasa isang masamang panaginip pa rin ang dalaga. Sapagkat hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap na kahit kailan ay hinding-hindi na babalik pa ang binata. “Malungkot k

