Limang buwan na ang nakalilipas nang paunti-unting natatanggap ng dalaga ang pagkawala ni Xenon. Tila ba tinanggap na niya sa kaniyang sarili na kahit kailan hindi na siya magagawang balikan ng binata. Kung kaya’t pinili niyang harapin ang kinabukasan niya na hindi na niya kapiling ang binata. Sa isiping ‘yon, hindi maiwasan ng dalaga na makaramdam ng lungkot, sapagkat, sa tantiya niya ay mukhang tatanda na siyang dalaga o kung tatanda pa nga ba siya. Samantalang, sariwa pa rin sa alaala niya ang pag-uusap nila ng lola ni Xenon. Bagamat may katandaan na mapapansin mo pa rin sa kilos ng matanda na malakas pa ang lola ng binata. Isang katok ang pumukaw sa atensyon ni Aurora mula sa pag-iisip niya sa loob ng kaniyang silid. At iniluwa noon ay si Silver na bagamat may lungkot sa mga mata m

