CHAPTER 5

1551 Words
Rain’s POV Lunes na naman, may pasok na naman sa paaralan. Maliligo na sana ako ng biglang tumunog ang aking cellphone. “Hello? Napatawag ka?” “Rain bad news. Absent ang grupo na dapat mag-pe-perform sa Flight Demonstration ngayon.” “Ano! Tayo na ang next doon ’di ba!” “Kaya nga eh. Nakaalis ka na ba ng bahay niyo?” “Hindi, hindi pa. Paalis pa lang. Bakit?” “Good! Magdala ka ng balabal.” “Scarf tapos?” “Kahit ’yon lang Rain ang dalhin mo. May iba naman ng costumes na pwedeng gamitin dito.” “Nakakainis, hindi na natin ulit ma prapractice.” “Huwag kang mag-alala, kabisadong kabisado naman ng purser ang line niya.” “Teka, bakit absent ang isang grupo? Baka bumagsak sila.’’ “Huwag mo na muna sila isipin, baka may emergency lang. Scarf ha, huwag mo kalimutang magdala. Kahit anong klaseng scarf, ’yon lang naman ang kailangan mong dalhin. Ako na ang bahala sa mga make-up na gagamitin.” “Oh sige sige. Hanap na ako ng scarf sa cabinet ko.” “Okay okay, see you.” Paalam niya at ibinaba na ang tawag. Kinalakal ko muli ang aking cabinet para makahap ng scarf. “Oh my, hindi naman pala ako nag-sca-scarf! Paano na ’to!” isasarado ko na sana na ang cabinet, ng mapansin ko ang nakalaylay ang dulo ng pulang balabal. “Yes!” hinatak ko ang pulang scarf at inilagay na sa aking bag. Naghanda na muli ako at nagpahatid na kay lolo dad sa university. “Oh ready na ba ang grupo?” “Ha? Tinext kaya kita mamshi Rain.” “Ha? Na ano?” “Humabol ang grupo nila Remy. Kaya sila na ang mag-pe-perform ngayon.” “Buti naman! Para naman hindi sila bumagsak. Strict pa naman ang proof natin.” “Sinabi mo pa. O paano next week na uli ang Flight Demonstration natin. See you around mamshi Rain.” “Sige, sige. See you around.” Talaga naman oh, pinapasok lang talaga akong maaga. Hays. “Teka nasaan na naman kaya ’tong si Shasha. Ay! May bulutong pala ang isang ’yon!” Hayss, mag-isa ako ngayon sa canteen, wala ang bestfriend ko eh. Hindi ko naman siya magawang dalawin dahil baka ako naman ang mahawaan, mahirap na. “Nakakalungkot naman, ibig sabihin halos isang buwan akong mag-isang kakain dito sa canteen.” Bulong ko sa sarili. Mabuti kung ka-year level ko si Maemae, edi sana may kasama ako ngayon. Talaga naman, ngayon pa na fourth year na kami sa kolehiyo ay tsaka pa talaga nagkabulutong si Shasha! Na miss ko rin ang siomai at shawarma rice kaya ’yon ang mineryenda ko ngayon hapon. Nang hindi kalayuan, nalingat ang mga mata ko sa kanang bahagi ng mga upuan. Walang ibang nakakaupo sa table na ’yon kundi sila Rumir at ang mga barkada niya lang. “Teka, nasaan kaya ang leader nila? Bakit kaya hindi nila ngayon kasama?” bulong na tanong ko muli sa sarili. Nakakapanibago lang kasi. Binihira ko lang kasi silang makita na hindi kompleto. Hindi ko na lang ‘yon masyado pang pinansin at tinuloy na lang ang pagkaing crave ko. “Nako quiz pala mamaya sa Tourism Law!” muntik ko pang makalimutan. Nako kailangan ko ulit mag-aral -- kahit pa kabisadong kabisado ko na. Pumunta ako sa library, pero maraming tao. Tsaka nandon pansamantala ang Science Club, baka chickahin lang ako ng mga ka-members ko, lalo na si Maemae. “Ahh, sa rooftop na lang ako para fresh air. For sure naman walang ibang tao doon.” Masaya kong tinahak ang daan papunta sa naibigan kong lugar na pag-re-review-han. Pagkarating, pwepwesto na sana ako kaagad, ng bigla akong may napansing ID lace sa sahig dito sa rooftop. “May tao rito kanina. Kanino kayang ID to?” “Teka kay Rumir to -- “ pagpulot ko sa ID, kasunod kong napansin ang isang lalaki, payapang natutulog sa likod ng tangke. Lumapit ako sa kaniya at lihim na pinagmamasdan ang kaniyang mukha. “Ang gwapo mo talaga, mas lalo na ngayon.” “Napakaputi pa rin ng balat mo.” “Tandang tanda ko pa rin ang napakatangos mong ilong.” Hindi ako makapaniwala sa ginagawa ko, na pinagmamasdan ko ang lalaking kinamumuhian ng halos lahat ng taong nandirito, ang aking kalaro noon, almost fourteen years ago na ang nakalilipas. Umihip ang malakas na hangin at bakas sa kaniyang mukha at katawan ang panlalamig. Dinukot ko ang aking pulang scarf sa aking bag at inilagay ’yon sa kaniyang katawan. Nang mailagay ko ’yon, napansin ko sa kaniyang mukha na komportable na siya ulit sa kaniyang mahimbing na pagtulog. “Sleep well, aalis na ako. Baka sabihin mo I’m invading your territory eh. Nakakahiya namang maabutan mo ako, dahil hindi mo na rin naman ako natatandaan.” Lumingat lang ako sandali sa kaniya at bumaba na sa ground floor. Pupunta na lang akong maaga sa next class ko. “Ms. Acosta! Kumusta ka iha.” “Okay naman po ma’am.” “Nako pasensya ka na Rain ha, pero pwede bang dalhin mo ang mga papel na ito sa kabilang building? Sa klase ng business management.” “Sige po ma’am.” Iniabot niya sa akin ng dahan-dahan ang mga papel. “Salamat Rain. Sumakit kasi bigla ang tuhod ko, eh may klase pa ako sa building na ’to.” “Nako, no worries ma’am. Maaga pa naman po ako para sa next class ko. Ako na pong bahala sa mga papel.” Nagpasalamat siya muli sa akin at lumakad na papunta sa kaniyang susunod na klase. Ako naman, tinahak na rin ang daan patungo sa pagdadalhan ng mga ipinasuyong papel. Paakyat pa lang ng baiting, napansin ko kaagad ang isang babaeng estudyante. Suot niya ang kulay berdeng hoddie jacket, aligagang aligaga. Pero hindi ko na masyado pinansin iyon, sa halip hinanap na lang ang guro na pagbibigyan ko ng mga papel na bitbit ko. “Hi Mrs. Soliman! Pinaaabot po ang mga papel na ’to sa inyo.” “Ay salamat Rain! ’Yan ang kanina ko pang hinihintay eh.” “Hehe, you’re welcome po ma’am.” Nagpaalam na ako sa gurong pinagbigyan ko. Bababa na sana ako ng hagdan, pero na curious na ako sa reaction ng katawan ng babaeng nakita ko kanina. Kanina, akala ko may kinakabisado lang siya, pero ngayon para naman siyang may hinahanap na, na tao. “Hmm, Ms.? May hinahanap ka bang guro o estud -- ” “K-kaklase ka ba ni -- “ mas lumapit pa siya sa akin, tumitingin tingin sa paligid, inoobserbahan ang aking mukha. “Okay ka lang ba Ms.? Gusto mo bang dalhin kita sa clinic?” pag-aalala kong tanong sa kaniya. “H-hindi. Hindi, hindi ko kailangan pumunta doon. Kaklase mo ba si -- Rumir?” lumaki ang mga mata ko dahil sa pangalang narinig ko. “H-hindi ko siya kaklase. But what about him?” “Pero kilala mo ba siya?” muli na naman siyang tumitingin tingin sa paligid, na kung iisipin ko ay mayroon siyang pinagtataguan. Dahan-dahan niyang dinukot ang maliit na nakatuping papel at inilagay sa kamay ko. “Pakisuyo, pakibigay ang papel na ’to sa -- kaniya. Pakiusap -- ko sayo.” Halos nangiyak ngiyak niyang saad sa ’kin. “Oh Rain! Buti at hindi ka pa nakaka-alis! Pwede pasuyo namang pakidaanan ’to sa registrar bago ka lumabas ng building.” “S-sige po ma’am Soliman.” “Salamat ulit Rain!” “You’re welcome po!” paglingat ko ulit patalikod, wala na ang babaeng kausap ko kanina lang. “Teka nasaan na siya?” pinilit kong humabol sa kaniya, pero kahit anino niya ay nabigo na akong makita pa. Habang pababa ng hagdan dala ang ilang papel na idadaan ko sa registrar, hindi ko maiwasang hindi tumingin sa papel na kakabigay pa lang sa akin ng babae. “B-baka girlfriend niya ‘yon.” Masama man, pero sobra akong nakakatukso na basahin ang nakasulat sa papel, lalo na’t wala itong seal o sobre na pinaglalagyan. Nakatupi lang itong simpleng simple. “Wala naman sigurong masama kung bubuksan at babasahin ko ang nilalaman ng sulat. Hindi -- hindi rin naman din niya siguro malalaman.” Kinuha ko ang nakatuping papel sa aking bulsa at tumigil muna sandali sa isang sulok para basahin ang nilalaman ng sulat. Rumir, Salamat sa pagligtas mo sa akin, sa muntik na paggahasa sa akin ng professor natin sa agham. Ngunit patawarin mo ako, hindi kita naipagtanggol, ni hindi ako nakapagsalita kung ano ang totoong nangyari. Patawarin mo ako Rumir, pinagtangkaan niyang ibabagsak niya ako. At may dalawa pa akong kapatid na lalaki na nag-aaral din dito sa unibersidad. Professor din nila sa ibang subject ang professor na gustong gumahasa sa akin. Patawad, gustuhin ko mang ilantad ang katotohanan pero ayoko ng madamay pa ang mga kapatid ko. Sana’y mapatawad mo ako Rumir. Maraming maraming salamat muli sa iyong taos pusong kabutihan. Patawad, Janine Nang mabasa ko ang sulat, wala na akong sinayang na oras pa. Dali-dali na akong bumaba sa building para idaan ang mga pinasuyong papel, at para na rin itanong sa registrar kung ano ang schedule ni Rumir dito sa university. Kailangan, kailangang kailangan niya ng mabasa kaagad ang nilalaman ng sulat!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD