Rumir’s POV
What a sh*t day of mine. Lagi na lang akong masama sa iba, kahit wala naman talaga akong ginagawang masama. Matatalino nga pero mga walang kwentang tao ang mga nandidito, parepareho lang sila, mga taong mapanghusga.
Sa lagi na lang naging eksena ko dito sa unibersidad, sa dami kong achievement na nagawa dito, bakit laging sa bad side na lang sila nakatingin sa akin.
Heto at nandito na naman ako sa deans office, kasama ng walang kwenta ’kong pamilya.
“Answer me Rumir! Pinakikinggan mo ba ako! Ano ba ’tong anak niyo Mr. Enrique, Mrs. Helena! Napapagod na ako sa batang ’yan!”
“Anak bakit mo nagawang suntukin ang professor na ’yon? Maling-mali ’yong ginawa mo anak.” Tanong ni mommy sa akin.
“Ano na naman ba ang pumasok diyan sa isip mo? Hindi naman kami nagkulang ng mommy mo sa pagpapaalala sayo!” saad naman ng halimaw na Montano sa akin.
“Pagpapaalala na ano Enrique? Na walang kwenta ako? Oo lagi naman ’yon, hindi ka naman nagkulang sa part na ’yon.” Taimbagang sagot ko sa kaniya.
“Hindi ’yan ang ibig ’kong sabihin.”
“Nako Mr. Enrique, kung hindi ko lang matalik na kaibigan si Roger at hindi niya sa akin inihabilin ’yang anak niya na ’yan, hindi ko na sana pagtitiisan pa ang tulad niyang batang basag ulo dito sa unibersidad!” galit na galit ang dean, ang mga officers sa akin. Anyway they don’t need my explanation, kasi bakit pa? Ayoko magsayang ng laway, hindi rin naman nila ako paniniwalaan at pakikinggan.
Sa sobrang ingay nila, hindi ko na sila marinig. Napapaisip pa rin ako sa kaklase ko, kung bakit hindi niya sinabi ang totoo.
Binastos ang kaklase ko ng aming professor. Nahuli ko sila noong nakaraan sa classroom sa sulok ng lumang building.
Naglalaro kami ni Lexter noon ng badminton. Sa kasamaang palad, pumasok ang badminton racket sa third floor ng lumang building sa lakas ng palo ni Lexter. Nakuha ko rin naman ’yon kaagad pero napatigil ako sa paghakbang pababa noong may narinig akong nagsalita mula sa sulok na classroom.
“Dalian mo na. Huhubarin mo ’yang uniporme mo o hindi?“
Nakita ko siyang takot na takot. Kukuhanan ko pa nga sana siya ng litrarto dahil sa kababuyan ng ginagawa niya pero naiwan ko ang phone ko kay Lexter.
Naghintay pa ako no’n ng ilan pang mga minuto, para na rin matiyak kung tama ba ako ng narinig at hinala kahit na tama na ang aking kutob. Kilala ko kasi ang professor ko na ‘yon, magaling magdahilan kaya kailangan kong makasigurado.
Noong binuksan na niya ang kaniyang sinturon, hindi na ako nagdalawang isip at agad doong sumugod para paulanin siya ng mga suntok ko.
Pero sa kabutihan kong nagawa, ako pa pala ang napasama. Ako pa ang dinudurog durog ngayon ng magagaling naming professor at mga dean. Hindi ko alam kung bakit hindi sinabi ng kaklase ko kung ano ba talaga ang naging nangyari. Ayoko naman na mag-witness si Lexter, dahil baka mamaya, siya na naman ang pagpyepyestahan ng mga dean dito.
At isa pa ’tong si Enrique, bilib rin ako sa kakapalan ng mukha niya. Kapatid ni Enrique ang aking ama, si Roger. Hindi ko lubos maisip kung bakit niya nagawang agawin ang asawa ng kapatid niya. Tapos ngayon, ipapakita na naman niya na kung hindi dahil sa kaniya ay isusuka na ako sa paaralang ’to. What a fame w***e!
Kung tutuusin, ayoko naman na sanang mag-aral pa. Kasi bakit pa ’di ba? Masamang masama na ang tingin ng pamilya ko sa akin, ano pa kaya sa unibersidad na ’to?
Salamat na lang talaga sa pangalawang pamilya ko, or should I say, ang totoong pamilya na mayroon na lang ako ngayon. Sila Chris, Allen at Lexter, ang aking mga kababata at matatalik ’kong kaibigan. Sila na lang ang nagpupumilit sa akin, dahil kahit mismo sarili ko, sinukuan na ako.
Patuloy pa rin ang pagdidiskusyon dito sa dean’s office. Kung sila gusto nila magsayang ng oras, pwes ako, ayaw ko. Tumayo ako sa pagkakaupo at kinuha ang aking bag.
“Bakit mo kinukuha ang gamit mo. Where are you going Rumir! Kinakausap ka pa namin ng mga dean dito!”
Lumabas na ako sa office ng dean. Bahala na sila. Total magaling naman magmakaawa at magpasikat si Enrique, pwes tindigan na lang niya.
Paglabas ng university, tumambay muna ako sa coffee shop malapit dito sa school. Gusto ko na muna mapag-isa at ng mapag-isip.
Pero napansin kong papalapit ang siraulo at super close kong kababata, si Tina. Kwinento ko rin sa kaniya ang nangyari earlier.
“Alam mo Rumir, bigyan mo ng trophies at medal ’yang si Enrique dahil sa kakapalan ng mukha niya. At ang professor na ‘yon, hayaan mo. Mauubus lang ang lakas mo do’n.”
“Haha, ’di bale papagawa ako mamaya at isasabit ko sa kaniya. Ikaw, kumusta ka naman Tina?”
“Hmm, ito, living in a nightmare’’.
’’Huh?’’
’’Sila mommy, gusto nila ako ipakasal sa ka-business partner nilang Chinese. What the heck ’di ba.”
“Sounds bad. I really feel bad for you. Anyway, may boyfriend ka na ba? Napakadalang na kasi kitang makita.”
“Nang-iinsulto ka ba? Hmm. Hindi kasi ako nagkakajowa kaya ‘yon, todo reto sila sa ’kin. At ito na ang pinakamalala, ipapakasal nila ako sa lalaking ni hindi ko nga kilala ang pangalan!”
“So it means kapag nagkaboyfriend ka na ay mapuputol na ’yon? Ititigil na nila ang pagrereto sayo?”
“Hmm. Sort off?”
“Oh edi ’yon ang gawin mo!”
“Eiii, ayoko.”
“Edi magdusa ka sa lalaking ipapakasal sayo! Sa taong hindi mo pa nga kilala ang pangalan, haha.” Napabuntong hininga siya sa sinabi ko.
“Goddamn Rumir. Kinasusuklaman ko ng sobra-sobra ang mga magulang ko. They don’t know how to respect me, not even a little. Jez.”
“Eh paano pa ako? Huh, Tina?” buga kong usok mula sa sigarilyo sa kaniya.
“Hmm. May naisip na akong paraan. A-actually naisip ko na ’to dati pa. Pero baka ngayon lang talaga ang right time, kasi ngayon na lang kita ulit nakita hayop ka.”
“You are insane Tina -- “
“Patapusin mo muna ako.”
“Alam ko na sasabihin mo.”
“Kung alam mo na, papayag ka ba Rumir?”
“Again that is insane Tina, bakit kasi hindi ka na lang magboyfriend? Ng totoo? Bakit pa kailangang magkunwari ka? Ha?”
“Ehh -- kasi ano -- “
“Oh Rumir kumusta! Ngayon lang kita ulit nakita ha.” Pangungumusta ni Alex sa akin, ang best friend ni Tina.
“Pasensya Rumir ha, pero fifteen minutes na lang kasi at exam na namin sa Calculus. Tara na Tina?”
“Update mo ’ko sa magiging sagot mo ha, hindi naman kita minamadali Rumir.” Huling sambit niya at lumabas na siya sa coffee shop kasama ang kaniyang best friend.
May klase pa ako sa alasingko. Dahil sa nangyari kaninang umaga, nawalan na ako ng gana. Tatambay na lang muna ako sa favorite hide spot ko.
Dito ako madalas sa rooftop ng university, lalo na kapag pinag-iinitan na naman ko ng pamilya ko, ng mga estudyante at officers dito, ng napakamasalimuot at napaka-unfair na mundo.
“Hmm, kailangan ko pa bang mag-aral talaga? Kung huminto na lang kaya ako? Kasi tulad ng laging sinasabi ko, para saan pa ’di ba. Para kanino pa.”
“Wala naman akong natitipuhang babae, tsaka wala na rin naman akong planong mag-asawa pa. Ayoko namang dalhin ng magiging anak ko ang kahihiyan ng mga Montano. Ayaw ko. Ayaw kong maranasan ‘to ng magiging anak ko.”
Dahil sa sama ng loob, kinuha ko ang aking ID lace at binalibag sa sahig.
Hindi ko maiwasan na hindi kausapin ang sarili ko. Hindi ko kasi alam kung bakit naging ganito ang naging takbo ng buhay ko. Kung bakit ako nasa sitwasyong ganito, na hindi ko maramdaman na maging masaya ako, na maging buo ako.
“Nako makatulog na nga lang.” Nilagay ko ang aking bag sa aking uluhan. Inilagay ko na rin ang headset sa aking tainga at humiga na. Dahan-dahan ko ng ipinikit ang aking mata para pansamantalang makatakas sa mundong mapanghusga.