CHAPTER 3

1498 Words
CHAPTER 3 Rain’s POV Fourteen years ago … “Aray! Ang sakit naman!” “Hala bata okay ka lang ba? Nako may sugat ka!” “Sorry but don’t come any closer to me, I don't talk to strangers.” “Okay okay. Pero hayaan mo munang kunin itong panyo ko, pantapal mo diyan sa sugat mo sa tuhod.” “Pero sayo ’yan eh. Baka hanapin ng mommy mo.” “Okay lang ’yan, sabihin ko na lang na nawala ko. Takpan mo na para tumigil ang bleeding. Teka ako na nga ang gagawa, hindi ka naman marunong eh.” Kinuha niya ang panyo sa kamay ko at siya na mismo ang tumapal sa sugat ko. “T-thank you.” “May masakit ba sayo bukod sa sugat mo?” “W-wala naman.” “Sa susunod huwag ka ng mag-mo-monkey bar dito. This is designed for adult kaya medyo mataas ang pagkakabagsak mo. Nakikita mo ba ang slide na ’yon? Nandoon ang monkey bar na para sa mga bata, para sa edad natin.” “S-salamat ng marami sayo.” “O paano doon na ako, ayaw mo ako kalaro eh. Tsaka stranger ako, di ‘ba?” “Nagtatampo ka ba?” “Bakit naman ako magtatampo?” “Eh kasi kapag ganiyan ang tono ng pananalita ko kay lolo dad, nagtatampo ako eh.” “H-hindi ah. O sige na a-aalis na a-ako.” “Sus tampo ka naman eh! Anyway, you can call me Riri.” Sambit ko sa kaniya pero tinititigan niya lang ang mukha ko. “Hey. Ang sabi ko, you can call me Riri. Bakit ganiyan ka makatingin sa ’kin? May dumi ba ako sa mukha?” “W-wala naman. Nakakagulat lang kasi -- kinakausap mo na ’ko. Madalas kita makita dito sa park pero pataray ka lagi. Umiiwas ka rin sa ’kin, lalo na kapag naglalaro na ako malapit sayo.” “Sorry, nagbilin kasi ang lolo dad na huwag basta basta kumausap sa stranger kaya gano’n ako. I’m sorry, my hero.” Huminga muna siyang malalim bago ulit magsalita at inaangat ang kaniyang kanang kamay. “M-my name is Ru -- “ “Ruru! Tara na at anong oras na!” naagaw ang attention namin sa sumigaw. “Nako, nandiyan na ang sundo mo -- Ruru.” Ngumiti siya sa akin ng marinig niyang binaggit ko ang pangalan niya. “Eh ikaw, anong oras ka pa susunduin ng mommy mo?” “W-wala na akong mommy.” “I’m sorry, hmm. Daddy?” “Wala na rin. Si lolo dad ang magsusundo sa akin dito.” Biglang naging malungkot ang mukha niya at hinawakan ang kamay ko. “Huwag kang mag-alala Riri, lagi mo na akong magiging kalaro dito. Magkita na lang tayo sa susunod na Sabado.” “Sige, hihintayin kita, Ruru.” Lumakad na at sumulyap siya sa akin bago pumasok sa sasakyan. Kumakaway siyang nagpaalam, hanggang sa hindi na siya maabot ng mga paningin ko. “Mula sa araw na ’to best friend na kita, Ruru.” Bulong ko sa sarili habang hawak-hawak ang panyo na binigay niya na nakatapal sa tuhod ko. May sugat man akong natamo dahil sa pagbagsak ko kanina sa monkey bar, masaya pa rin akong nag swi-swing habang hinihintay ang pagsundo sa ’kin ni lolo dad dahil mayroon na akong best friend at laging kalaro dito sa park. Napakabagal ng takbo ng oras at naiinip na akong dumating muli ang araw ng Sabado, para ulit makapaglaro sa kaniya. Lumipas ang araw, magkikita na naman kami. Ang pinakahihintay ko, mag-pa-park na naman ako! “Nako, nakalimutan kong dalhin ang panyo niya! Paano ko masasauli ’yon! Sa susunod na Sabado na nga lang ulit.” Minuto ang umikot, wala pa rin siya. Tatlong oras na, hindi ko pa rin siya makita kahit ang kaniyang anino. At nakakalungkot dahil hindi lang isang beses kami na hindi nagkita. Halos isang buwan akong naghihintay sa kaniya sa park, pero hindi ko naman siya mahagilap. “Ayaw niya, ayaw na niya siguro akong maging kalaro.” Saad ko sarili habang nakahiga sa slide. “Sinong ayaw makipaglaro sayo?” “Ruru!” yumakap ako sa kaniya ng napakahigpit, na kahit maging siya ay nagulat siya sa aking ginawa. “N-namiss mo ako, Riri?” “Tuwing Sabado kita hinihintay rito, bakit ngayon ka lang!” “Namimiss ako ng crush ko!” “C-crush mo ako -- Ruru?” “H-ha? Ano? Sinabi ko ba ’yon? Siya nga pala, may dala akong pasalubong para sayo, doon muna tayo sa nipa hut.” Inilabas niya ang nilalaman ng kaniyang paperbag. “May Jollibee rin akong dala bukod sa chocolates.” “Wow, bakit ang dami mong dalang chocolates?” “Birthday kasi ng tito ko. Sa Japan siya nakatira kaya pumunta kami roon. I’m sorry Riri, hindi ako -- nakapagpaalam sayo -- bago ako pumunta doon.” “Okay lang ’yon, atleast kasama na kita ngayon, Ruru.” Nginitian niya akong napakatamis, sinuklian at tinumbasan ko rin naman ’yon. Naglaro kami ng naglaro na kung aakalain mong wala ng bukas. Slide dito, slide doon. Akyat dito, akyat doon. Naghabulan rin kami at naghide and seek. “Pahinga muna tayo Riri. Teka wala kabang bimpo?” “Hmm, dala ko ’yong panyo mo.” “Oh punasan mo ’yang pawis mo.” “Ayoko, isasauli ko nga ’to sayo eh.” “Sayo na ’yan Riri, gamitin mo na ’yan.” “Ayaw ko nga gamitin. Ayaw ko nga na nadudumihan ko ’to eh.’’ “O sige kung ayaw mo, itong pulang scarf na lang ang ilagay natin diyan sa likod mo.” “O sige!” isiniksik niya ang pulang scarf sa likuran ko. Ang thoughtful naman ng best friend ko! “Kumain na tayo Riri.” “Oo nagugutom na rin kasi ako.” Inilabas niya sa paper bag ang mga pagkain. Mas naramdaman ko ang gutom dahil sa amoy ng fried chicken at yum burger ng Jollibee! “O bakit ka natatawa Riri?” “Wala lang.” “Bakit nga?” “Ruru, para ka kasing nakikipagdate sa ’kin. May pagkain, may chocolate. ’Yong kasambahay namin, nagkwekwento sa akin ng mga ganito eh.” Siya naman ngayong ang ngiting ngiti sa akin. “Pero ’di ba Ruru, for adults lang ang date?” “O-oo, Riri.” “Ang sarap ng food! Teka buksan ko na itong Toblerone ha!” “Pero, Riri -- “ “Hmm?” saad ko habang ngumunguya na. “Pwede na ba kitang i-date kapag malaki na tayo?” napatitig ako sa sambit niya, at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya. “Ruru -- “ “Wow enjoy na enjoy niyo ang picnic date niyo ha.” “Mom.” Sambit ng kasama ko sa mistisang babae na lumapit sa amin. “Mom, si Riri pala. Riri, meet my mom.” “H-hello po.” “Talagang ini-enjoy niyo na ang huling bonding niyo ah.” Ha? Huling bonding? “What did you say mom?” kunot noong usal niya. “Oh bakit hindi pa ba nasabi ng daddy mo sayo?” “Na alin?” “Son, flight na natin mamaya.” “Papunta saan?” “Doon na raw tayo sa tito mo. Ang daddy mo, gusto niya na sa Japan muna tayo tumira.” Parang gusto na lang umiyak sa narinig. Kahit siya ay nagulat rin sa sinabi ng mommy niya. “I’ll give you another five minutes to say good bye sa bestfriend mo.” Lumakad na siya paalis. “A-aalis ka na pala, Ruru?” dahan-dahan ng namumuo ang luha sa ’king mata. “I -- didn’t see this coming. I’m s-sorry Riri, hindi ko alam na -- “ “O-okay lang, sa s-susunod na panahon na lang uli tayo -- maglaro.” Tumulo na ang luha ko, dahil sa pagkabiglang ito na pala ang huli naming pagkikita. “N-ngayon ko lang nalaman na lilipat na kami ng bahay at -- talagang malayo pa sa lugar na ’to.” Tuloy-tuloy na ang pagpatak ng mga luha ko, maging siya sa kaniyang kinatatayuan. “Teka baka maiwan mo na naman ang pulang scarf na ’to sa ’kin.” “Sa iyo na ’yan, Riri. Para sayo talaga ’yan.” Sa mabilis na pangyayari, humalik siya sa labi ko. Nagulat ako sa ginawa niya, pero napayakap na lang akong mahigpit sa kaniya dahil sa nangingibabaw na lungkot. “Mag-iingat ka doon, Ruru. Hihintayin kita.” “Ikaw din girlfriend ko.” “G-girlfriend?” “Oo, nahalikan na kita eh.” Muli siyang yumakap sa akin, hanggan sa nawala na siya sa paningin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD