CHAPTER 2

1493 Words
Rain’s POV Katulad ng araw-araw na ganap ko dito sa unibersidad, kasama ko ngayon ang members ko sa org club. “Maemae, kumusta naman ang organizational plan natin? Okay na ba? Hindi ka naman ba masyado na stre-stress? Busing busy kasi talaga tayo lately eh. Napakaraming ganap this week. ” “Ate Rain, ako pa ba? Syempre kayang kaya ko ’to! Kayang kaya natin ’to no! Magaling po ata ako sa time management, hehehe.” “Wow, that’s the spirit Maemae! Handang handa na talaga ang Vice President ko na maging President ah!” sa tanghaliang asaran namin ni Maemae kasama ang ibang miyembro, at sa dami ng aming ginawang pag-aayos sa org club, hindi na na namin napansin ang napakabilis na oras sa buong maghapon. “Natapos din sa wakas! Maemae tingnan mo, ano maganda ba itong stands na nagawa ko?” “Oo ate Rain, maganda ang pag-match ng red and black. Dugong UP talaga.” “Hahaha, syempre naman. Oh ano ’yang hawak mo na papel? Ano ’yang mga nasa ibabaw ng lamesa mo? Kanina ko pa ’yan napapansin eh. Thesis papers ba ang mga ’yan?” “Ay pinapaayos lang po sa ’kin ng isang professor. Pinasuyo niya po sa akin eh. Hindi na raw po niya kasi kaya ang stress sa mga students na ’to. Pakiramdam niya raw ay mas lalo lang umiikli ang buhay niya.” Pinakita niya sa ’kin ang papel na naglalaman ng mga pangalan - - mga pangalan ng mga estudyanteng nakakasakit at nakakasira ng ulo sa aming unibersidad. “Hmm. Kawawa naman si Ms. Dela Cruz. Wala eh gano’n talaga, may mga pasaway na nakalusot eh. Mabuti na rin ’yan at matutulungan mo siya. Bilib talaga ako sa kasipagan mo Maemae! May super power ka yata!” “Nako kung hindi lang po ako naaawa sa professor ko, hindi ko na sana gagawin ’to. Lalo na, na mga basag-ulo ang mga nagmamay-ari ng mga papel na ‘to. Hays ate Rain! Ayoko magka-wrinkle ng maaga no!” “Hahaha, loko ka talaga Maemae! Okay lang na ma-stressed out at malungkot basta balance lang. Basta ang trabaho dito sa school, dito lang. Kaya ang stress, huwag dadalhin sa bahay okay?” “Okay ate Rain. O sige po, mauna na po kayo at baka nasa labas na po ang lolo dad niyo.” “Sige sige Maemae, mauuna -- “ napatigil ako sa pagsasalita ng makita ko ang ibabaw na papel sa lamesa ni Maemae. Isang pangalan -- isang pamilyar na pangalan. “Ru -- Rumir Excel Montano?” “Hays nako ate, huwag ka ng magulat pa. No wonder why kung bakit ang papel niya ay nandidito na naman. Kaninang umaga ay may away kaagad sa field at kasangkot siya doon. Wala silang pinagkaiba ni Patrick.” “Si Patrcick, alam ko talaga ang ugali no’n. Pero si Rumir, baka pinag-initan lang siya.” “Pinag-initan? Mahilig lang rin talaga sa gulo ’yon ate.” “Malay mo may deeper reason siya kung bakit gano’n ang behavior niya.” “Grabe ate Rain, edi ikaw na ang may malawak na pag-unawa. Sana gano’n din ang dean ng university, nauubusan na kasi sila eh.” “Ha? What do you mean?” “Bukod sa umagang gulo kanina sa field, may sinuntok din na professor si Rumir sa kabilang building noong nakaraang araw.” “B-baka may dahilan din siya kaya niya nasuntok ang prof niya.” “Grabe solid talaga ang pagtatanggol mo sa kaniya ate ha.” “Hindi naman sa gano’n Maemae. I mean, oo sinuntok niya ang professor pero we don’t know the reason behind. Hindi pa natin alam ang side niya.” “Well, you have a good point din ate.” “O paano, una na ako Maemae ha. Hinahabol ko pa kasi ang thesis ko. Huwag na masyado magpagabi at mag-iingat ka pauwi!” saad ko sa kaniya at lumakad na palabas. Bakit gano’n, nakakaramdam ako ng kakaibang lungkot para sa binata? Ni hindi niya nga alam ang pangalan ko? “Saan na kaya si lolo dad?” matyaga akong ngayong naghihintay dito sa waiting shed. Nang hindi makalayuan, napansin ko ang mabilisang pagkumpulan ng mga tao. Nakita ko ang nakaka-awang lalaking estudyante. Teka si Patrick, may kinakawawang freshman! “Patrick! Nasisiraan ka na ba ng ulo!” dali-dali akong humarang sa nakaka-awang bata. “Woah. So super hero na pala ngayon ang baby loves ko?” “Baby loves your face!” sigaw kong malakas sa pagmumukha niya. “Matapang talaga ang baby loves ko, kaya gustong-gusto kita eh.” “Pwes ako, kahit kailan hindi kita magugustuhan! I would never adore such a person like you!” Since freshman, kinukulit na niya ako. Oo nakapasok siya sa university dahil matalino siya. Pero when it comes to attitude and proper etiquette to be a good student, bagsak na bagsak siya! “Okay ka lang ba? Wala bang masakit sa ’yo?” pag-aalala ko na tanong sa batang freshman at muling humarap sa halimaw na si Patrick. “Ano bang ginawa niya para magalit ka ng ganiyan sa bata ha!” “Did you see this lovely white shoes I wear now? This is exclusive and expensive Jordan Dior. Kung hindi mo alam kanina, atleast ngayon alam mo na. Nakikita mo ’yang sauce ng fishball?” “Iyon lang ang kinagagalit mo? Pwede mo namang labhan ’yan at magiging -- “ “HUH! What the heck are you talking about! Ayokong gasgasan ‘tong limited shoes ko! Eh kung matino lang sana ’yang pinagtatanggol mo! Is he even thinking? Bakit naman sa daan kumakain! Hindi ko alam kung nasaan ang utak niya para makapasok sa university na ‘to! Goddamn it!” gigil na saad niya at napayukom ng kaniyang mga kamay. “Oo may pagkakamali ang bata, pero sana naman! Sana naman mas pinili mong intindihin siya. Hindi naman niya sinasadya!” “I would forgive that freshman if he lick my shoes.” “What the heck did you say? Are you even human!” lumaki ang mga mata ko sa narinig, mas lalo lang kumulo ang dugo ko sa lalaking ’to! “Tara na boy, hayaan mo na lang ang brat na ’yan.” Bulong ko sa kaniya at inakay na palayo sa nagkukumpulang tao. “Makakalusot ka ngayon bata, pero sa susunod na patanga tanga ka, hindi na. Tandaan mo ’yan!” sigaw niya sa amin habang naglalakad na papalayo. Hindi na lang namin siya pinansin pa. “A-ate, salamat po -- ha.” “Ano ka ba, walang anuman. Sa susunod, umiwas ka na lang sa kaniya okay?” “O-okay ate Rain.” Bigla ako napatitig sa kaniya dahil sa binanggit niya ang pangalan ko. “K-kilala mo ako?” “Opo, kayo po ’yong magaling na President sa Science club. Mag-jo-join po ako next week sa event po.” “G-good to hear!” “Para maging proud din po ang kuya kong doctor sa akin.” “I assure you, magiging proud na proud siya sayo.” “Kuya Noah!’’ sambit niya ng makita na ang asul na sasakyan. ’’Nandiyan na po si kuya, ate Rain. Siya po ang sundo ko ngayon.” Lumabas naman kaagad ang lalaki na tinutukoy niya. “Kuya.” “Hi bunso! O kumusta naman ang araw mo?” tumingin tingin siya sa akin, na para bang naghihinay ng approval kung sasabihin niya ba sa kuya niya ang nangyari, ilang minuto pa lang ang nakalilipas. “O-okay naman kuya, hehe.” “O bakit mukhang pagod ka? Pawis na pawis ka eh.” “Sumaglit po ako sa football training k-kuya.” Tumingin siya sa akin uli. “Ate Rain, si kuya Noah ko po pala, ang doctor po namin sa pamilya. Kuya Noah, ito naman po si ate Rain, ang President ng sasalihan kong organization sa susunod na linggong event. Siya po ’yong madalas kong ikwento sa ’yo.” Pansamantala niya akong tinitigan bago siya nakapagsalita. “Nice to meet you Rain.” Nakipagkamay kami sa isa’t-isa. “Likewise, Dr. Noah.” Masayang saad ko naman sa kaniya. “Please just call me Noah. O paano? Mauuna na muna kami at dederecho pa ako sa duty.” Sumakay na sila sa asul na sasakyan at masayang kumaway sa akin paalis ng unibersidad. Mga ilang minuto pa akong naghihintay kay lolo dad dito sa waiting shed. Mula sa malayo, nakita ko na naman si Rumir. Dito pala naka-park ang big bike niya. Bakit ba lubusang nagagambala na naman ang pagkatao ko ng lalaking ito? You should be my past memory, dahil matagal -- matagal na tayong walang connection.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD