CHAPTER 1

1770 Words
Rain’s POV “Eyy! I miss you Shasha Adelle Salamanca!” “I miss you more, Rain Ann Acosta!” Pasukan na naman at huling taon na sa kolehiyo. Mamimiss ko talaga ang pag-aaral lalo na ang unibersidad na ’to! “Mamsh, grabe ang bilis ng panahon. Dati, dugyot lang us. Pero tingnan mo naman tayo ngayon, lalo ka na! Pak! Bloom na bloom! Parang pang Ms. Universe sa ganda! ’Yong totoo ’te, may lahi ka bang bombay dahil sa kutis mong morena plus napakakinis pa? Balbon at mahaba pa ang pilik mata! Sana all na lang! Sana all!” “Baliw, ewan ko sayo! Hahaha!” “Bff, kita na lang tayo mamayang college break ha. Pasensya ka na, late na kasi ako sa first subject ko!” “Hahaha, wala namang bago Shasha. Hindi naman nakakagulat ang bagay na ’yan sa ’yo. Huling taon na, last minute ka pa rin talaga!” “Che! Edi babawi na lang ako sa last sem! Hahaha! Oh paano, akyat na ako ha!” bumeso lang siya sa pisngi ko at tumakbo na ng mabilis paakyat ng hagnan sa gusali. Kung siya, seven am pa lang ay may klase na, ako naman ay mamayang nine am pa. Minabuti ko na lang muna talaga na maging maaga, para makapag-ikot ikot na rin dito sa campus. “Hmm, saan naman kaya maganda pumunta ngayon? Saan pwede tumambay? Ahh, daan na lang muna ako sa library, nandoon naman na siguro si Maemae.” President ako ng Science Organization Club namin dito sa UP. Pansamantala na nasa library muna kaming namamalagi dahil sa inaayos pa ang aming Science Organization Room Club. Paalis at pa-graduate na ako ng unibersidad na ito kaya ang Vice President na si Maemae ay sinasanay ko na. Lower year siya sa akin, at parehas kaming nasa kursong Tourism Management. Palakad na sana ako sa direction ng entrance, pero narinig ko ang isang sigaw -- isang napakalakas na sigawan. Tumingin-tingin ako sa paligid, at napansin kaagad kung saan napukol ang attention ng mga estudyante. At tama nga ako ng hinala, na nasa football field ang pinagmulan ng malakas na hiyawan. “First day, riot agad? Hindi ba pwedeng bukas o next week na lang muna ang panggugulo nila? Naman talaga ohh. First day ng first semester pa naman din, pero gulo na kaagad ang ibinungad nila sa paaralang ito.” Imbis na tulungan at awatin ng mga ka-fellow students ko dito ang mga nag-aaway sa field, hinayaan lang nila ang isang kaawa-awang binata, habang pinagtutulungan ng tatlong lalaki. Napatakip ako sa bibig ko, dahil sa binatang nakita ko. “Nako si -- si Rumir Excel Montano. B-bakit kaya siya pinagtutulungan?” Naging kaklase ko na minsan si Rumir sa Ecomics, last semester ata ‘yon kung hindi ako nagkakamali. Okay naman siya kung tutuusin sa klase. Pero bakit kaya siya pinagtutulungan at pinag-iinitan ngayon? Kaawa-awa ang kaniyang kalagayan, dahil pansin ko na rin ang ilang mga pasa sa kaniyang mukha at bahid ng dugo sa kaniyang damit. “Puntahan ko kaya siya.” Bulong sa sarili habang nasasaksihan ang mainit na umagang gulo dito sa field. “Nako, buti lang ’yan kay Rumir. Balita ko, mayabang talaga ’yan.” Dinig ko sa lalaking hindi kalayuan. Bakit gano’n? Bakit may mga tao na mabilis talaga maniwala sa mga bali-balita? Papalapit na sana ako sa binata, pero sa bilis ng isang iglap, dumating naman ang tatlo niyang mga kaibigan –- sina Lexter, Chris at Allen. Nilapag nila ang kanilang mga dalang bag at dumaretsong sumugod na kaagad, para resbakan nila ang kawawang kaibigan na si Rumir. Imbis awatin na nila at ilayo ang kanilang kaibigan, talagang gumanti pa sila kaagad sa tatlong bumugbog sa kaniya. “Para silang mga lion kung mag-away at magsakitan. Ano ba na naman kasi ang pinagtalunan nila.” Dagdag ko pang bulong sa sarili. Ilang mga sandali, dumating na rin ang mga staff at guards para tuluyan ng mahupa ang gulo. May mga lumapit naman kay Rumir na medic, para gamutin na rin kaagad ang mga natamo niyang sugat sa mukha, maging ang mga pasa niya sa kaniyang katawan. Nagtangka na muli akong lumapit sa kaniya para kumustahin siya pero biglang may humablot sa aking kamay, dahilan kung bakit ako napatingin sa aking likuran. “Ate Rain! Nandito ka na pala sa school!” “Oh Maemae!” tiningnan niya ako, ng parang may ginawa akong mali. “A-ano sana ang -- gagawin mo ate? P-pupuntahan mo ba sana ’yong lalaking binugbog?” “Ahh, oo -- sana. Kukumustahin ko lang.” “Nako ate, huwag na huwag kang lalapit sa lalaking ’yan.” Bigla naman napakunot ang noo ko sa sinambit niya. “B-bakit naman Maemae?” “Ate anong bakit? Halimaw ang lalaking ’yan.” “Sino naman ang nagsabi niyan sa ’yo?” “Hmm. N-narinig ko lang minsan.” “See, narinig mo lang. Please don’t judge kung hindi naman natin kilala ng lubusan ang isang tao.” “Okay, okay ate Rain. Bilib din ako sa klase ng kabaitan mo eh no!” “Hindi naman ’yon tungkol sa pagiging mabait Maemae. Sige, let’s make it this way. Paano kung ikaw naman ang hinihusgahan kahit hindi ka pa kilala personally? What will you feel then?” “Hmm. Syempre -- magagalit.” “Ohh see. Ganiyan din ang mararamdaman niya. Marami ng taong mapanghusga, sana huwag na tayo dumagdag sa ganoong klaseng tao kung kaya naman nating umintindi at huwag maging toxic.” “Solid, isa ka talagang uliran ate Rain. No wonder kung bakit binoto ka bilang Presidente eh!” “O siya tara na at umakyat na sa library, marami pa tayong gagawin.” Sumulyap na lang ako sa binata at umalis na sa field. Matapos ang isa’t kalahating oras sa library kasama si Maemae at klase mula nine to one pm sa Tour Guiding, sumapit na rin ang college break. “Oh bff!” “Oh Shasha! Sige na, kumuha ka na ng pagkain. Dito lang muna ako sa table, baka mawalan na tayo ng lamesa kung aalis pa ako eh.” “Oh sige pila na ako -- “ “Wait, kunin mo muna itong two hundred.” “Luh, ililibre mo ‘ko!” “Oo, oh sige na. Pumila ka na ng ma-enjoy na natin ang first college break natin this sem.” “Thank you so much bff!” pumili na siya, dala ang kaniyang coin purse at masaya niyang mood. Habang hinihintay ang kaibigan, nag-scro-scroll down muna ako sa sss at kumakagat ng aking sandwich. “This is for me, monggo, friend chicken and two rice! And this is for you, Delight fiber drink!” “Baliw ka talaga, bakit mo pa ako binilhan ng drinks? Two hundred na nga lang muna naabot ko sayo eh.” “Rain? Sobra na nga ‘tong bigay mo. Tsaka nakuha ko na rin ang buong allowance ko. Bff, ’yong totoo? Paano kita mapasasalamatan? Kung hindi dahil sa tulong ng lolo dad mo, wala ako ngayon sa paaralang ito. I mean oo, matalino nga ako pero wala akong pera. Pero dahil sayo at lolo dad mo, heto ako ngayon at magtatapos na.” “Hey Shasha, you received that help because you deserve it, okay? I, especially lolo dad weren’t required you to give back. Masaya na kami na magtatapos ka, lalong-lalo na ako as your bestfriend.” “Hays the best talaga kayo! Basta Rain kapag grumaduate na tayo, kunin mo na lang ako bilang assistant mo ha!” “Sure, bakit naman hindi Sha -- “ Naputol ang aming pag-uusap dahil nabaling na ang attention namin, sa apat na lalaking pumasok sa canteen. Umupo sila sa bandang dulo, pero maliwanag pa rin sa amin ang kanilang mga mukha. “The FBB.” “Anong sabi mo Shasha?” kunot noo kong tanong sa kaniya. “The FBB. The Four Bad Boys.” “Shasha?” “Oh alam ko na tinginan mo na ganiyan, kabisado na kita. Don’t. Judge. The person. If you don’t. Know. Them. Personally.” “Oh alam mo pala eh.” “My dear friend, bakit ba pinagtatanggol mo ang mga ganiyang klaseng tao?” tanong niya habang nagsisimula ng kumain. “Hindi naman sa gano’n Shasha.” “Sorry, but I need your reasons friend.” “Sige. What if may problem lang sila behind, na hindi lang natin alam? Or kung wala man, paano kung ganoon lang talaga ang way of expression nila? Huwag naman natin kontrolin ang mga bagay na tulad ng ganiyan. Let them live the way they want.” “Hmm. Deeper pa. Deeper reason pa. Kasi look, tingnan mo naman ang itsura nila lalo na si Rumir na leader nila. May tattoo, piercing and tingnan mo ang buhok niya! Tingnan mong maigi bessy, napaka-messy! Ano naman ang what if mo sa kanilang leader, aber?” napabuntong hininga ako sa mabigat na karagdagang tanong ni Shasha sa akin. “What if kung nasaktan na siya sa buong buhay niya, kaya pati mismong sarili niya, sinukuan na siya. Paano kung sumasabay na lang siya sa alon ng buhay niya ngayon? Paano kung kulang lang siya sa suporta? Pag-iintindi? Pagmamahal? Kaya ganoon na lang ang itsura niya ngayon? And does he kills anyone here? Wala naman ‘di ba? Sa katunayan, for the record. Siya pa nga ang representative ng school natin sa Annual Business Colloqium. At every year, nakukuha nila ang trophy, nilang apat. They never failed our school. It’s us, the students who failed to judge them wrong.” “Wo -- woah.” “Ang unfair lang Shasha, kasi they brought success to our school. Imbis na igalang at intindihin na lang sila, hinusgahan pa. They don’t deserve it -- he don’t deserve criticism like this.” “S-saan -- ka humuhugot ng ganiyang klaseng pag-iintindi friend.” Inilapag ko ang aking sandwich at tiningnan ang apat, lalo na ang lalaking leader ng grupo nila. “Rain -- what the heck. Utang na loob, anong ginagawa mo -- huwag mo salubungin ang tingin -- ang tingin ni Rumir!” ramdam ko ang kamay niya sa braso ko, pinipigilan ang ano man ang ginagawa ko. I know and I still truly believe. Mabuti siyang tao dahil iyon, iyon ang pintig at naramdaman ng isip ko, ng puso ko, para sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD