Rain’s POV
“Tingnan mo, nakakaloka talaga ’to si ate Rain oh. Noong nakaraan, bad trip na bad trip siya. Ngayon naman, napaka-good mood na. ’Yong totoo ‘te Rain? May ganap ka na ba ngayon ha?”
“Oo nga ate Rain, ano bang mga ganap mo ngayon? Hahaha!”
“Nako tigilan niyo ako ha, kaagaaga inaasar niyo ako, haha. M-masaya lang ako kasi, hmm, mataas ang grades ko nitong prelim.”
“Weh, talaga ba ate Rain? Iyon lang ba talaga ang dahilan. Yieee!”
Talaga ‘tong si Maemae at JJ, favorite na talaga akong tuksuhin lately!
Bigla ko naalala si Noah. Hmm. Akala siguro nila, galing kay Noah ang saya na mayroon ako ngayon.
Madalas na kasi kaming magkasama ni Rumir, minsan naman ay sabay na kami kumain. Hindi pa rin kasi gumagaling si Shasha sa bulutong niya, kaya madalas, siya na ang nagiging kasama ko.
Biglang nag-vibrate ang phone ko, at tiningnan ko kung sino ang tumatawag.
“Rain?”
“Oh?” lumayo muna ako sa kanila, baka mamaya may makarinig pa eh.
“’Di ba three p.m. pa ang vacant mo?”
“Oo, one hour from now. Bakit sana?”
“Labas sana tayo. Please.”
“Bakit ayaw mo na sa roof top? Nagsasawa ka na ba doon? Hahaha.”
“Gusto ko iba naman love.” Bigla akong kinalibutan sa narinig ko.
“H-ha?”
“Sabi kooo, gusto ko na ibang lugar naman, ’yon lang. Bakit? May iba ka pa bang narinig? Baka puso mo na ‘yon ha?”
Hindi ko mapigilang hindi kiligin sa lalaking parang kailan ko lang uli nakasalamuha pero ang puso ko at puso niya ay parang matagal ng may ugnayan at pinagsamahan.
“O sige doon na tayo magkita sa lobby. See you later.”
“See you love.”
Walang hiya. Hindi ako palamura pero wala na ata akong ibang alam na expression, kung paano ko ilalabas ang ligalig na kilig na nararamdaman ko sa sandaling ito!
Makalipas ng oras, nagkita rin kami. I’m confident naman na sana, pero ewan ko ba. Parang gusto kong maging extra beautiful ngayon!
“Hmm, makadaan nga sa salon, hahaha.”
“Ate Rain, tapos na ang call mo? Tingnan mo na ‘tong mga binebenta ko, baka magustuhan mo.”
“Ano ba ‘yan Maemae?”
“Curler po.”
Hmmm!
“Pwede ma try? Pwede mo ba i-try sa akin ngayon Maemae?”
“Sure naman!”
Kinulot niya ang laylayan ng mahaba at makakapal kong buhok. Talagang kitang kita ko mula sa maliit na salamin kung gaano siya kahusay sa pagkukulot.
“Tadahhhh.” In just fifteen minutes, ganoon kabilis ang pagkulot niya sa akin.
“Ang ganda-ganda naman Maemae! Nakaka-proud!”
“Hehe, thank you ate. Pasensya kung medyo matagal, nakakahiya po kasing masunog ang napakakinis niyong balat eh.”
“Anong matagal eh sa loob lang ng fifteen minutes, maganda na ako!”
“Maganda ka naman na talaga ate, para ka na ngang lalaban sa Ms. Universe! Plus points na lang po ang curly niyo na buhok, hehehe.”
“Asus, nambola pa nga. O sige, kunin ko ’to Maemae ha. Pwede bukas ko na bayaran?”
“Sure ate! Ikaw pa ba malakas ka sa ’kin.”
“O paano, una na muna ako ha.”
“Saan ka naman ate? ’Di ba vacant mo naman na ngayon?”
“May -- bibilhin lang sa labas.” Pagsisinungaling ko.
“Wow ate, may bibilhin ka lang sa labas? Sa itsura mo kasi ngayon eh parang kang makikipag-date. Hahaha, sana all na lang talaga diyosa!”
Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko na lang masyado pinansin ’yon, mahirap na baka mahalata pa ako.
Makalipas ng ilang minuto, nagkita rin kami ni Rumir sa meet-up place namin sa lobby.
Kung sa inaakala ko na siya ang magugulat sa itsura ko, pwes mali ako ng inaakala!
Kung dati, maraming naiinis sa kaniya, but not now anymore. Marami na ang babaeng nakatingin, na animoy nagpapapansin pa nga para makuha ang attention mula sa kaniya.
Napakalinis na ng kaniyang awra. Tinanggal niya ang lahat ng piercing niya sa kaniyang ilong, dila at tainga kaya napakalinis na ng kaniyang buong mukha ngayon. At hindi lang ’yon. Bagay na bagay sa kaniya ang kaniyang bagong tabas na buhok. Nagpa-devil’s cut pa siya at undercut! Kung dati, madumi tingnan ang kaniyang tattoo, pwes ngayon maagas na tingnan dahil bagay na bagay na sa bago niyang anyo! Para na siyang anghel sa paningin ko!
“Riri, tara na?”
“Hey, sabi ko tara na Rain.” Dahil sa sinabi niya, bahagya kong nakagat ang aking dila!
Potek, para yata akong lalagnatin ngayon!
“O chill ako lang ’to ha. Baka hindi mo na ma-take kung gaano ako ngayon kagwapo at ka-hot eh. Alam mo naman, nagpapagwapo ako sayo. Teka bakit ikaw, bakit naka curl ‘yang buhok mo. Yieee, nagpapaganda ka rin sa ’kin no?”
UNTI NA LANG YATA AT MAHIHIMATAY NA AKO! LORD KUNIN MO NA LANG KAYA AKO?
“Oh ano ‘yang paper bag na hawak mo?”
“Bigay ni Noah noong nakaraan bakit?” buti na lang at mayroon ng nai-topic!!
Hahaha, natatawa ako sa expression ng mukha niya. Marunong pala siya magtaas ng isang kilay!
“O bakit ka niya binigyan? Matagal pa birthday mo ha?”
“Eh ano naman ba. Bigay lang ng tao eh.”
“Kailan pa niya ‘yan binigay sayo?”
“Noong nakaraan pa nga ang kulit. May binenta kasi si Maemae na curler sa akin kaya inilagay ko muna sa locker. Ngayon nakita ko ’to, kaya inilabas ko.”
Nag-pout siya ng lips niya, hindi ko alam kung kikiligin ako o maiinis sa kaniya!
“O sige tara na. Bago pa sumama ang loob ko sa paper bag na ’yan.”
“O bakit na naman?”
“Wala wala. Ako na nga magbitbit ng paper bag na ’yan.”
“Oh anong gagawin mo?”
“Bibitbitin ko nga lang.”
“Tapos?”
“Itatapon syempre.”
“Che! Kabaliwan mo talaga, ako na ang magbibitbit!” tinapik ko siya sa likod dahil sa narinig ko sa kaniya.
Nang hindi kalayuan, nakita ko ang babae. Ang babaeng nagbigay sa akin ng sulat para ipaabot kay Rumir. Nakita rin siya ni Rumir at nginitian ito.
“Hmm, I’m so proud of you Rumir.” Tiningnan niya lang ako sa isinambit ko.
“Bilid din ako sa tapang kung paano mo naipagtanggol ang kaklase mo. At kung paano mo natiisan ang mga dean noong tinawag kayo sa office para hingian kayo ng paliwanag.”
“Ikaw nga rin eh, bilib din ako sa tapang mo.” Kumunot naman ang noo ko dahil hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin.
“What do you mean?”
“Bumilib ako sayo kung paano ka pumasok sa buhay ko, kung paano mo napaamo ang napakatigas kong puso, Rain.”
I’m so speechless, hindi na ako nakipagtalo sa kaniya dahil sa nag-uumpisa na namang lumambot ang mga tuhod ko, dagdag pa ang napakamalumanay niyang tingin sa akin.
Gamit ang big bike niya, mabilis naming narating ang lugar na gusto niya raw akong dalhin.