CHAPTER 10

1239 Words
Rain’s POV “Walang hiya ka talaga, dinala mo ako dito sa -- woahhh!” nilagyan niya kasi ako ng blind fold. Ang hindi ko alam, naghanda pala siya ng table and chairs, kung saan -- magde-date kaming dalawa? “W-what’s this Rumir?” “Sana nagustuhan mo itong mini surprise ko sayo, my Rain, my Riri.” Napakaganda ng paligid at napakalamig ng simoy ng hangin. I must say, this is perfect -- so so perfect to be call a date. “Sana nagustuhan mo itong surprise ko. Oh I almost forgot, sunflower for you.” “H-how did you know that I like sunflower?” “’Yong burda ng pangalan mo sa pula mong scarf, katabi noon ang burda ng sunflower. Buti na lang at hindi mo tinanggap ang bulaklak ni Noah.” “Oh nagseselos ka ba?” “Oo nagseselos ako. Noong nakita kitang kasama siya tapos may bulaklak na dala, umakyat yata lahat ng dugo ko sa ulo eh. Kaya napasigaw ako bigla ng emergency. Hahaha.” “Walang hiya! Sabi na nga ba eh!” “Nagselos ako, I’m sorry love.” Nako that word, sinabi na naman niya! Ito na naman ang tiyan ko na napupuno ng paru-paru! Butterflies are dancing all over my tummy again! “Ewan ko sayo Rumir.” “Ang bango mo love, naligo ka na naman ba ng pabango? Mas mababaliw na ako niyan sayo.” “Hay nako Rumir, tigilan mo nga ako. Anyway, bakit may paganito ka? Akala ko ba lalabas lang tayo?” “Oo ito nga, lumabas nga tayo.” “No I mean, bakit may pa-early dinner set pa. At favorite flowers ko.” “I did this Rain for you to know me better, for you to know me deeper.” Awww. Ang sweet ng isang ’to haysssss. “So before we start our chitchat, order na muna tayo?” “Hmmm, sige. Ikaw na bahala, kung ano sayo, ’yon na lang din sa akin.” “O sige love.” Err so many time to be called love today! Ilang mga sandali pa, dumating na mga orders namin. “No way Rumir!” “So for you, Turks Shawarma, Yum Burger ng Jollibee, BFF Fries ng Mcdonalds at Gong Cha na Milk Tea.” “May spy ka ba ha! Bakit alam mo ang mga hilig kong pagkain! Huwag mo sabihing nakaburda rin ’to sa pulang balabal ko!” “Hahaha, nakita ko kasi sa i********: mo. Nakakatuwa naman ang mukha mo, napaka-priceless kahit simple lang ng mga na-ready ko.” “Hey huwag mo sabihing simple ’to! This is the best!” Nanahimik muna ako, I just can’t believe that someone did this to me. Yes, simple lang sa paningin niya but not to me. Dati pangarap ko lang ’to, ngayon natupad na. Hindi ko mapigilang hindi maluha, ang sarap-sarap lang sa pakiramdam. Kay lolo dad na umikot ang mundo ko. Pero ngayon, bukod kay lolo dad, may iba na rin lalaki ang gumawa sa akin nito. Nakakapanibago, nakakaantig lang ng puso. “Did I say something wrong? G-gusto mo na bang umuwi? O sige, tara -- “ “No, no, no, masaya lang ako Rumir. Bagong experience kasi to sa ’kin, nakakapanibango lang.” “Gano’n ba? Don’t worry, lagi na kitang gaganituhin.” “Hahaha, over reacting ka naman Rumir. Hmm, thank you so much -- dito ha.” “Eh si daddy mo? Mommy mo?” “I don’t have na.” “I’-I’ m so sorry Rain. Ngayon ko lang ulit naalala. I didn’t mean to -- “ “Ano ka ba matagal na panahon na ‘yon. Okay lang talaga, promise.” “Akala ko, kaya kita dinate para makilala mo ’ko. Pero ikaw, gusto ko na rin malaman ang buhay mo Rain, ang naging buhay ng Riri ko. Kung okay lang naman sana at kung hindi mo mamasamain.” “Bakit naman hindi? Hmm, matagal na rin ganito ang set up ng buhay ko Rumir, kay lolo dad na ako lumaki, siya na ang tumayong mga magulang ko. Do you mind i-kwento ko sayo ang -- “ “I would love to hear it Rain! Ikagagala ’kong malaman. Go on, makikinig lang ako.” Huminga akong malalim pagkatapos ng pahayag niya. “Hmm, they died long long time ago, plane crashed. Si lolo dad na lang ang mayroon ako Rumir.” “What. R-Rain -- I’m sorry -- I -- I lost words. I can’t find -- any words.” “No, no. Okay lang. Hey, okay lang ako Rumir, okay? Don’t worry. Hmm, yes masakit pa rin naman pero not that point na sobrang sakit pa rin. Matagal na rin ‘yon kasi, as in long long time ago na kaya medyo nag-heal na rin ako. Naiiyak ako kasi nakakapanibago lang, may iba na akong kasama sa dining table. I’m sorry, hehe.” Tumayo siya sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. “Why, where are you -- “ hindi ko natapos ang mga katagang ’yon dahil sa pagyakap niya sa akin -- isang napakahigpit na yakap. “I’m so sorry Rain, you’ve been through to that kind of tragedy. I can’t find any words. Ang kaya ko lang gawin ay ang yakapin ka lang, Riri.” Tumigil na ata ang mundo ko sa sandaling ’to. Ang sarap, napakasarap sa pakiramdam na parang may kakampi na ako sa buhay, maliban kay lolo dad. “It’s your turn Ramir. Common what’s your story?” siya naman ang humingang malalim para i-kwento ang buhay niya. “Same as you Rain, only child din ako. Yes, I do have parents pero alam mo ba? Sobra ko silang kinamumuhian.” “Why?” “Sana huwag mo akong husgahan sa -- “ “I won’t Ramir. Just tell me the whole story please.” “Rain, okay lang ba na tabihan kita?” “Hmm, s-sige.” Kinuha niya ang upuan niya at inilagay sa tabi ko. “So ’yon na nga going back. Saan na nga ako?” “Sa parents mo.” “Right. Iyon, kinamumuhian ko sila, sobra-sobra, araw-araw.” “They did something terrible sayo?” tumitingin ako sa katawan niya, pero wala namang bakas ng kahit anong marka na sinaktan siya. “Hahaha, you’re looking to my body? Wala, wala namang akong pasa o peklat sa katawan. Pero ito? Itong puso ko, ginawa nilang pira-piraso.” “Ang pangalan ng daddy ko ay si Roger Montano. Mas nakatatanda ang kapatid niya na si Enrique, ang bagong kinakasama ngayon ni mommy.” “Hindi ako makapaniwala Rain, kung bakit nagawa ni Enrique na agawin niya si mommy kay daddy.” “Simula noong nag-grade six ako, lagi na silang nag-aaway ni mommy. Hanggang sa nahuli sila ng actual ni daddy na magkasama sa isang restaurant na magkahawak ang kamay.” “Kaya sa sobrang depressed ni daddy, siya na mismo ang kumitil ng buhay niya. Nakita namin siya sa swimming pool, doon sa dati naming bahay sa Laguna.” “Sobra akong nagalit kay mommy at kay Enrique. At hanggang ngayon Rain, hanggan ngayon. Hindi mawala ang galit ko sa kanila ni mabawasan ng kaunti.” “A-ako -- naman ang speechless -- Rumir.” Hinawakan ko ang kamay niya, para kahit papaano naman ay gumaan na ang pakiramdam niya. At mas lalo niya namang hinigpitan ang hawak niya sa kamay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD