Allen's POV Kaharap ang board, pinag-uusapan namin ngayon kung nasaan napunta ang bilyon bilyong kinita ng Montano Corporation maging ang mga ka-chain nito. Hindi pa kayang maglakad ni Rumir kaya kami munang mga kaibigan niya ang tumutulong kay tito Enrique at kay tita Helena. "Maayos ba talaga ang ginagawa niyong pangangalaga sa mga pera namin Mr. Montano!" gigil na gigil na tanong ng isang investor sa kaniya. "Oo nga naman! We flew here from Australia just for this goddamn meeting!" dagdag pa ng isang galit na investor. "I do apologized for -- " "Apologized Mr. Enrique? ARE YOU KIDDING US! Just a word of apology coming from your mouth! Salapi namin ang nawala Mr. Montano and what we need is our money and not your goddamn apology!" "Paano mo sa amin maibabalik ang aming mga sh

