Rumir's POV Sa tagal ng isang buwan sa hospital, finally na discharge na ako at nakauwi na. Nakauwi na ako sa bahay namin, hindi na sa sarili kong condo. Kasi anong sense? This is my house and finally, this is my home. "Anak, kumain ka na ba? Aba'y tanghali na, si manang hindi pa pala nakaka-akyat ng umagahan mo dito sa kwarto." Tanong ni mom habang may dalang kape at hinihigop ito. "Nako hindi na mom, kahit papaano naman ay nakakalakad na ako." "A-anong s-sabi mo? K-kaya mo ng -- maglakad ulit!" "Yes mom, hindi ko na kailangan ang wheelchair na 'to." Tumayo ako at naglakad sa harap niya na talaga namang kaniyang kinagulat. "Epektibo ang iyong physical therapy anak!" "Oo nga mommy eh. Halos isang buwan na rin kasi akong ganitong naka-upo sa wheel chair kaya sinikap ko na tal

