NAPANGITI si Yumi nang pagbukas ang pinto ay naabutan niyang iniwan lang ni Carlo sa lapag ang bag nito. Ang sapatos nakakalat sa sahig. He must’ve been so much tired to leave all things over the place. Kilala niya itong masinop sa gamit. He always put away his things properly. Agad niyang dinampot ang mga gamit nito at inayos. Pagdating sa kuwarto, naabutan niya itong tulog na tulog. Ngunit hindi gaya sa sala, sa silid nila ay maayos ang lahat. Maging ang pinaghubaran nitong gamit ay nasa basket ng lagayan ng marumi. Imbes na lapitan ay hinayaan niya ang asawa na makapagpahinga. Sa halip, ay inayos niya ang mga dalang groceries at nag-ayos ng bahagya. Mabuti na lang at may cleaning lady sila na pumupunta tuwing makalawa para maglinis ng buong bahay. Ayaw ni Carlo na magpakapagod siya ng

