HALOS madapa at nagkakandadulas si Carlo sa pagtakbo makarating lang sa emergency room. Kasunod niya si Abet na gaya niya ay nagmamadali rin sa pagtakbo. Sa bawat hakbang niya kalakip ay ang dalangin na hindi pa huli ang lahat. “Yumi!” sigaw niya pagpasok ng emergency room at lingon sa paligid. Naglingunin din sa kanya ang mga tao doon. Mabilis naman siyang nilapitan ng isa sa nurse. “Doc, nandoon po ang asawa n’yo.” Ni hindi niya nagawang makapagpasalamat dahil sa pagmamadali makita lang agad si Yumi. Paghawi niya ng kurtina, nadatnan ni Carlo ang asawa na nakaratay sa hospital bed, may oxygen at mabilis ang tunog ng heart rate machine. “Doctor De Luna,” tawag sa kanya ng isa sa mga kilala niyang doctor din doon. “Doctor Wong, kumusta na ang asawa ko?” tanong agad niya. Sama

