NAGISING si Yumi ng umagang iyon na masama ang kanyang pakiramdam. She felt a bit feverish and her heartbeat is irregular. She felt some sort of aches and pains on her body as if she’s about to have flu. Napansin din niya na parang may nakadagan na mabigat sa kanyang dibdib at kinakapos siya ng paghinga. Kahit masama ang pakiramdam, kaya pa naman niyang tumayo sa kama at kumilos sa bahay. Pagbaba niya sa first-floor ng kanilang bahay, bumungad sa kanya ang maayos na sala. Maging sa kusina ay maayos din. Napangiti si Yumi nang makitang may naghihintay nang pagkain sa kanya. Carlo prepared some toast and fruits for her together with a note. “Morning babe, pinaghanda na kita ng breakfast. Pasensya ka na iyan lang ang nakaya kong i-prepare. Promise, I will make some time so you can teach m

