ONE WEEK later… “For table number two,” sabi ni Yumi sa isa niyang crew matapos ibigay ang order ng customer. “Hey, are you okay?” Napalingon siya at nakitang nasa tabi na pala niya si Mylene. Agad binigyan ng ngiti ni Yumi ang kaibigan. “Oo naman.” “Parang kanina ka pa nagpapakabusy ah,” puna nito sa kanya. “H-Ha? Nagpapakabusy? Wala lang, wala naman akong masyado ginagawa sa opisina ngayon,” pagdadahilan niya. “Oh, baka naman iniisip mo ‘yong—” Ngumiti ulit siya kay Mylene. “I’m okay, My. I promise.” Bumuntong-hininga ang kaibigan at nilapat nito ang palad sa kanyang dibdib sa tapat ng puso niya. “Take care of this, okay? I know that you’re not okay with Carlo lately. Pero hindi mo kailangan solohin, alam mo naman pwede ka magsabi ng kahit na ano sa akin.” Huminga n

